L-Lost

7.5K 220 19
                                    

"WATASHITACHI NI SHIAWASENA TANJOBI!" Happy birthday to us.    


Nagpalakpakan ang mga tao. Nanonood lamang siya. Nadikit na ata ang kanyang mga mata sa stage. Hindi na kasi niya magawang maialis iyon doon. What date is today? Tila nawala na pati ang araw sa isipan niya. Lumilipad ang utak niya.


Kinalabit siya ni Laurence.


"Hey," Nilingon niya ito. "You, okay?"


Tumango siya at ngumiti. Hindi na niya nagawang ibalik ang tingin sa stage. Kasalukuyang gumagawa ng speech si Mr. Hisakawa. Pero ni isa sa mga iyon ay walang pumapasok sa isip niya. 


"I hope we'll have a great night! Pātī o o tanoshimi kudasai. Arigatōgozaimashita!" Enjoy the party! Thank you!


Matapos iyon ay nagpalakpakan muli ang mga tao. Inisang lagok naman niya ang inumin. Umiling siya at pinilig ang ulo. How can that be? Dinadaya ata siya ng sarili niyang mga mata. Muli niyang nilingon ang stage. 


Wala na. Dumako ang paningin niya sa ibaba kung nasaan si Mr. Hisakawa. A set of blue piercing eyes met hers. Nahigit niya ang hininga at kaagad na napatayo. Nagulat din si Laurence sa ginawa niya. 


"Dianne? Daijōbudesuka?" Are you okay?


"Law, I have to go. Gomen'nasai." Sorry.


Pagkasabi niyon ay nagmamadali siyang umalis. Narinig pa niyang tinawag siya ni Laurence ngunit di siya lumingon o tumigil man lang. Sigurado siya sa nakita niya. It was Westley! Sa kalagitnaan ng speech ni Mr. Hisakawa ay binati nito ang associate na may kaarawan rin ng araw na yon!


Paulit-ulit  siyang napamura. Today was 27th of February! Paanong nakaligtas sa isipan niya iyon? She just lost count of the days. But damn shit of a hell! Paano nangyaring narito si West? Paanong nagkaroon pa sila ng koneksyon ngayon?


Hindi matigil-tigil ang pagmumura niya habang naglalakad. Pwede na siyang gumawa ng essay sa dami ng nasabi niya. Pati japanese words, pinatulan niya. Pagdating niya ng lobby ay bigla nalang may humila sa braso niya. Tila nanlaki ang ulo niya nang matagpuan si Westley na hawak-hawak ang braso niya. 


Kingina.


Her world seemed to stop as she stared back at him. Those years hasn't even made quite an impact apart from the fact that he looked achingly gorgeous and undeniably attractive, now. He let facial hair grew on his strong jaws and changed his hairstyle too. He's a lot more muscular. Even with the suit and tie, she can deny the fact that he's a lot sexier, now. And it was so hard to believe that he can still look even more beautiful than he already was, three years ago.


"Dianne," Madulas na lumabas sa tinig nito ang pangalan niya. Marahas na binawi niya ang braso rito at umatras. Lahat ng tanong niya nasagot sa pagkikitang iyon. 


His eyes were bloodshot. He looked like he didn't get a good night sleep last night. Alam ba nito? Alam ba nitong magkikita sila ngayong gabi? Alam ba nito kung saan siya nagtatrabaho? Alam ba nito ang nangyayari sa kanya within those years she was gone? Fuck!

Tied (BS#3)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora