C-Coward

7K 225 22
                                    

GALIT na mga mukha ng mga pinsan niyang lalake ang bumungad sa kanya paggising ni Dianne sa ospital. Aria was quite calm unlike the others. Ni hindi na lang siya nagsalita dahil halata namang mainit ang ulo ng mga ito sa kanya.


"I'm sorry..." Iyon lang ang nakayanan niyang sabihin matapos siyang paulanan ng sandamakmak na sermon ni Leon at Clovis. Trexton went outside to talk to the doctor. Ayaw daw siya nitong makita dahil lalong tumataas ang altapresyon nito. Lumabas naman si Aria para bumili ng pagkain nila.


"Bullshit!" Napangiwi siya sa pagsigaw na iyon ni Leon. "You crashed your car with a gun inside. Were you trying to kill yourself?! Damn, Dianne! Help yourself!" Angil nito. Nakagat niya ang ibabang labi. Nagpatuloy sa sermon si Leon. Kung di pa ito tinapik ni Clovis ay tila di pa ito mahihimasmasan.


"So...where's my gun?"


The two guys glared at her. She immediately shut her mouth. "Really? Mas inuna mo pang inalala yan?" Nagtiim-bagang si Leon. "If the cops found you first, sa presinto ka sana naka-admit ngayon."


Ngumiti lamang siya. "I'm lucky, then."


Clovis frowned at her. "You were unconscious the whole day, you broke your arm and here you are... nagagawa mo pang tawanan ito. Akala mo ba makakaligtas ito sa parents mo?"


Bumuntong-hininga siya. "Relax, Clov. I'm fine. May bali lang ako, hindi pa ako mamamatay." Aniya. May bali ang braso niya. Mayroon siyang benda sa ulo. And she was wearing a cervical collar on her neck. Maswerte pa nga daw siya at iyon lang ang natamo niya. Para namang ginusto niyang maaksidente ng ganon. Pero sa totoo lang ay masakit pa din ang katawan niya.


Natutok ang atensyon nila sa pinto nang pumasok mula roon si Crocif. Kaagad na kumunot ang noo niya dahil sa pasa sa cheekbone nito. Siya lang ba talaga ang naaksidente?


"You look horrible." Komento niya. "What happened to you?" Tanong niya. Bakit palagi nalang nagkakapingas ang mukha ng pinsan niya?


"That should be my line." Masungit na anito. Hindi siya makapagreklamo sa cold treatment na nakukuha niya sa mga ito. She must have bothered them so much. Imbes na tumabi ito sa mga pinsan nila na nasa sofa, malapit sa pinto ay dumiretso ito sa tabi ng bintana. Kumuha ito ng isang mansanas pagkatapos ay sumandal sa pader malapit sa bintana.


"I'm calling your parents." Paalam nito matapos ang mahabang katahimikan. Wala siyang nagawa kundi mapabuntong-hininga. Iyon naman talaga dapat ang maganap. Isa pa... siguro mas makakabuti ngang malaman nalang ng mga ito ang nangyari kaysa gumawa na naman siya ng panibagong palusot kung bakit ganoon ang itsura niya. Siguradong hindi naman iyon bebenta. Isa pa rin ang bagsak niya.


"Go on..." Kaswal na sagot niya.


Nagkatinginan ang mga pinsan niya. Tila ba nagkaroon na kaagad ang mga ito nang pagkakaunawaan. Naunang bumasag sa katahimikan si Clovis.


"Dee, alam mo kung saan patungo ito, hindi ba?"


Tied (BS#3)Where stories live. Discover now