BFG 17

143 5 2
                                    

Stalker

Chuchay's POV

Sam:

Asan banda kayo ngayon? Magkasama kami ni JV.

Nagpag-isipan kasi naming magbonding lahat Grade 10 Einstein girls dahil sa mga blessings na nangyari saamin at birthday rin ni Elaiza. Nagkanya-kanya kaming punta dito sa Ayala dahil kung magkakasabay pa kami ay ang planong 10am ay maabutan kami ng 12noon. Dahil sa barkada ang planadong oras ay hinding-hindi talaga mangyayari.

Ako:

Nasa timezone lang kami.

Sam:

Sige-sige. Papunta na kami ni JV. Salamat.

Hindi na ako nagreplay dahil hinila ako ni Elaiza bigla palabas ng timezone.

"O bakit?" Tanong ko habang hila hila niya ako palabas.

"Si Ivan nasa labas. Nahihiya daw siyang pumasok sa loob dahil nandoon daw kayo." Si Ivan ay boyfriend ni Elaiza. Ngayon palang namin siya makikita. Kasi nakakausap lang namin siya sa cellphone.

"Nahihiya? Dapat lang! Ang ganda yata namin." Siniko niya ako habang nakataas yung kilay.

"Namin hindi natin?" Pagmamaktol niya. Natawa nalang ako.

"Kasi hindi ka na kasali! Ang mga single lang ang magaganda!"

"Hoy! Anong connect?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Meron no! Kasi ang mga single sarili lang ang iniintindi. Kaya mas maganda kami."

"Aba't na connect mo yata? Pero ikaw single? Si Harvey? Anong tawag mo sa kanya? Crush?" Complicated! Ewan ko sa lalakeng yun. Minsan sweet, minsan cold. Pero sa chat lang siya nagpaparamdam dahil pag sa personal na ay classmate lang kami. Ay ewan! Puro nalang ewan!

"Psh. Basta magaganda kami mga single! Period!"

"Sige push mo pa!" Inirapan niya ako tsaka sinalubong yung jowa niya. Nakakabitter.
Natawa nalang ako sa mga inasta ni Elaiza kanina na hindi siya maganda. Uto-uto talaga! Pero mas maganda parin talaga ang mga single!

"Guys!" Sigaw ni Sam at tumakbo silang dalawa ni JV patungo sa pwesto namin. Kung nagtataka kayo kung babae ba si JV? Opo babae siya sadyang ganyan lang talaga ang name niya.

"Nakarating na ba sila Sittie at KC?" Tanong niya habang nilalagay yung earphones at cellphone sa sling bag niya. Habang si JV ay nakasandal sa railings.

"Tumawag si Sittie saakin kanina nasa school daw siya at hinihintay pa si KC para sabay na silang pumunta dito." Tumango lang siya tapos binalingan ng tingin sila Elaiza at Ivan. Nakaakbay si Ivan kay Elaiza tapos yung kamay ni Elaiza nasa bewang ni Ivan habang papalapit sila sa pwesto naming tatlo dito.

"Siya ba si Ivan?" Pabulong na tanong ni Sam.

"Oo, nakakabitter! Nimal!" Tumawa kaming tatlo dun. Hindi namin namalayan na nasa harapan na pala ang mag love birds.

"Guys, meet Ivan." Tinaas ni Ivan yung kamay niya at tumango saamin sabay ngiti. "And Ivan this is Chuchay the only ugly duckling, Samantha the tall one and JV the feeling Nadine Lustre." Ngumiti sila Sam at JV kay Ivan pero humalakhak agad ng tawa habang ako nakakunot ang noo.

"Alam mo Elaiza? Pa trying hard din ang english eh! Be yourself! Paano ka magiging maganda kung hindi ka magpakatotoo sa sarili mo." Nag pout si Elaiza tapos kinurot ni Ivan yung ilong niya.

"Hugot yun Chay ha?" Natatawang sabi ni Sam sabay sundot sa tagiliran ko kaya hinampas ko ang kamay niya. May kiliti ako diyan! Nimal!

"Ano ba Sam!" Reklamo ko pero tuwang tuwa naman siya sa ginawa niya.

Best Friend GoalsWhere stories live. Discover now