F-Fox

8.2K 213 8
                                    

NANG sumunod na araw  ay dumayo naman sila sa dating bar na pinuntahan niya. She particularly picked the place the hang out since she likes the ambiance and the music. Tutugtog kaya ang bandang naroon din ng pumunta siya? She remembered that time... may tinulungan pa silang lasing na babae roon.


Umupo sila di kalayuan sa stage. Wala pa ang bandang tumutugtog dati doon. Hindi kaya darating ang mga yon? Baka naman... may schedule ang gig ng mga ito. Sayang naman. Magaling pa naman ang bandang iyon. She likes their choice of song. And their particular drummer was cool too. Not to mention, gwapo din iyong vocalist.


Sinulyapan niya si Westley na prente ang upo. Sa itsura nito ay parang hindi na bago rito ang lugar. Oh right... the first time they met was in a bar. Kung saan pa siya mismong naghasik ng lagim.


Mula sa paligid ay lumipat ang tingin nito sa kanya. Tumaas ang kilay niya.


"Anong gagawin natin dito?"


Umiling siya. "Wala..." Tumingin siya sa paligid at naghanap ng mukhang maaaring pamilyar sa kanya. "I just like the place and that particular band playing here."


"Band?"


"Yeah..."


"The first time I went here may tumutugtog na banda." Wala sa sariling napangiti siya. "I like music. Almost any type of music."


"You play instruments?" Sinulyapan niya ito at umiling. "You sing?"


"Medyo." Nagkibit siya ng balikat.


"Why do you like music, then?"


Sinalubong niya ang bughaw nitong mga mata. They always make her wonder... how deep they can be to hold so much emotions. Gaano ka-honest ba ang mata at parang ibinubunyag niyon ang lahat ng sekreto ng isang tao? Lahat ng sekretong ipinagkakait at pilit na itinatago ng ngiti, simangot at seryosong ekspresyon. And his... was strange just like the others. Only that... there was something else, she just can't figure out. Something else than just wonder and endless awe.


"Dianne," wika nito sa nanaway na tono. Ngumiti siya. "Stop staring."


Tumawa siya nang mapansin ang pagkailang nito. "Ang ganda ng mata mo. Akin nalang." Nawiwirduhang tiningnan lang siya nito. Muli siyang ngumiti. "Powerful." Wika niya pagkuwan.


"What?" Naguguluhang tanong nito.


"Music. I like music because it's powerful and fearless." Aniya. Nilaro niya ang kanyang mga daliri habang nagsasalita. Music is not just about rhythm, beat, voices or melodies. For her, music is a weapon. Music is a rose full of thorns. Music can be anything sweet and at the same time dangerous. They can easily make someone's heart flutter just as easy as breaking it.


"How can you say so?"


"It will only take one line in a song that could strike you like lightning." Napaawang ang bibig niya nang may mahagip ang kanyang paningin. "Her!" Bulalas niya.

Tied (BS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon