BFG 1

1K 24 1
                                    

Girl Dags

Sam's POV

"OH MY GHAD! SAMMM!" Sigaw ni KC habang may pinapanood sa cellphone niya.

"Ano nanaman?" Sabi ko habang nag rereview ng notes para sa quiz mamaya.

"Ang gwapo talaga ng boyfriend ko! Yiee. Minhyuk, akin ka nalang!" Ay jusko! Monsta X lang naman pala. Hindi ko nalang siya pinansin at nag-review nalang ulit.

"Sam," kinalabit ako ni Sittie.

"O bakit?" Tiningnan ko siya.

"Paano mag move on?" Tanong niya na nagpatawa saakin. "Ba't ka tumatawa? Nagtatanong ako ng maayos" Sumimangot siya.

"Ang epic kasi ng mukha mo. Anyways, paano mag move on? Yung nakaka galaw ka na ng maayos at naka move forward ka na at hindi ka na naka back ward" Ningitian ko siya.

"Ano?" Naguguluhan yata. Pati nga ako eh, hindi ko alam mga pinagsasabi ko.

"Intindihin mo nalang" Tumango nalang siya tsaka nilagay ulit ang earphones sa tenga at nagbasa ulit ng Kilig Republic pocket book.

Ano ba naman 'to. Puro kabisera ang alam ko lang yata ay Philippines at capital city ay Manila. Nakakasakit ng ulo ang mag memorize lalo na pag History.

"Sam!" Tawag sa kabagong dating na si Angela or should I say Chuchay.

"Yes?"

"May sasabihin ako" Sobrang seryoso ng mukha niya.

"Ano?" Tanong ko.

"Basta, ibubulong ko lang..." Mukhang malaking problema 'to ha? Dahil mahal ko ang kaibigan ko ay lumapit ako sakanya.

"O ano na? Chika mo na yan. Makikinig ako" Seryosong sambit ko. Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko.

"Kasi..."

"Ano nga? Wag kanang mahiya. Nandito naman ako, tutulungan kita..."

"Kasi... ANG GANDA KO! HAHA!" Tumayo ako sa kina-uupuan ko.

"Ay bwesit!" Sabi ko habang pikon na pikon. Akala ko kung ano eh.

"Haha! Grabe ka Sam!" Tawa parin siya ng tawa.

"Bahala ka diyan!" Inirapan ko siya at bumalik na sa totoong upuan ko.

"HAHA! Sorry Sam, love you!" Sabi niya at lumabas sa classroom kasi nandoon yung Kuya niya at may kinuha na kung ano.

Binuklat ko ulit yung libro ko, napailing nalang ako habang nakangiti. Ganito kami, ito ang Girl Dags.

Kassandra Claire "KC" Daplin
-Siya ang "SUPER DUPER HYPER" sa aming barkada. She loves dancing, paminsan-minsan sumasayaw siya kapag lunch time, naririndi na nga kami at pati classmates namin dahil sa pagsasayaw niya ng KPOP. Hobby niya is watching korean variety show, korean reality show at anu-anu pang korean show, pati K drama narin isali niyo pa. And she is a member of The Church of Jesus of Latter Day Saints and also known as LDS or Mormons. And she has a motto: "I would rather sacfrice my happiness to make other people happy."

Sittie Sahania "Hany" Suma
-Ang pinaka matanda saamin. Magka-iba sila ni KC siya ang pinaka tahimik saaming apat. Kung nasa classroom kami, nagsasalita naman siya pero hindi gaya saamin na buka na buka ang ang bibig. Honor student, maganda, famous, tapos mabait. May naka mutual understanding narin siya pero yung ikatlo ang pinakamahirap, kasi hindi parin nakaka move-on ngayon. Hilig niya rin ang kpop but unlike KC na adik na talaga, sa aming apat siya ang "Sleeping Beauty" dahil ang daling makatulog, sleepy head nga kamo. Sittie is a Muslim, nirerespeto namin siya at ang religion niya. And she also have a motto: "Don't trust anyone. They might make you cry"

Ruth Angela "Chuchay" Cunanan
- Ang pinakabata pero ang mature na kung mag-isip. Ang pinaka baliw, makulit, mapag-tanong at ang pinaka tamad saaming mag-aral. Ayaw niya daw mag-aral dahil hindi naman daw yan magagamit sa pag-tratrabaho gaya ng Science. Pero kung may test kami nakakapasa dahil sa magic. Alam na! Ayaw niyang tawagin siyang Ruth dahil pang-matanda daw. Mas gugustuhin pa niya ang Chuchay kaysa sa Ruth. Sobrang masiyahin niyang bata, alam lahat ng gawaing bahay, sobrang responsible niya. Born Again ang Religion ni Angela at may motto siya na: "Don't find love, let the love find you"

