D-Down

5.8K 169 9
                                    

"WHAT DO YOU WANT?" Tanong ni Fionne. Pinanood niya ito. Tumalikod ito at nagtungo sa isang mesa roon. She picked up a hair tie and put her hair into a ponytail. "Limang minuto lang ang kaya kong ibigay, Dianne." Dagdag nito nang hindi pa siya nagsalita.


Hindi dapat siya maintimidate ngunit kayang-kaya nitong iparamdam iyon sa isang tao. Hindi naman siya ganito kausapin ng babae noon. She was warm to her, just as she remembered. Pero ngayon... tila ibang tao ang kaharap niya. Fionne mastered the ability to give people chills. Dahil kahit siya nanginig ang kalamnan sa lamig nito. Her stares give her shivers.


What's the sudden change? 


Dahil ba nag-away ito at si West? What's in between them? Are they really friends or more than just that? Hindi siya mapalagay. 


Huminga siya ng malalim at iwinagayway ang papel na hawak. "I have your papers." Sinulyapan lang siya nito sandali.


"What's the catch, Dianne? Kapag bumukas ulit ang pintong yan, your time is up. Unfortunately, I'm not in the mood for a little chitchat. Kaya kung may importante kang sasabihin—


 "Si West." Kitang-kita niya kung paano ito matigilan at bumalik na para bang walang narinig. What is  this girl?


She really is cold as ice, now. And she looked pissed off, too. Kanina pa.


"What about him? As you can see, wala siya rito."


"Alam kong may alam ka. I want to know, Fionne. What are you trying to tell me, that night?"


Sumandal ito sa mesa at humalukipkip. "I don't know what you're talking about." Pagmamaang-maangan nito. Don't try to lie now, Fionne.


"Alam kong may itinatago sa akin si West. Kayo. Alam kong may alam ka. You're friends. Don't try to protect him. Alam ko na ang sekreto niya."


"Sekreto?" Tumawa ito ng pagak. "Kung alam mo na pala, bakit nandito ka pa?"


"Dahil pakiramdam ko mas marami akong malalaman sayo kaysa sa nalaman ko na."


Taas noo siya nitong tinitigan. Lakas loob din niya itong tiningnan pabalik. "Sige nga. Tell me, Dianne. Let's see if your ideas matched with mine."



TULALA pa rin si Dianne habang nakatingin sa sariling repleksyon. Hindi lubos na nagsi-sink in sa kanya ang napag-usapan nila ni Fionne. She just told her everything but Fionne refused to tell her about the things she knew. At least, ngayon alam niyang may alam ito. She didn't confirm anything but the fact that she knew something... iyon ang mas napatunayan niya.


"Bakit ayaw mo pang magsalita? Fionne naman! I'm asking you a favor!"


"Wala ako sa lugar para magsalita."


Pumikit siya ng mariin at yumuko. Naghilamos siya. Panay ang tunog ng kanyang cellphone magmula nang makapasok siya sa comfort room. Marahil ay mga tawag ni Westley iyon.

Tied (BS#3)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant