E-Eyes

6K 161 7
                                    

NANATILING nakatitig si Dianne sa labas. Buhay ang makina ngunit tila wala siyang lakas ng loob para paandarin palayo ang kotse niya. Umalis sila matapos magpaalam sa receptionist na hindi na nila mahihintay pa si West. She left the lunchbox on his table. 


"That bastard! Do you want me to beat him up? I can do it, right now!" Nanggagalaiting wika ni Trex. Hindi siya nagsalita at nanatiling nakahawak sa manibela. She was gripping so tightly on the steering wheel. Kabaliktaran ng kanyang mga tuhod. They were trembling. Her hands were cold just like deep inside. It felt cold like a frozen world.


"Umalis na tayo dito." She said in a weak voice. Dahan-dahang umandar ang sasakyan. She still took a smooth turn. Ngunit di gaya ng dati, mas mabagal at tila walang buhay ang pagmamaneho niya.


Nilingon siya ni Trex. "That's it? Palalagpasin mo nalang yon?" Hindi siya nagsalita. "You're not going to see him, again, are you?"


Muli siyang nanahimik. Magulo pa ang isip niya. Magulong-magulo. Di kagaya ng emosyon niya. She felt like mourning for herself. Naaawa siya sa sarili. And it was pathetic. Too pathetic to feel that way.


"Are you crazy? Ginagawa kang negosyo lang ng gagong yon!"


Her cousin's word pierced through her heart. Lalong humigpit ang pagkakakapit niya sa manibela. She was trying to hold it all in. She was trying her best to calm down. 


"The fuck, Dianne! Hindi ka naman tanga!" Umiling ito na tila hindi makapaniwala sa reaksyon niya. Ni hindi man lang kasi siya nagpapakita ng galit, pagkadismaya o pagkalumo. 


"Shut up, Trex."


"What?"


"I need to think. Hindi ako makapag-isip kung pinagagalitan mo ako ng ganyan." She cleared her throat. Huminga siya ng malalim sa pag-asang mababawasan ang bigat sa kanyang dibdib. Ngunit tila kahit ang hangin na nilalanghap niya ay lalong nagpapabigat sa kalooban niya.


Napabuga ng hangin si Trex. Sumandal ito sa kinauupuan. "I can't believe this." Umiling ulit ito at pagak na natawa. "I can't believe na nandito ako, kasama ka. Hindi ako makapaniwalang hindi ko pa sinisira ang mukha ng hayop na yon, ngayon."


Iniliko niya ang kotse. "Ako din." Nilingon siya ni Trex. Nanahan ang nakabibinging katahimikan sa loob ng sasakyan. "Hindi ako makapaniwalang naisahan nila akong dalawa." Aniya.


"Dee..." 


Lumunok lamang siya upang mawala ang bikig sa kanyang lalamunan. Ngunit tila sa bawat paghugot niya ng hininga, kalakip ay panibagong kirot sa dibdib niya. And every heartbreak is a piece of her world falling apart.


All this time, all the words, all the calls, all the messages and all the favors of being fetched and drove back home. All of them was just part of business. Negosyo lang pala siya para kay West. 


Perez: Hindi ko nakakalimutan ang kasunduan natin. I will sign the contract and the Aurora estate will be yours. Take care of it. Mahalaga sa akin ang lupaing iyon. It is my one and only memory of my late father.

Tied (BS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon