E-Emergency

13.1K 300 14
                                    


NAGLIWALIW muna si Dianne habang pinagtatalunan pa ng mga pinsan niya ang tungkol sa pagbabantay sa kanya. Tumawag na ang Daddy niya sa mommy ni Trex, si Tita Taira, ngunit sinabi nitong nagkaroon ito ng kasunduan at ang pinsan niya na hindi na nito pipilitin ang huli sa kahit ano. Sunod na pinakiusapan ng kanyang ama si Tita Carolina. Pumayag naman ito, iyon nga lang, si Leon lang ang may ayaw. At sa pagkakakilala nilang lahat sa binata, kapag ayaw nito... ayaw talaga nito.


Si Tita Chi ang sunod na kinausap ng Daddy niya. He pleaded to check on her from time to time. At baka masangkot na naman daw siya sa sakit ng ulo. Na baka pwedeng kausapin nito si Aria na samahan siya at ilayo siya sa bisyo niya--ang maghanap ng gulo. Nahirapang tumanggi si Tita Chi ngunit dahil sa kadahilanang graduating si Aria at ayaw nitong maistorbo sa pag-aaral ang dalaga, hindi napagbigyan ang kanyang ama.


Kinausap na rin ng kanyang ama si Tita Lorena. Wala itong anak, at maaari sana siya nitong bantayan na parang isang bata kahit pa matagal na siyang grumaduate sa teenager. Ngunit abala ito sa trabaho at sa ipinaayos na bahay. Maaari naman daw siya nitong bisitahin paminsan-minsan na siyang ipinagpasalamat ng Daddy niya.


Lahat ng pinsan niya tumangging alagaan siya. Kaya naman nang minsan silang magtipon-tipon at naitanong ni Tita Chi at Tita Lorena kung sinong willing mag-volunteer upang bantayan siya... nagkaturuan na. Sa huli, ang itinanghal na nagwagi ay walang iba kundi si Crocifico.


Naiwan ang ibang pinsan niya kasama si Crocifico. Mukhang problemado si Leon kaya lahat sila ay ilag muna rito. Palagi nalang kasing mainit ang ulo nito. Kararating palang niya, mainit na agad ang dugo nito. Si Trexton pagkatapos ng kanilang meeting... hindi na nila matagpuan. Madalas ay hindi nagpaparamdam ang pinsan nilang iyon. Si Aria, si Clovis at si Crocifico ang magkakasama ng mga oras na iyon. In fairness sa pinsan nilang si Clovis, isang tawag lang rito ng kahit sino sa mga Tita o Tito nila ay kaagad itong magpapakita.


Tumunog ang kanyang cellphone at rumehistro ang pangalan ni Crocif. Imbes na sagutin ay pinatay niya ang tawag. Siguradong hinahanap na siya nito ngayon. Sino ba kasing nagsabi ritong hayaan siya nitong mawala sa paningin nito? Napangisi siya.


Nagpaalam siyang iinom lang sandali. Pero hindi naman niya sinabi kung saan. She stepped on the gas to overtake. Nilagpasan niya ang dalawang sasakyang nasa harap. It was a little risky. She didn't even budge to look if the other side was clear. Nagkibit siya ng balikat nang businahan siya ng sasakyan sa kanyang likod.


"Ang babagal nyo kasi!" Sigaw niya kahit pa hindi siya maririnig ng mga ito. Mas binilisan pa niya ang takbo na para bang ang daan doon ay katulad ng sa Germany. Hindi na niya isinara ang binata  sapagkat masyadong mausok sa kalsadang tinatahak niya. 


"Now, now... saan tayo maghahasik ng lagim ngayon?" Kausap niya sa kanyang GPS. She was busy entertaining the genius GPS while driving. Good thing, she was good at multitasking. 


Kahit palagi siyang ipinapatapon kung saang-saang lugar o bansa, marami din siyang natutunan sa mga iyon. Lalo na sa Japan, technologically advanced ang bansang iyon. Marami siyang natutunan tungkol sa mga sasakyan at mga gadgets. 


Well, basically she had learned how to use guns while she was in the United States. But his father found out that she has already acquired a gun. Noted that it was a legal ownership, still her father didn't approve of it. Ipinadala siya nito sa Japan, just for the purpose of seeing the cherry blossoms. Pero hindi siya iyong tipo ng taong nakukuntento lang sa cherry blossoms. Few weeks after, she had engaged in a car racing in Japan. At dahil don kaya bigla nalang siyang hinugot ng kanyang ama at ipinadala sa South Korea. Little did he know, she had learned how to hack computers while staying there.

Tied (BS#3)Where stories live. Discover now