S-Sexy

11K 286 17
                                    

HINDI pa umuuwi si Dianne magmula nang takasan niya ang pinsan. Hindi problema ang pera sapagkat meron naman siya niyon. May sarili siyang shares sa kompanya nila. Hindi siya ganoong umaasa sa kung anong ibibigay ng kanyang ama. Nagkaroon din siya ng independent bank account maliban sa bank account niyang hawak ng Daddy niya na anumang oras ay maaari nitong isara.


Kung noong college ay nadadaan pa siya sa pa-freeze-freeze ng bank account para matigil ang lahat ng gala niya. Now that she reached twenty, yelo nalang ang mafi-freeze nito sa kanya. 


Gusto sana niyang magcheck-in sa hotel ngunit kung ganitong tine-trace siya ng kanyang pinsan, sayang lang ang ibabayad niya roon. She'd rather have party somewhere than stay in a fuckdamn trap.


Kagaya na lamang ngayon, mayroon na naman siyang bagong target. Hindi din nga niya maintindihan kung bakit parang palaging aligaga ang dugo niyang maghanap ng mapaglilibangan. Madali siyang mainip at mawalan ng gana, iyon ang paniniwala niya. Hindi siya mapakali kapag wala siyang ginagawa. She needed something to divert her attention. At isa pa, tila malaking self-accomplishment sa buhay ang pagtripan ang pinsan niya. Lalo na kung si Crocifico iyon. 


Ipinark niya ang kotse malapit sa malaking bahay kung saan nagaganap ang isang malaking kasiyahan. They were hosting a party... or that's what she thought. Tumingin siya sa suot na damit. She was wearing white low-back top tucked in her strut high-waisted leggings. 


Not bad...for a gate crashing scheme.


Taas-noo siyang naglakad patungo sa gate, kipkip ang kanyang pouch at ang mataray niyang aura. Sinadya niyang ipunin ang kanyang buhok sa gilid upang ma-expose ang kanyang leeg. Nakikita na niya ang security na nasa gilid ng gate habang iniisa-isang tinitingnan ang bawat bisita kung kasama ba ang mga ito sa guest list. 


Hindi naman siya  nag-aalala na mahuli siya. Mas nag-aalala siyang hindi siya mahuli. Kung hindi naman kasi siya mahuhuli, mauuwi lang sa pagkaboring ang gabi niya. She wants  some  thrill tonight. She wouldn't mind a little chase and a little chaos inside.


"Sandali lang, Ma'am." Pigil sa kanya ng matangkad na lalake mula sa tuloy-tuloy na pagpasok. Tumigil siya sa harap ng lalakeng nakauniporme at nagtaas ng kilay.


"What?" Mataray na tanong niya. Sinadya pa niyang gayahin ang accent ng british niyang kaibigan.


"I need to check if your name's included in the guest list—"


"Can't you recognize this face? This beautiful face?"


Pinakatitigan siya ng lalake ngunit bahagya itong nailing. "I... I'm sorry, Ma'am?"


Umakto siyang tila nawawalan na ng pasensya. Mas tumaray pa ang kanyang posture. Humakbang siya ng isa upang mas magkaharap sila ng lalake. Walang ngiting tinanong niya ito. "Do you know my name?"


"H-hindi po, Ma'am."


"What are you exactly, here? You didn't even bother to know who I am. Me? Unbelievable!" Hindi makapaniwalang bulalas niya. Nakakakuha na nga sila ng atensyon dahil sa paggawa niya ng eksena.

Tied (BS#3)Där berättelser lever. Upptäck nu