BFG 25

258 9 10
                                    

Friends

Sam's POV

11:00 am na ako nagising. Di pa dapat ako babango pero panay ang text nila Sittie, Chuchay at KC. Nag-greet sila ng Happy Valentine's Day pagkatapos ay nag text agad si Chuchay na busted daw si Kirby.

"Hay... ok busted." Humikab pa ako tapos bumangon sa kama at nag stretching sa mga kamay. Busted si Kirby, Valentines ngayon. Ba't ang special-

"BUSTED SI KIRBY!? VALENTINES NA NGAYON!?" Napatingin ako sa CP ko at February 14 nga at nag-alarm ito na may pupuntahan ako sa school. Ngayon pala yung churva char ni Minkyu? Bumangon ba agad ako at naligo kaagad at kumain ng brunch. Anong oras nga ba yun? 1:00 pm? Tapos isusuot daw yung dress? Magtataka talaga ang lola ko nito.

Nag-ayos na ako. Nilagyan ko lang ng baby powder ang mukha ko tsaka kinagat-kagat ang mga labi para pumula naman ito ng kaunti. Hindi ako mahilig nah lip gloss or what. Sinuklay ko ang medyo basa ko pang buhok at nilagyan ng ipit ang gilid nito.

Tiningnan ko muna yung attire ko. Isang blue dress na may baby collar at medyo bukad yung saya nito na above the knee. Nag shoes lang ako ng color white na may pagka blue. Hindi ako mahilig sa flats, heels or pumps. Ok na ako sa mga closed shoes, pump shoes basta yung may liston.
Kinuha ko rin yung sling bag ko na color blue at naghintay ng 12:30pm bago bumiyahe patungong school.

Si KC kasi saakin nagtetext na as early as one pm ay nasa school na ako. Tss. Hindi pa nga ako comfortable sa suot kung damit. Pinagbigyan ko lang yang bwesit na crush mo.

"Mommy la! Alis na ako." Nagpaalam na ako sa lola ko na nakabihis rin.

"Ganda mo yata Samantha?" Sabi ni Mommy at tiningnan ang damit ko. Pinagtaasan niya ako ng kilay. "May date ka? Aguroy! May jowa ka na eh kabata bata mo pa." Namutla naman ako. Hindi nila alam na may kikitain ako sa school ngayon. Ang alam nila ay may gagawin kami sa film. Gaya narin kay Sittie.

"Huh? Wala po my! Nagtry lang akong magsuot ng dress. Hihi." What a nice reason.

"O siya sige! Pag malaman naming may iba kang pupuntahan aba't ipapahanda ko na ang panday ng Daddy lolo mo." Hay nako! Huwag kayong mag-alala my. Tumunog yung phone ko at nakita kung tumatawag si KC.

"Hello?" Sinagot ko agad ito.

"Asan ka na? Dzai, naghihintay kami dito."

"Alright. I'm on my way. See ya!" At inend ko na ang call.

"My, alis na talaga ako." Nagmano ako sakanya at lumayas na sa bahay at pumadpad kaagad sa school na pagkapasok ko sa gate ay nakatanggap ako ng text galing kay Sittie.

Sittie:

Bro, magkasama kami ni Chuchay ngayon. Pumunta nalang kayo ni KC dito pagkatapos sa date mo kay Minkyu. HAHAH!

Hindi ko nareplayan si Sittie kasi bigla nalang nag expire ang unli ko. Hay nako 8888! Kahit kailan talaga.

Naglakad na ako patungong school ground. Pero nagkasalubong kami ni Kirby na nakangiti. Ito lang yata ang nabusted na nakangiti.

"Ngiti ngiti mo diyan?" Pinagtaasan ko siya ng kilay. Lumapit siya saakin at umakbay.

"Alam mo Nicole kaysa sa maging malungkot at magmukmok ako ay dapat maging masaya nalang ako." Ngumisi siya saakin. Tumingala ako sakanya.

"Hindi ba masakit?" Tsaka tinuro ko yung puso niya. Ngumiti siya ng kaunti.

"Masakit ng kaunti. Pero di naman ako nag alok na maging girlfriend siya. Liligawan ko pa naman. Tsaka wala pa naman ako sa punto na baliw na baliw ako sa bestfriend mo." Kumunot ang noo ko. Pero ba't ka nasasaktan? Ay syempre kasi nag-effort sayang ang gastos tapos imbes Valentine's Day naging Broken Heart's Day para sakanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 13, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Best Friend GoalsWhere stories live. Discover now