BFG 13

160 7 5
                                    

Dreams

Sittie's POV

Sa wakas at natapos narin namin ang Variety Show! Worth it lahat ng paghihirap namin. Kaya ito kami ngayon balik na agad sa class. Pagkatapos ng Variety Show ay may Film Showing nanaman. Nakapasa na kami ng english at filipino entry, sa bawat section kasi ay dapat gumawa ng isang filipino tsaka isang english film. Hinihintay nalang namin kung anong resulta at kung ano ang dapat ayusin o eedit sa film. Tapos requirement pa yung mga poster-poster na parang sinehan lang ang peg. Magpropromote pa nga kami at paramihan ng likes sa facebook at views sa youtube.

And the worst thing is the thesis. Nasimulan na namin yun last last month, malapit narin kaming matapos sa survey forms then after 3 weeks siguro ay magde-defense na kami. Sana naman makapasa kami.

"Sittie, para sayo." Kinuha ko yung dala-dalang chocolate ni CJ. Nagsimula ito noong nag-practice kami eh. Akala ko nga siya ang nagbibigay, pero iba pala. Pero may hinala talaga ako na may kinalaman sila Sam, hindi lang sinasabi.

Nawala yung tatlo sa classroom hindi ko alam kung asan nagpunta. Dahil sa wala akong magawa ay pumunta nalang ako sa locker area at kumuha ng mga libro namin.

Pagkabukas ko ay nahulog ang mga libro at nagkalat sa sahig. Hindi naman pala nila ito inarrange? Total ang busy naman talaga ng life namin this past few days.

Inayos ko yung mga kalat na libro sa sahig tapos yung mga papel naman na nakasuksok sa libro nila ay tinapon ko sa basurahan. Binuksan ko ng maayos ang pintuan ng locker at may nahagilap akong isang white envelope. Kinuha ko iyon.

"Baka remedial letter ito noon ni Chuchay?" Inexamine ko muna iyon tsaka binuksan. Nagulat nalang ako sa nabasa ko.

Dear Ruth Angela,

   I am not good to this but please bare with me. Gusto kita Chay. Dati pa pero hindi ko lang alam paano sasabihin ang mga iyon. Naunahan ako ng takot kaya naunhan rin ako ng iba. Shit! Sino bang nagpauso nitong love letter? Kahit di mo ko pansin sa personal, ay mapansin mo ang sulat kong hindi kagandahan.

-D.A.D-

Napatakip ako sa bibig ko. Seriously? Sana hindi ko nalang ito binuksan kong love letter naman pala ito. Nilagay ko agad iyon sa envelope tapps sinuksok ko sa bulsa ng uniform ko.

Teka nga lang? Ba't ang uso ng mga secret admirer ngayon? Hindi ba sila nadi-distract sa studies nila? Kasi puro pag-ibig eh. Ay total baka naman kaya nilang ibalance.

"Sittie" Nabitawan ko ang ilang libro na ilalagay ko sana pabalik dahil sa gulat.

"Minkyu naman eh!" Tumawa ang baliw.

"Sorry kong nagulat kita." Tatawa tawa siya. Napansin ko lang yung dala-dala niyang hello kitty na bag pero yung karton na parang pang lalagyan ng regalo.

"Anong kailangan mo?" Tumayo ako ng maayos tsaka hinarap siya.

"Can you give this to Sam." Inabot niya saakin yung dala-dala niyang bag. Kinuha ko naman iyon.

"Kung ikaw ang magbigay? Tss."

"Eh, high blood yun saakin minsan. Sige na bestfriend mo naman iyon."

"Oo na!" Ngumiti siya saakin.

"Yes! Salamat Sittie." Pagkatapos ay umalis na sa harapan ko. Alam kong hindi ka rin sasagutin ni Sam. Manhid yun tsaka bitter pa minsan.

Inayos ko agad yung mga libro at kinuha yung iilang kinakailangan namin this day. Binitbit ko na ang mga libro tsaka nilagay sa ibabaw yung gift ni Minkyu. Pagkapasok ko sa room ay timing na nag-ring a bell. Kaya yung mga libro na muna namin ang binigay ko. Mamaya na yung mga bigay ng mga admirers nila.

Best Friend GoalsWhere stories live. Discover now