BFG 16

139 8 2
                                    

I dedicate this chapter to cutethe13 & 1pvgumbyee3. Natawa po kasi ako sa comment niyo na mag UD agad. Pati po tong si cutethe13 :*. Salamat sainyo. At sa lahat ng nagvovote wag sana kayong magsawa sa pagbabasa hindi ko na kasi mahagilap ang mga names niyo. So keep on nalang reading mga babies! Kahit slow update minsan Hahahah. Read at your own risk. Love lots :***

-
Only Hope

KC's POV

"Hoy! Anong nagyari saiyo kagabi?" Yan ang bungad ni Chuchay saakin kinaumagahan pagkadating ko school. Nilapag ko yung mga gamit ko tsaka siya binalingan ng pansin.

"Wala namang nangyari." Sagot ko sakanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay tsaka tinabihan ako dito sa inuupuan ko.

"Eh, panay ang tawag ng mama mo saamin kagabi. Pati kami pinag-alala mo!" Tumawag pala si mama sakanila kagabi? Hindi ko yata alam yun ha? Kasi kagabi pinagtulungan na agad ako nila Mama at Papa kahit nasa skype lang pati narin yung Bugoy na kapatid ko na inaasar pa ako.

Kinwento ko kay Chuchay lahat ng nangyari. Yung nagpractice kami hanggang sa nalock kami ni Minkyu at yung pag-ra-rap ni mama kagabi. Tss.

"Teka? Nalock kayo ni Minkyu? Yieee!" Sinundot-sundot niya ang tagiliran ko.

"Hi guys!" Masayang bungad sa kabago-bagong dating na si Sam at kasunod niya rin si Sittie sa likod niya. Nilagay muna nila ang kanilang mga gamit sa kanya-kanyang upuan bago lumapit saamin.

"So what happened last night, baby girl?" Tanong ni Sam na nakaupo sa sahig ngayon. Tapos si Sittie ay nasa arm chair ko umupo.

"Oo nga, Sey!" Dagdag naman ni Sittie. Inulit ko nanaman ang kwento, sumabay si Chuchay saakin kasi alam nanaman niya ang nangyari.

At gaya rin kay Chuchay ay kinatyawan rin nila ako. Tinulak-tulak ako ni Sittie habang si Sam mahihinang tili ang ginagawa.

"Tapos anong nangyari? May nangyari ba? Ano? Yieee!" Tanong ni Sam na may kasamang tili. Umirap ako sakanya. Pinipilit nilang ichika kong may nangyari ba daw saamin. Pero yung iniisip nila ay malayo na. Iba na kasi yung ngiti nila, mga DM tong mga ito!

"So ano na Sey?" Tanong ulit ni Sittie.

"Oo na! May nangyari!" Ayun at tinulak-tulak nanaman ako ni Sittie, niyuyog ni Sam ang paa ko tapos si Chuchay hinahawakan ang kamay ko.

"So anong nangyari? Narealize na niyang ikaw ang gusto niya at hindi si Sam? Hinalikan ka niya---" Napahagalpak sa tawa sila Sittie at Sam tapos tinakpan ko ang bibig ni Chuchay dahil pumasok nalang bigla si Minkyu sa room kasama si Kirby na naka-earphone at pasulyap-sulyap kay Sittie? Sinundan ko ang tingin niya, si Sittie nga.

"Ano ba Chay! Hindi no! Ang nangyari kahapon ay nagkabati na kami. Yun na yun. Mga isipan niyo!" Nadismaya ang mga mukha nila.

"Akala ko may development na."

"Tumahimik ka Sam! Tsaka may hindi ka pa sinasabi saamin." Kumunot yung noo niya.

"Ano naman?" Pabagsak niyang tanong.

"Nagbibigay pala si Minkyu ng regalo saiyo pero hindi ko tinatanggap? Totoo? Tsaka bakit?" Gusto ko lang sana ma-assure kung totoo ba ang sinabi ni Minkyu saaking kahapon.

"Tss. Oo totoo at bakit? Kasi hindi naman ako paasa."

"Sayang naman ang gift, Sam! Saakin nalang sana yun!" Salita ni Chuchay dito sa gilid ko. Kami ang sinasayangan sa mga binibigay ni Minkyu.

"Eh bakit? 'Di ka ba binibigyan ni Harvey ng regalo?" Pabirong tanong ni Sam kay Chuchay. Oo nga? Parang hindi ko nakita si Harvey na nagbibigay ng kung ano sakanya.

Best Friend GoalsWhere stories live. Discover now