BFG 18

117 7 1
                                    

Gifts

Sam's POV

"Are you stalking me?" Mariin niyang sabi. Feeling ko namumutla na ako ngayon. Pasimpleng kong tiningnan sila Chuchay na naka peace sign tapos si Sittie na umiiling-iling na may kasama pang KC na nakangisi. Halatang halata ba talaga ako?

"Huh? Ano po kuya?" Tinago ko yung cellphone ni Chuchay sa likod.

"Seriously?" Ngumisi siya tapos umikot sa likod ko. Kinuha niya yung cellphone ni Chuchay na hindi ko inoff. Shit! Sinenyasan ko silang Chuchay na pumunta dito sa pwesto ko. "You're really stalking me!" Pinakita niya saakin yung nakita niyaa ng sariling picture sa cellphone.

"Akin na nga yan!" Kinuha ko yung cellphone ni Chuchay hindi naman siya umangal tapos hindi rin napapawi ang mga ngisi sa kanyang mukha.

"Ang gwapo ko talaga!" Pagmamayabang niya. Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kamay niya at ngumiti saakin. Inirapan ko siya at tumungo na kila na parang mga timang!

Hindi ko inakalang sumunod pala siya saakin. Hinawakan niya ang braso ko. Napasinghap sila Chuchay sa ginawa.

"Hey Miss anong pangalan mo?" Ngumiti siya. Litse! Ang feeling gwapo naman nito!

"Shut up!" Binalingan ko silang KC at Sittie na ngingiti ngiti. Tss. Pumunta ako sa likod ni Chuchay na nagsasalita na ngayon.

"Ay Kuya pasensya na po ha? Sige po alis na kami---"

"Kuya!" Napatigil kami sa pag-uusap ng may tumawag na kuya sakanya. Napalingon kami sa likod at napaawang ang bibig ko. Sila Kirby nandito?

"Kuya daw?" Bulong ni Sittie sa gilid ko.

"JK! Nandito ka pala?" Lumapit siya kay Kirby at nag-apir tapos banggaan sa kanilang mga balikat. Nagtataka lang ako kung bakit JK ang tinatawag nila kay Kirby.

"Tinawagan kasi ako ni Ivan na nandito daw sila sa Ayala kasama ang girlfriend niya and hindi namin expected na classmate pala namin ang may birthday." Magkakilala sila ni Ivan? Seryoso?

"What a coincidence..." Bulong naman ni KC. Napagitnaan kasi ako nila ni Sittie ngayon habang si Chuchay ay nasa likod ko na.

"O, so kilala mo itong apat na 'to?" Suminghap ako ng hangin. Nabwebwesit ako sakanya! Tsaka kapatid ba siya talaga siya ni Kirby? Parang mas gwapo pa si Kirby sakanya.

"Yes, Kuya JB. This is Sam, Angela, KC and... Sittie." Tiningnan ko si Kirby at nginisihan. Eseh! May pahiyahiya pa siyang nalalaman nung sinabi ang pangalan ni Sittie.

"So you're Sam akala ko shut up?" Inirapan ko si JB. Nangangasar pa siya. Siniko naman ako nila KC.

"Tss." Hindi ako umimik ng kung ano. Sumasabay pa kasi sila sa gutom eh.

"Girls! Ba't ang tagal niyo---" napatigil sa pagsasalita ang bagong dating na si Elaiza. Binalingan niya ng tingin sila Kirby tapos saamin at kay JB tapos balik nanaman kila Kirby. "Teka, ikaw ba yung tinawagan ni Ivan kanina Kirby? So ikaw yun si JK?" Tumango lang sila Kirby tapos napansin ko na ang talim ng tingin ni Minkyu kay JB tapos si Harvey ay di man lang tiningnan si Chuchay o binati di gaya kay Daffy na pasulyap sulyap.

"Yes, Elaiza. Hindi ko nga alam na ikaw pala ang girlfriend niya." Habang sinasabi yun ni Harvey ay may sarili rin kaming pag-uusap dito. Pinagtrippan nila Sittie at KC si Chuchay.

"Chay, ano kayo ni Harvey? War mode?" Natatawang sabi ni KC.

"Ba't hindi ka niya pinapansin? Pero sa chat grabe ang sweet." Salita naman ni Sittie.

"Psh. Ewan ko sakanya. Minsan nga nagdududa na ako. Tingnan niyo parang walang pakialam sa mundo." Dahil masunurin kami ay tiningnan nga namin. Ayun naka earphones lang at yung mga kamay ay nasa bulsa ng pantalon.

Best Friend GoalsWhere stories live. Discover now