Last but not the least, Ako nga pala:

Samantha Nicole "Sam" Montaño
- Paano ko ba iintroduce ang sarili ko? Hindi ako mahinhin, hindi rin ako hyper. Mahilig din akong man trip pero hindi kagaya ni Chuchay na alam lahat ng kolokohan. NBSB po ito. Ayaw ko ng commitment kasi nakakasakit lang yan ng ulo at problema lang yan. Honor student rin gaya ni Sittie. Hilig kong kumain, mag-emote - gusto ko yung mga love songs, seryoso pag nasa classroom, at ang pinaka matangkad sa aming apat. Ako ay isang Catholic, nag-iisa lang akong nag-si-sign of a cross sa kanila. And my motto in life is: "Love is the most important and the greatest gift we have in life"

Makilala niyo pa kami ng mabuti kong maipag-patuloy niyo ang pagbabasa ng story naming mag-kakaibigan.

"Cleaners! 12:30 na!" Sigaw ko. Ako kasi ang inatasan sa mga gawaing classroom gaya ng cleaners.

"Sino bang cleaners natin ngayon Sam?" Tanong ni Sittie. Kinuha ko yung notebook na pang attendance ng cleaners.

"Group 2 ngayon. Sittie, tawagin mo na mga kasamahan mo" sabi ko na sinunod naman ni Sittie at lumabas na agad ng room para maka paglinis na sila.

"KC, dala mo ba ang susi? Tara kuha na tayo ng libro" Tumango siya habang sinusundan ako patungo sa may locker ng school. Ayun nakatutok pa kasi sa cellphone, nanunuod ng After School Club.

Kinuha ko na yung afternoon books namin. Math, AP at English. Dalawang major at isang nagpapa-major.

"Haha! Ang pangit ng game! Tapos ano nga tawag dun? Yung sino nga yun? Si Gari? Hindi marunong lumaro ng Dota! Ang pangit!" Rinig naming tawa ni KC papalapit dito sa may locker area.

"Uy, nandito pala ang dalawang noo!" Sabi ni Harvy, ang ex-MU ni Sittie. Malaki nga noo namin. Maganda naman kami. Che!

Hindi namin sila pinansin. Ito naman si KC ayun napahinto sa pagkabaliw ng KPOP nong dumating ang magbabarkadang Harvey. Nandoon kasi ang crush niya na si Minkyu Halter na leader daw ng group? Tss. Ewan ko lang kung bakit nagkagusto si KC sakanya na ang hangi niya naman. Pinaglihi ng aircon at electric fan.

Kumuha narin sila ng libro pero puro Dota parin ang nasa bibig. Binitbit ko na yung mga libro ng lumapit si Minkyu saakin.

"Ako na ang magdadala" sabi niya.

"No need, I can handle" pero hindi niya ako pinadaan. "Min, kaya ko na---" kinuha niya ang mga libro na dala ko. "Sige kinuha mo naman, isali mo nalang yang dala ni KC. Walang Salamat" Hinintay ko sandali si KC pagkatapos dun ay hinila ko na siya paalis habang silang Minkyu ay nasa likod. Naka sunod.

"Ang harsh mo naman, Sam. Crush ko yun eh!" Aniya

"Ewan ko sayo!" Umuna na ako sa paglalakad.

"Ba't naka busangot yun?" Rinig kung tanong ni Chuchay kay KC.

"Ayun si Minkyu nanaman. Kung ako kay Sam bibigyan ko yan si Minkyu ng chance. Hay ako nalang sana..." Chika nilang dalawa papalapit saamin ni Sittie na magkatabi lang ang upuan.

"Sana ikaw nalang, KC" sambit ko.

"Sam, ayaw mo talaga sa kanya?" Tanong ni Sittie.

"Ayaw, at wala akong plano" Hindi na sila nagsalita. "Gusto kong sabay tayong apat. At matagal na siyang gusto ni KC kaya wag na" Ngumiti ako kay KC at sakanila, pagkatapos ayun nagpaturo na sila agad sa quiz namin.

-
Best Friend Goal #1: Pag single ang isa, single ang lahat.

Best Friend Goal #2: Pag nauna si best friend sakanya ay wag mo ng sapawan. Unless kong magparaya siya.

Best Friend GoalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon