BFG 23

123 4 6
                                    

Mysterious

Sittie's POV

"Love is war. I'm your soldier." Yan nalang palagi ang sinasambit ni Samantha habang nagbabasa ng kung ano. Ba naman kasi yan sobrang adik sa mga stories ni Jonaxx. "I think i'm inlove! Shit!" Para yang baliw. Pianakauna ay boyfriend niya daw si Noah Elizalde tapos nagbreak daw sila dahil dumating si Elijah Montefalco. Grabe kung maka imagine no?

"Inlove mo mukha mo! Kanino naman aber?" Pangbabara ni KC.

"Kay Elijah Montefalco! Yiee! Tsaka sa Montefalco cousins at sa Ty brothers. Grabe! Lord, buhayin niyo po sila!" Niyakap yakap niya pa ang unan tapos nagtitili at tinutok nanaman ang mga mata sa cellphone.

"Sam, baka gusto mo ng sampal? Para magising ka sa katotohanan." Sambit ko.

"Ouch... kasalanan ba magmahal sa isang fictional character? Saklap!" Sabi niya sabay hawak sa dibdib at kinurot ito. Baliw!

"Ewan ko saiyo puro ka wattpad!" Sabi ni KC at tinapunan ito ng throw pillow.

"Ikaw naman KPOP!" Tapos inirapan niya si KC at nagpatuloy sa pagbabasa. Parehas kayo mga adik! Hindi na ako nagsalita at ngumisi nalang sabay iling.

"Guys, ito na isaw at pancit canton with coke para medyo sosyal!" Nilagay na ni Chuchay ang dala dala niyang isaw na nasa cellophane tapos ang pancit canton na nasa plato. Tumayo si Sam at KC para kunin yung mga baso, platito, tinidor at coke na hindi nadala ni Chuchay.

"Saan mo nabili ang isaw?" Tanong ko kay Chuchay at kinuha yung nakabitay na pancit canton at kinain. Tinampal ni Chuchay ang kamay ko.

"Hoy! Hindi ka na nga tumulong kila Sam dun! Hay nako!" Sabi niya sabay Onyok style. Di man lang sinagot ang tanong ko. Nginisihan ko lang siya. Nakabalik na si KC dala ang apat na baso at coke. Pero yung tinidor at platito hindi pa nakarating.

"Asan si Sam?" Pagkatanong ni Chuchay ay may nahulog na takip ng kaldero sa kusina.

"Naging pusa na yata gaya ni Hello Kitty." Sambit ni KC at nilapag ang dinadala.

"CHAY! Pahingi ng kanin!" Sigaw ni Sam galing sa kusina. Napailing nalang si Chuchay.

"Hindi ka ba na busog sa lunch mo kanina!" Sigaw pabalik ni Chuchay.

"Kaya nga nags-snack tayo di ba!?" Sige magsigawan pa kayo.

"Oo na! Dalian mo at hindi pinaghihintay ang grasya!" Wow! Parang nanay ang peg ha?

"Yan lang ang baboy kumain pero di tumataba." Sabi ni KC at kumuha ng isang stick ng isaw.

"I'm back!" Sabi ni Sam at nilapag agad yung dala niyang platito at tinidoe except sa isang platong may bukid ng kanin.

"Hoy! Sayo lang ba yang kanin?" Tanong ni Chuchay tsaka tinuro yung kanin ni Sam. Nagsimula na kami ni KC kumuha ng pagkain at coke pero  ang dalawa nagtatalo parin. Bahala kayo.

"Oo. Bakit ba?" Kumuha narin si Sam ng isaw.

"Ba't di mo ako sinali?"

"Sinabi mo ba? Tsaka diet ka di ba?" Pinagtaasan siya ni Sam ng kilay.

"Wala na no. Tsaka sexy ko na kaya." Napatingin kaagad kami kay Chuchay. "Ano?"

"Ba't ang lakas ng hangin?" Inirapan ni Chuchay si KC at binaling ulit kay Sam ang atensyon. Humagikhik naman sa tawa si KC.

"Kunin mo na ako ng kanin, Sam!"

"Aba't inuutasan mo ako? Ikaw kumuha!" Tinampal ko ang kamay ni Sam. Aba't hinakot ba daw ang isaw? Baboy!

Best Friend GoalsWhere stories live. Discover now