"GUSTO MO BANG SUMUNOD SA PRESINTO ?!!" sigaw ni Mr. Zegers pero yumuko lang si Nalu. Kahit papano ay nagpakita padin siya ng respeto sa likod ng galit niya.

"MAGSIBALIKAN NA KAYO SA DORM NIYO !" baling ni Mr. Zegers sa mga estudyante pang nandoon. "..Ikaw Jayvee, sumama ka sakin sa presinto kukunin nila ang pahayag mo." sabi niya naman sa lalaki pero ni hindi man lang nilingon ito ni Mr. Zegers. "..Kayo, bumalik na kayo sa campsite at .. Framm pakibantayan si Elie." umalis na sa harap namin si Mr. Zegers pagtapos sabihin yun.

"DAMN.IT ! DAMN.IT !" pinagsisipa ni Nalu ang trash bin na nasa labas ng office ni Rage.

"N-Nalu .." akbay ni Viahm kay Nalu at napatingin si Nalu sa kanya. "..let's go home." hindi man sabihin ay alam kong pinapakalma ni Viahm si Nalu.

Effective naman ito dahil hindi na nagsalita si Nalu at nagpadala nalang sa akbay ni Viahm. Sabay sabay kaming umuwi sa campsite dala ang pangamba ng pag aalala kay Rage at Fox. Shitty life, ano na naman ba to.


*Gun's POV*

Nagtext si Shadow sakin na ikuha ng gamit si Fox at sumunod sa ospital. Hindi padin daw nagising si Fox at ang masama nito ay kailangan niya agad masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon dahil madami ang nawala sa kanyang dugo. Kaya napagpasyahan namin na pumunta lahat doon, magpapatest kaming lahat para kung sino man ang mag match ay masalinan na agad siya ng dugo. Hindi daw mahanapan ng ka type ng dugo si Fox kaya kailangan ng donor. Hindi din naman makukunan ang mga magulang niya dahil nga ampon lang siya, kung sakali man na magkadugo sila ay nasa America naman ang mga ito.

Nawalan daw ng stock ng dugo na katype ni Fox sa blood bank ng ospital nila Darce. Nagpatest na si Shadow at Hunter pero hindi nila ka type si Fox. Sa pagkaka-alam ko ay B+ ang blood type ni Fox, alam ko yun dahil parehas kami at kaming dalawa lang ang nakaka alam na magkatype kami. Hindi ko na sinabi sa kanila na magkatype kami dahil alam ko madami nga ang kailangang dugo ni Fox, kung ako lang ang magdodonate kawawa naman ako diba ? Hindi man ganun kadami ang may ganung type ng dugo namin ay siguradong hindi mauubusan ang blood bank ng ganun type ng dugo lalo na at ospital nila Darce, nakakapagtaka bakit kailangan pa nilang humanap ng donor.

Nasa labas na silang lahat at ako nalang ang natitira sa loob ng campsite room dahil inilalagay ko pa sa bag ang ilang gamit ni Fox. Paghugot ko ng isang pajama ni Fox ay may nahulog doon. Isang bracelet, bracelet niya to pero bakit putol ? Kinuha ko nalang yun at ibinalik sa damitan niya. Huling kuha ko ng damit ay may sumama naman na isang jacket at nahulog sa lapag kaya kinuha ko yun.

Sa pagtingin ko sa jacket ay napansin ko na may sira ito sa bandang likuran. May punit ito at may nawawalang parte doon na parang sumabit sa kung saan. Ano ba to si Fox sira na eh tinatago pa. Bigla namang sumigaw si Viahm mula sa labas kaya inilagay ko nalang basta ang jacket at hindi ko alam kung kaninong gamit ko naisama yun, bahala sila diyan.

Service ng school ang ginamit naming sasakyan, 18 seater na van para magkasya kami. Buti naman at nagawa ng manahimik nitong si Dagger, siguro ay napag isip isip na din niya na wala naman talagang dahilan si Rage para gawin yun. Bakit ba kase nasaksak si Fox ? Hindi siya kasama sa mga nakatanggap ng death treath pero bakit siya ang nasaksak ? Ibang klaseng kaso na naman ba to ? Hayy , ang sakit sa ulo.

Pagdating namin sa ospital ay dumiretso na kami sa kwarto ni Fox. Nagiging suki na talaga kami ng ospital na to kaya naman kilalang kilala na kami ng mga staff dito. Isa isa agad kaming nagpa drug test at kinuhaan ng sample ng dugo para maging donor ni Fox. Tapos na ang pagtetest ng dugo sa amin at hinihintay nalang namin ang resulta nito.

Pinabilis ang test dahil kailangang kailangan na salinan ni Fox ng dugo. Hanggang sa pumasok na ang doctor at kinausap na kami sa resulta.

"Tapos na ang mga blood samples, sa awa ng diyos ay may nag match kay Fox." alam ko yun, dahil ka match ko siya ng dugo at alam kong isa ako sa mga ka match niya.

"Talaga Doc ? Ilan po ang nagmatch sa kanya ?" masiglang tanong ni Shadow.

"Isa lang, pero siguro sapat na ang isang taong yun para makapagbigay ng kailangang dugo ni Fox." OMG kung minamalas ka nga naman. =__=

"Sino po Doc. ?" tanong ni Hunter. Tatayo na sana ako para hindi na sabihin ng Doctor kung sino pero nagulantang ako sa sinabi niya.



"Skye Allen, siya ang ka type ng dugo ni Fox. Sumunod ka na sakin para maisagawa na natin ang process ng pagsasalin ng dugo." lumabas ang doctor pagkasabi noon.













The f*ck ! As in the f*ck !! PAANONG ... SI SKYE ANG KA TYPE NI FOX ? Napatayo ako bigla at hinabol ang doctor para magtanong.

"DOC !" tawag ko sa doctor at tumigil naman siya at nilingon ako.

"Ano yun ?"

"Doc, pwede po bang magtanong. Anong type ng dugo ni Fox at Skye at bakit sila ang magkaparehas ?"






Tinignan ng Doctor ang hawak niyang papel at pagkatapos ay bumaling sakin. "AB" sagot niya.






Napatulala nalang ako at hindi ko na namalayan na umalis na ang Doctor sa harap ko.






"AB ?????"


SHIT HAPPENS ! PAANONG NAGING AB ANG BLOOD TYPE NI FOX ? NAGBABAGO BA YUN ?






MAY MALING NANGYAYARI DITO. MALI. MALING MALI !!!!

Morthon University (Book II) : The Undying EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon