D-Dangerous

7.1K 232 12
                                    

NAKASANDAL si Dianne sa gilid ng kotse habang hinihintay si West. May kausap kasi ito sa cellphone at mukhang importante. Binigyan niya ito ng privacy sapagkat ayaw naman niyang magmukhang nakikinig sa usapan ng may usapan. Isa pa, hindi siya mapalagay. Looking at him, hindi niya maiwasang maisip ang sinabi ni Fionne. Bakit pakiramdam niya ay may gusto itong sabihin sa kanya? May hindi ba siya nalalaman? Why does it feel like she was giving her a warning? Warning for what? From West? 


Bakit iniisip ng lahat na delikadong tao si West?


Nakapamaywang ang isang kamay nito habang ang isa naman ay hawak ang gadget na nakadikit sa tainga nito. Mula sa pagkakatalikod ay nilingon siya nito. Ngumiti ito sandali. She smiled back and nodded.


They didn't know him. Iyon ang naisip niya. Hindi kasi kilala ito ng mga pinsan niya. Hindi nila nakakasama ang binata. And maybe Fionne was like that too. Or maybe she secretly likes him, that's why. She was just jealous of her. Hindi nga ba't nakita niya itong nakatingin kay West noong nakaraan lang? And the guy was her brother's friend. Siguro nga ay may gusto rito ang dalaga. She can't think of any other reason beside that.


"Sorry about that. Let's go home?" 


Tumango siya at pumasok na sa kotse. she was too occupied that she didn't notice him beside her. Hindi na niya ito nahintay pang ipagbukas siya ng pinto. Kumunot ang noo nito ngunit hindi naman nagsalita. He closed the door for her and went to the driver seat.


Buong byahe ay tahimik siya. Hindi pa rin matanggal sa isip niya ang sinabi ni Fionne. Ito ang mahirap sa kanya. Kapag nabahala siya ay tuloy-tuloy na. Nakakalimutan na niya ang mga taong nasa paligid niya. For the nth time, she sighed. She looked at the window and found out that they were already in front of her house.


Ang bilis naman...


Tinanggal niya ang kanyang seatbelt. "Uh, thanks for the ride." Walang tinging wika niya bago binuksan ang pinto. Hindi naman siya nito pinigilan. Wala sa sariling nagtungo siya sa harap ng bahay at hinanap ang susi niya sa bag. Masyado nga atang nabahala ang sistema niya sapagkat hindi niya naramdamang nakarating na pala sa tabi niya si West.


"Dianne..." Napasinghap pa siya nang hawakan nito ang siko niya. Iniharap siya nito. 


"Ano yon? May nakalimutan ka?"


Kumunot ang noo nito. "Are you okay? Kanina ka pa tahimik." Napakurap-kurap siya. Kaagad siyang umiwas ng tingin at baka makita nito sa mga mata niya ang itinatagong pagkabahala.


"Wala. Pagod lang siguro." Nagkibit-balikat siya. "Umuwi ka na. Papasok na ako." Aniya. Akmang tatalikuran na niya ito nang hinila nito ang braso niya at ibinalik siya sa kinatatayuan niya kanina—sa harap nito. "What are you thinking?" He asked again. Napaawang pa ang labi niya nang dahil doon.


"I want to know what on earth..." Pintik nito ang ulo niya. "...is running through this head."


She closed her mouth and looked away. Hayan na naman. Her senses were active again. Ang buong kingdom animalia ay nagdidiwang na naman sa loob ng tiyan niya. Adrenaline already took over her heart. These are the things that West never failed to bring her.

Tied (BS#3)Where stories live. Discover now