E-Eat

8.4K 267 9
                                    

MATAPOS niyang ialis ang kotse niya kung saan una niya itong ipinarada ay saka naman sila naghanap ng bago niyang mapagpaparadahan. Tinulungan pa siya ni West na iparada iyon ng maayos. Namumuo na ang pawis nito sa noo nang balingan siya.


"Done..." Ibinigay nito ang susi sa kanya pagkatapos ay pinalis ang pawis. Nakagat niya ang ibabang-labi. Hindi naman talaga nito kailangang ihanap siya ng mapagpaparadahan. Pwede naman siyang umalis nalang. Wala rin naman talaga siyang kailangan. Nakita na niya ang gusto niyang makita.


Napakamot siya sa ulo nang tumayo ito sa harap niya at tumutok sa kanya ang mga mata nito. Now what, Dianne?


"Uh... are you hungry? Kain muna tayo."


Kumunot ang noo nito. "Walang malapit na kainan dito." Luminga-linga din siya ng malapit na kakainan. Puro building lang ang naroon. Wala man lang malapit na fastfood chain.


"Sa Mall..." She  suggested. Hindi natanggal ang pagkakakunot ng noo nito.


"I just parked your car." He said, stating the obvious.


"Yeah. But I'm hungry." Nagkatitigan sila sandali bago ito bumuntong-hininga.


"Can't you eat alone?" Hindi siya sumagot bagkus ay sumimangot rito. Hindi naman nito obligasyong samahan siya pero... ayaw pa niyang mawalay ito sa paningin niya. Besides, mukhang na-o-obsessed na ata siya sa paningin nito.


"Hindi ka pa ba tapos?" tanong niya pagkuwan. Tukoy ang pamimili nito ng libro. Tumango ito na lalo niyang ikinasimangot. "Okay..." she said and grabbed his arms. Nagulat pa nga ito sa ginawa niya. Hinila niya ito papasok sa bookstore ngunit nanatili ito sa kinatatayuan.


"What are you doing?" He asked.


"Papasok sa loob. May bibilhin ka pa di ba?"


"Akala ko ba, gutom ka na?"


Tumango siya. "Oo nga." Tinitigan siya nito. Ngumiti siya rito. "Eh di hihintayin kita."


"You don't have to do that. Just go, eat. Hindi maganda ang nagpapalipas ng gutom." Sagot nito. Nilampasan siya nito upang magtungo papasok sa bookstore. Sumunod siya rito. Hindi niya inaasahang bigla nalang itong titigil kaya tuloy-tuloy na sumalpok ang ilong niya sa likod nito.


Hinarap siya nito. "What are you doing?" Anito. Hinimas niya ang kanyang nasaktang ilong. Sa bakal ba tumama ang ilong niya? Damn.


"Sasamahan—"


"Eat, Dianne." Natigilan siya sa paghaplos sa kanyang ilong sa pagtawag nito sa pangalan niya. That was the first.


Ngumiti siya rito. "Nah, I can wait."


"Don't wait for me." He coldly responded.


Nabura ang ngiti niya. Napanguso siya ng bahagya sa sinabi nito. "Fine." She said. Bagsak ang balikat na tumalikod na siya rito. Oh well, hindi naman talaga sila magkakilala kaya wala itong obligasyong samahan siya. Back to being alone, huh?

Tied (BS#3)Where stories live. Discover now