BFG 9

205 6 0
                                    

Sister

Sittie's POV

Nakipag-usap muna ako sa anak-anakan ko habang si Sam busy sa katawag niya.

"Mommy Sittie. Alis muna ako ha? Kita kits nalang" Pagpaalam ni France.

"Sige France. Bye!" Timing. Pagkatapos ni Sam sa tawag niya ay umalis narin si France. Tatanungin ko pa sana siya kung sino ang tumawag pero bigla nalang siyang nataranta na ewan.

"Sittie, balik nalang tayo sa stage tara!" Hihilahin na sana ako ni Sam pabalik sa stage pero hindi ako nagpahila sakanya.

"Huh? Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"Baka nandoon na si Teacher" Pagdadahilan niya. Ramdam na ramdam ko na may problema pero binabalewala ko lang.

"Kagagaling lang natin dun" Ulit ko.

"Baka nandoon na ngayon" Pagpupumilit niya saakin.

"Sam, gutom na ang mga kasamahan natin" Sabi ko. Magre-react pa sana siya pero hindi ko na siya pinagsalita at hinila na pabalik sa booth.

"Teka!" Huminto nanaman kami. "Canteen nalang muna tayo!" Sabi ni Sam.

"Duh? Malapit lang ang canteen sa booth natin" Sumapi nanaman ang malilimutin na utak ni Sam. Sobrang lapit ng canteen dun sa booth.

"Teka, Sittie..." Maglalakad na ulit kami pero huminto nanaman siya. Ano nanaman ba? May mali eh.

"Ano Sam? Teka, anong problema mo?" Naiirita na ako. Baka masapak kita Sam.

"Kasi naiihi ako..." Kanina Canteen, ngayon naman CR?

"May CR dun malapit sa Canteen" Sabi ko. Nawalan na ata siya ng dahilan para huminto pa kami. Biglaan yun ha? Parang iba yung nararamdaman ko sa nangyayari.

"Si Chuchay yun ah? Nasa marriage booth! Tara Sam!" Yun ang naabutan namin ni Sam sa di kalayuan. Naka talikod lang si Chuchay tapos hindi ko gaanong naaninag yung lalakemg nakatalikod. Hinila ko ulit si Sam. Na excite kasi ako sa kasal-kasalan ni Chuchay. Pero parang nagdadalawang isip pa si Sam na magpatuloy lumakad. "Sam! Tara na" Wala narin siyang nagawa kundi sumunod saakin.

"Sige..." Walang buhay niyang sambit.

"Mabuhay ang bagong kasal!"

"Mr & Mrs Amer!"

"Go Jow!"

"Love ka namin!"

"New love team!"

Kilig na kilig at tuwang tuwa ang mga tao na nakapiligid saamin. Yan ang nadatnan namin. Sobrang saya ng mga tao. Pero parang pinipiga ang puso ko sa nakikita ko ngayon. Yung hindi mo maintindihan kung dapat bang maging masaya ako sa nakikita ko o pansinin ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Chuchay, Harvey?" Sambit ko. Napansin ko sila Sam at KC na parang tensyonado at hindi mapakali. "Bakit nagpakasal kayo?" Tanong ko sakanila. Nilalagay ko sa isip ko na dare lang ito, na nagtritrip lang sila ni Harvey.

"Sittie kasi..." Si Chuchay. Lumapit siya saakin. Hindi ko magawang gumalaw o ano. Gusto ko lang masagot ang tanong ko.

"Kasi ano?" Tanong ko. Ba't di makayang sabihin ng diritso? May namamagitan ba sakanila? Kaya ba nagkakaganoon si Sam dahil sa alam niya ang nagyayari dito, kasi alam nila ni KC na may something special na kila Chuchay at Harvey. Yun ba?

"Kasi-" Hindi natuloy ni Chuchay ang sasabihin niya dahil sumingit si Harvey.

"Kasi, nagpakasal kami. Gusto ko siya, gusto niya ako" Isa sa mga pinakasakit na salita na narinig ko galing sa bibig ni Harvey. Hindi ako nakapagreact. Yung gusto ko nalang sampalin at sabunutan ang sarili ko sa pagiging tanga at walang kaalam-alam sa nangyayari.

Best Friend GoalsWhere stories live. Discover now