N-Need

6.8K 197 26
                                    

FIONNE's words were still ringing through her head. Hindi siya makapaniwala. Like the least thing she would expect from him was really happening. And it does. Kumuyom ang kanyang nanginginig na kamay.


"So this makes me a third party, then?" Mapait siyang natawa. How can Westley do this to her?


"Don't say that. Hindi naman kayo, di ba?"


"Do we really have to be officially labeled to make me 'that'." Pinalis niya ang naglandas na luha mula sa kanyang mga mata. The way he hugged her waist. They way he kissed her lips. The way he held her hand. Ganoon na ganoon din ang ginawa nito sa kanya. Was he pretending that he was kissing that girl instead, when he kissed her? He must be so delusional... Just like her.


Pumikit siya at tumalikod. 


Hindi ko kaya...


"I thought I've warned you... I'm too late. Sinabihan na din niya akong huwag makialam, so I stopped." Anito.


Nilingon niya ito. "Sinabihan ka niya?"


"Yeah. Hindi ko alam kung bakit dahil ayaw niyang sabihin. I never thought he was working with your... Dad." Sagot nito na ang tinutukoy na pag-amin niya nang mga nalaman rito.


Hinila nito ang kamay niya. Nagpasunod lamang siya rito. They went to the nearest restroom. Mabuti nalang ay kakalabas lamang ng dalawang babae na naroon. Kaagad na bumuhos ang luha niya nang maiwan silang dalawa roon. Fionne locked the door and she was leaning on it. Hindi ito nagsasalita. Tila walang mahanap na sasabihin. Sinamahan lang siya nito hanggang sa maisipan niyang tumahan.


"I'm so stupid." Pinunasan niya ang kanyang luha habang walang tigil na napapahikbi.


"I know you are a decent woman, Dianne. And he's still my friend although he's a big stupid asshole. But I'm not hoping you'll forgive him."


Umiling siya. Naghilamos siya ng kanyang mukha. May mga kumakatok na sa kabilang pinto. Ngunit walang pakialam sa Fionne sa mga tao. She just continued leaning on the door na para bang walang naririnig o nararamdaman. Even in this situation, she can be so cool.


"Break up being his friend. I'm so much better than him." Alok niya rito.


"I would if I could. Matagal ko na siyang isinusuka. It happened that he and my brother are good associates. They got along so well." Nagkibit ito ng balikat.


"And why is that?"


"He's materialistic. Gagawin niya lahat masunod lang ang kapritso niya. I don't know, I feel like he's a devil in disguise. Lalo na ngayon..." Sagot nito habang pinagmamasdan siya. Tinuyo niya ang kanyang mukha. At nang masigurong ayos na ang istura niya kahit hindi ang puso niya ay nagdesisyon na silang buksan ang pinto.


Bumungad ang iritadong mukha ng mga babae sa kanila pati na rin iyong isang janitress doon. Humingi sila ng paumanhin. Sinundan pa siya ng tingin ng mga ito marahil ay dahil sa namamaga niyang mga mata.

Tied (BS#3)Where stories live. Discover now