BFG 12

147 8 0
                                    

A/N: I dedicate this chapter to BlackCelestial nagvovote kasi siya every chapters. Thanks for supporting and wag ka sanang magsawa ate. Love lots😘😘😘. At sa iba naman po ay sanay maenjoy at magvote rin kayo kung gusto niyo po ang story😂😂😂. Comment rin kayo kahit nega man iyan. Cge po happy reading 😘😘😘. And READ AT YOUR OWN RISK👌😂😘
-----

Bridge

Sam's POV

Kirby: Hi pangit good morning! Hahah!

Pagkagising ko ng umaga yan agad ang bungad ng cellphone ko saakin.

Ako: Alam kong may kailangan ka! Ano nanaman ba iyan?

Replay ko sakanya. Hinihilot hilot ko pa yung ulo ko tsaka umupo sa kama. Bagong gising pa po ako. Tsaka mamayang hapon pa ang final practice namin.

Nag-vibrate yung phone ko. Kinuha ko agad yun. Nagreplay agad si Kirby.

Kirby: Umagang-umaga ang sungit. Pero kailangan ko ng tulong mo ngayon.

Ako: Alam mo Kirby tawagan mo na nga lang ako kasi may pathrill-thrill ka pang nalalaman eh. Dali!

Pagkatapos ng replay ko ay tumawag kaagad siya.

"Hello?"

"Sungit ng pangit eh."

"Tss. Anong kailangan mo?"

"Kailangan ko ng kumilos, Sam. Pinagtripan na ako ni Minkyu kahapon. Ano bang dapat ko ibagay kay Sittie?" Tanong niya saakin na para bang desidido na talaga siyang suyuin si Sittie.

"Ilang beses ko na bang sinabi saiyo ang mga gusto ni Sittie? Baka kailangan ko pang isulat sa papel ang mga iyon?" Natawa siya sa sinabi ko.

"Oo alam ko. Pero ang kailangan ko ay yung anong gusto niya ngayon."

"Aba't ewan ko!" Kinuha ko yung earphones ko para hindi ko na kailangan idutdot sa tenga ko yung cellphone.

"Gawan mo naman ng paraan, Sam. Please."

"Itanong mo sakanya kung anong gusto niya." Napairap nalang ako ng wala sa oras.

"Pwede ikaw nalang?" Pabebe din pala 'to minsan.

"Aba't ginawa mo na nga akong tulay para sainyong dalawa tapos messenger naman ngayon? Sineswerte ka yata dong!" Tumayo na ako tsaka inaayos yung higaan. Total may bulsa naman yung pajama na ginamit ko.

"Eh kung ako ang magtatanong baka magtaka siya. Kaya ikaw nalang."

"Baliw ka ba? Tapos sinong magbibigay ako rin? Edi mas lalo siyang magtaka." Napailing-iling nalang ako.

"Then I'll be requiring someone to give the gifts to Sittie." Pagmamalaki niya.

"NICOLE! Lumabas ka na sa lungga mo kumain ka na ng agahan!" Tinatawag na ako ng lola ko. Siya kasi ang palaging nanggigising saakin pag-sabado dahil si mama at papa maagang pumupunta sa trabaho. Tsaka yung bahay namin at bahay ng lola ko magkalapit lang. Iisa nga lang gate namin eh.

"Aish! Sige na nga itetext lang kita. Tinatawag na ako."

"I heard it. Ok, see you later Nicole. Haha!" Kung hindi lang talaga kaibigan ko ang pinupormahan mo baka matagal na kitang binuking buwaya ka!

"Mamatay ka sana!" Tsaka binabaan ko agad siya ng phone.

Lumabas na ako sa kwarto at kumain na ng almusal pagkatapos ay naligo agad tsaka nag log-in sa facebook para machat ko si Sittie. Eh, hindi nagrereplay saakin.

Best Friend GoalsWhere stories live. Discover now