BFG 24

139 4 4
                                    

Not Bitter

Sittie's POV

Nakakapagtampo naman tong nga kaibigan ko. Birthday na birthday ko ni isang message or tawag man lang saakin wala akong natanggap. Eh, dati rati effort na effort. Gumising pa sila or kami ng mga 12am para makapagreet ng una. Buti pa yung mga di ko naman gaanong close at classmate ay naalala pa ang birthday ko pero okay narin naman dahil pagkagising ko kanina ay sila mama kaagad ang bumungad saakin. Tss. Sasabunutan ko talaga yung tatlo pagdating sa school. Ni ako di ko nakakalimutan birthday nila. Si Chuchay ay December 11, Si KC ay November 16 tapos si Sam ay November 18. Oh? Tapos niisa sakanila? Kainis. Pero ang OA ko na.

Naglakad na ako palabas ng village namin at sumakay kaagad ng jeep. Kung natatanong kayo kung may bonggang celebration ako sa aking 18th birthday? Wala, dahil ang gusto ko lamang ay yung simple at ang hiningi ko lang kila Mama ay magtravel kami. Hindi naman sa grabe ka layong lugar dahil hindi kami ganoon kayaman. Gusto ko lang mag landtrip with my family and friends (kung papayagan yung tatlo) tapos swimming, basta yung mag-eenjoy at makakabonding kami.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa school. Nagbayad at bumaba kaagad ako at tiningnan yung wrist watch ko. Hindi pa naman ako late 7:17 am pa naman tsaka 7:30 am pa ang class. Pagkapasok ko sa school ay si Harvey kaagad ang bumungad saakin na may dalang isang rose. Binagay niya saakin yun, kinuha ko naman agad.

"A-ano 'to?" Geez! Ba't ba ako kinakabahan? Gusto ko pa ba 'tong hinayupak na 'to? Umirap si Harvey sa kawalan.

"A rose?" Pilosopo niyang sabi. "Just follow me, Sittie." Tinalikuran niya agad ako. May regla ka kuya? Sinundan ko naman siya agad pagkatapos ay si Minkyu naman yung naabutan ko at inabot saakin ang dalawang rose na bulaklak. Ba't kay Harvey isa?

Sinundan ko ulit yung dalawa tapos si Daffy ang humarang sa dinaraanan namin at binigyan rin ako ng dalawang rose. Nginitian ko lang siya at sinundan ulit sila. Tapos humarang naman silang Wayne, CJ, Chucky, Ben at ang tatlo ko pang lalakeng classmate ng paakyat kami patungo sa classroom. Same parin kay Minkyu at Daffy 2 roses rin ang binigay nila. Nalilito ako!

"1+2+2+2+2+2+2+2... equals 15..." nag pla-plus ako pero pabulong lang. 15? Alam kung may pakulo sila Sam dito pero ba't 15 lang? Eh 18 na ako!

Pagkarating namin sa 4th floor ay nakita ko si Kirby na nakasandal sa pader malapit sa room habang yung isang paa niya ay nakatukod sa pader. Nang makita niya kami ay tumayo siya ng maayos at lumapit saakin at binigay ang tatlong rose na hawak niya. Tatlo?

"15 + 3..." bulong ko.

"Equals 18" dugtong naman ni Harvey at umunang pumasok sa classroom. Ang sungit niya! Teka,  bakit isa lang kay Harvey, dalawa sakanilang Minkyu at tatlo kay Kirby. Baka style...

"Follow me." Sabi ni Kirby. Sinundan ko nga siya. Pagkapasok ko sa classroom ay nandoon yung tatlo na may suot na party hats na spongebob. Natawa nalang ako.

Si Sam ay may dalang cake na circle ang shape tapos may design na spongebob at nay number 18 na candle na nakasindi na. Si KC naman ay may dalang mga balloon, may isang spongebob na balloon at tatlong 'S' for Sittie Sahania Suma. Sa kay Chuchay naman ay banner na may nakalagay na 'Happy Birthday Pangit' tapos may spongebob sa bandang gilid na may dalang balloon pero mga picture ko ang nasa balloon. Worst, jeje days ko pa yung mga picture.

Kung mag-susurprise din naman kayo ng ganito edi sana nilubos-lubos niyo na! Yung malaking tarpaulin talaga with may jeje pictures.

"HAPPY BIRTHDAY PANGIT!" Sabay sabi ng tatlo tapos may pinutok sila ng kung ano. Inirapan ko sila pero tumawa din pambawi. Lumapit sila saakin. Nilapit ni Sam yung cake saakin.

Best Friend GoalsΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα