BFG 3

349 8 0
                                    

Secrets

Sam's POV

Tapos narin ang class. Hay! Makapagpahinga na kami sa wakas. Teka, ano yung pinag-guguluhan nila sa bulletin board ng room. Nilapitan ko sila.

"Anong meron?" Tanong ko.

"Sam, kasali ka oh!" Sabi ni Klient. Classmate namin.

"Ano yan patingin" Pinasingit niya naman ako. Kasali kaming apat and some of my classmates especially ang dance troupe members. Binasa ko yung note na nasa taas.

We will have a meeting this coming Friday afternoon. After your last subjects, 4:10 pm. See you all @ the Dance Hall.

-Sir Jan Manduro-

Meeting? 4:10 pm? Hala! Late na ako. Napatingin ako sa palagid at wala na ang iba. Ano? Ako lang ba ang hindi nakakaalam? Paglabas ko nakasalubong ko sila KC.

"Asan kayo galing?" Tanong ko sakanila.

"Hinahanap ka" Sagot ni Sittie.

"Ay, sige tara na" Pagkatapos ay naglakad na kami patungong Dance Hall.

"Ok so the plan is---" Napatigil si Sir sa pagsasalita nung dumating kami.

"Ok Grade 10 pumasok na kayo" pumasok na kami at umupo na sa sahig. Naka indian sit kami. "So malapit na ang family day ng school" Ulit niya. "Alam niyo naman siguro ang mga ginagawa sa school kung may family day right?" Tumango tango lang kami. "So now we will have a flash mob"

"What? Di ba surprise dance yan?" Tanong ko kay KC. Tumango lang siya. Hindi naman ako marunong sumayaw eh ba't nasali ako?

"So guys next week na ang family day at this coming MWFS ay may practice kayo para sa flash mob. So ang Grade 10 Students na ang bahala sa music. So KC sabihin mo ang dance troupe members ok?" Asenso na best friend ko ha!

"Sige po Sir ako bahala!" Hyper at excited na sabi ni KC. Dancer be like.

"Ok meeting adjourn! See you next week Angels!" Sabi ni Sir at lumabas na sa Hall. Sumunod narin kami at umalis.

"Guys, mukhang stressed nanaman tayo nito" sambit ni KC habang naglalakad na kami pauwi.

"Ikaw lang ang magiging stress" Pang-asar ni Angela.

"Ok lang yan nandiyan naman si Minkyu katulong niya" Ako naman ngayon.

"Eseh! Nagseselos kalang!" Angela.

"Jealous? Never! I don't even like him. Kay KC nah siya" sabi ko pero pinagtripan lang nila ako. Si KC yung inaasar ko eh. Ba't napunta saakin? Litse naman o!

"Haha! Hindi na nagsalita si Sam" At kung hindi ko lang to best friend si Angela kanina ko pa siya tinapunan ng bato. Ang hilig mang-asar at mantrip.

"Ewan ko sainyo" tumawid ako sa kabilang daan. Sinundan naman nila ako. "Kuya tatlong proven saakin" Kumuha na ako at kumain.

"Hala Sam 'di ba bawal ka kumain niyan" Sabi ni Sittie.

"Ngayon lang 'to. At alam kong naglalaway na kayo. Kaya kumain narin kayo. Pero sainyo ang bayad" Napailing nalang sila at kumain narin.

-
Lumipas ang mga araw at puro practice at schools ang inaatupag. Lalo na sa family day tapos tumutulong rin kami kay KC sa mga steppings at pag su-suggest ng mga music para sa flash mob. Tapos si Kirby nalang ang pina-remix sa mga songs. Si Kirby ay kasali sa barkada nila Harvey at ang pinaka best friend ni Minkyu.

"Ahm, boys! Kayo ang first na lalabas ha? Sige Kirby i-on na ang music in 3 2 1!" Sigaw ni KC. Nag line na yung mga boys at bigla nalang nagba-bading-badingan. Pose dito, pose doon. Kembot dito, kembot doon. Giling dito, giling doon. Nakakatawa sila tingnan tapos yung mga kasamahan namin sa flash mob ay tumatawa at naghihiyawan. Ang galing lang kasi nila. Pagkatapos sa pabalik balik na sayaw ng boys dahil sa pagiging tigasin ni Minkyu ay natapos narin. Break daw muna ng 30 minutes then kami naman girls.

Best Friend GoalsDär berättelser lever. Upptäck nu