"Make a wish bro." Sabi niya habang nakangiti. Ngumiti ako pabalik tapos hinampas ng mahina ang balikat niya.

"Ang iwish mo Sittie ay sana hindi mo ibu-busted ang admirer mo sa Valentines." Sabi ni Chuchay kaya nagtawanan kami. Umiling nalang ako tapos ay pinikit ang mga mata at nag-wish. Wish ko ay mas gumanda pa ako. Joke. Marami akong hiniling pero isa lang ang gusto kong mangyari maging matatag pa itong friendship namin.

Hinipan ko na ang kandila at nagpalakpakan sila. Nilagay ni Chuchay saakin yung party hat na spongebob gaya sakanila. Grabe naman ang effort nila.

"Thank you girls!" Hahagkan ko sana sila pero hindi ko tinuloy dahil may dala-dala parin nila yung mga stuffs kanina. Nabigla ako dahil kinuha ni Kirby yung cake na nasa kay Sam si Minkyu naman kay KC tapos si Daffy kay Chuchay. Ba't, di si Minkyu kay Sam? Si Harvey kay Chuchay? Nahihiya siguro...

"Hoy! Pinaghirapan namin ito!" Sabi nila. Aba't may kapalit pala tong ginawa nila? Mga kupal talaga! Edi hindi nalang sana nag-surprise.

"Oo nga bro. Mcdo lang, sapat na." Si Chuchay naman yan.

"Mga walanghiya rin kayo eh no?" Sabi ko sakanila kaya't nagtawanan ulit sila.

"Joke lang! HAHA! Ginawa namin to para man lang makabawi ng kaunti." Sabi ni Sam. Bawi?

"Kasi Sittie di kami pinayagan sa Travel niyo papuntang Midway. Eh, 16 pa kaming tatlo. Buti daw kuno kung 18 narin kami gaya saiyo. Tss. Eh ba't ba kasi ang dali mong tumanda!" Hinampas ko si KC. Sanabi ko nga ba eh.

"Kung makatanda ka!" Hiyaw ko sakanya, pero hinhin parin ang boses.

"Hay nako buti pa kayo papayagan kung mag e-eighteenth. Eh ako? Alam kung nasa bakuran parin ako at bantay sarado." Reklamo ni Sam. Perks of being the only child.

"HAHA! Kawawang froglet!" Kantyaw ni Chuchay kay Sam.

"Shattap butanding!" Napatawa ng malakas si Daffy na nasa tabi lang ni Chuchay kaya siniko niya agad ang tiyan niya ng pagkalakas-lakas kaya napadaing si Daffy.

"Amazona!" Inirapan lang siya ni Chuchay. Nagtawanan ulit kami at nagsalita rin ulit ako.

"Girls, salamat dito. Kahit nagtatampo ako kanina ay plano pala ninyo iyon. Kala ko nakalimutan niyo na birthday ko. Naiinitindahan ko rin kung hindi kayo makakasama kasi bata pa kayo at ako matanda na." Humagikhik sila Sam. Tanggap ko na Ate niyo ako! "Pero promise niyo na sa tamang edad at panahon makakapag bonding tayo at pupunta sa buong Pilipinas at mundo! I love you girls!" At nahagkan ko narin sila. Lumayo ng kaunti ang mga lalake na katabi nilang tatlo para makapag-grouphug kami.

"At promise niyo rin na sa 18th birthday ko ay may surprise rin gaya nito!" Sambit ni Sam. Parang bata!

"Ako rin!" Singit din ni KC.

"Me too!" Pati rin ni Chuchay na feel na feel na naman ang pag-eenglish.

"Huwag mag-english please. Nakakadiri." Kaya nasapak nanaman ni Chuchay si Daffy. Araw-araw nalang silang nagpapatayan. Kahit may teacher sa harapan hala sige walang pakialam jahit nag-aalburuto na ito sa galit dahil sa ingay nila na dala sa klase dahil sa pag-aaway.

Pagkatapos nun ay nag-selfie, groupie at kung ano-ano pang picture bago niligpit yung mga binigay nila at nagsibalikan narin kami sa mga upuan dahil nag-ring na ang bell. Nag-iba na ang seating arrangement.

Magkatabi na ngayon sila Sam at Kirby nasa bandang gilid sila katabi ng mga bintana tapos parang walang araw na di mo nakikitang sweet. Not that sweet na parang boyfie or girlfie pero yung girl and boy bestfriends? At yun talagang isang tingin ay nagkakaintindihan na? Tapos sila Daffy, Chuchay, KC at Minkyu
u ay magkakasama. Sa kasamaang palad magkatabi si Chuchay at Daffy na naka-upo sa likod nila KC at Minkyu. Pansin ko lang na parang super close na nung apat.

Best Friend GoalsWhere stories live. Discover now