BFG 11

178 8 0
                                    

Jealous

Sam's POV

"Kung hindi dahil saatin ay hindi magkakabati itong dalawa." Nakipag-apir pa si KC saakin.

"Kapal nito! Yung paraan niyo luma na!" Asar ni Chuchay kay KC.

"Tss. Naapektuhan naman kayo." Hindi parin sila nakakamove-on sa nangyari nung nakaraang araw. Para kasing baliw dahil ang OA at drama namin. Feel na feel na teleserye ang buhay.

"Hindi nga kayo tumulong saamin eh." Si Sittie naman yan.

"Hindi ba tulong tawag dun? Kaya nga lumayo kami ni Sam para makapag-usap kayo. Tss." Hindi na ako sumali sa mga asaran nilang tatlo. Para kasing mga baliw.

"O sige bati na kami. Pero kayo ni Minkyu bari na ba?" Nakangising tanong ni Chuchay kay KC.

"Tss. Hindi pa nga sila bati ni Sam." Siniko niya ako.

"Anong hindi bati? Nag-away ba kami?" Natatawang tanong ko.

"Ano naman yung 'Damn you' mo ha? Tsaka pagtaas ng boses mo sakanya? Hindi ba galit yun?" Sige idamay mo pa ako sa galit mo kay Minkyu. Sarap suntukin nito.

"Naiirita lang ako nun kasi naprepressure ako sa sinabi ni Sir. Kaya ganon. Ikaw talaga! Tss. Sabihin mo naghahanap kalang ng kakampi dahil hindi mo kayang harapin si Minkyu at super affected ka sa nangyari." Natatawang sabi ko at pati narin sila Chuchay.

"Oo nga KC. Alam naming nakakabwesit sila pero ba't biglang tumaas yung dugo mo as in to the highest power level." May pa hand gesture pang nalalaman si Sittie pagkasabi ng highest level. Napailing nalang ako sabay ngisi. Sumubo ako ng pagkain habang nakikinig sakanila.

"Eh nakakabwesit talaga sila eh. Tayo effort na effort then sila ganoon lang ang ginagawa tapos tinawag nanaman ako ng aso. Aish! Pisti talaga!" Nakabusangot na yung mukha ni KC tapos yung kinakain niyang karne ay tinorture na niya. Tinutusok na niya ang karne gamit ang tinidor niya. Siguro iniimagine niyang si Minkyu yun.

"Eseh! Kung iimagin ko yung nangyari matatawa nalang ako. Grabe yung mukha ni KC parang puputok na! Haha!" Natawa narin ako sa sinabi ni Chuchay. Hindi ko lang kasi nakita yung nangyari kila KC. Kung nandoon lang ako baka sumabay na ako nitong Chuchay.

"Sige mang-asar pa kayo." Sabi ni KC at sumubo ng pagkain.

"Eh, kahit pagalitan mo pa yung apat na yun ay hindi parin sila matatablan. Ilang beses na yun napunta sa guidance tsaka office of the head lalo na si Daffy pero wala parin."

"Alam ko Sittie pero nabwebwesit lang ako sa mga oras na iyon."

"Alam mo move-on nalang tayo. Tsaka KC makipagbati ka nalang kay Minkyu para hindi na mabigat iyang damdamin mo." Singit ko sakanilang usapan. Sinang-ayunan naman nila ang sinabi ko.

"Tss. Bahala siya sa buhay niya." Sabay kaming natawa at napailing. Obvious talaga tong si KC eh. Nagalit kay Minkyu pero hindi niya matiis. Sarap kurutin!

Natapos ang lunch time at nagsimula na ang first class namin sa afternoon. Pasalamat nalang ako na hindi kami nagclass at pinayagan kami mag practice para sa Variety Show namin. Next week na kasi yun tapos Friday na ngayon at last practice na namin bukas, Saturday. Kaya overtime ulit kami sa School para sa show.

Natapos ang ang first class at sumunod ulit yung second subject namin. Ayun, dahil pagdating ng teacher namin na hindi pa naka arrange ang chairs ay pinagalitan nalang kami. Nagulat nga kami eh. Hindi nalang kami umimik at inayos agad ang upuan at nakinig sa discussion niyang paulit-ulit.

Nang nag snack time ay bagpractice nalang ulit kami kasi yung sunod namin na subject ay English tapos absent si teacher kaya ginamit narin namin ang isang oras sa practice para daw hindi na kami mag-overtime sa school. Hay kung alam ko lang ay mag-dodota lang ang nga ito.

Best Friend GoalsWhere stories live. Discover now