"Matatapos din to Nalu. Pangako maaayos din ang lahat, sa ngayon ay kailangan ko muna sa kanilang kasalanan." taas noong sabi ni Rage at tinignan si Nalu ng diretso sa mata. "...Wala akong ginawang kasalanan." dagdag ni Rage.

"R-RAGEE .." nanghihinang sabi ni Nalu.

"SIYA NGA ! SIYA PO .. SI PRESIDENT ANG NAKITA KONG MAY HAWAK NG KUTSILYONG NAKASAKSAK KAY FOX !" out of nowhere ay may nagsalita ang ganyan kaya napatingin kami.

Isang lalaki ang nagwawala at tinuturo si Rage. Nagulantang kami doon. Si Rage ? Sinaksak si Fox ? IMPOSIBLE !!

Sa pagtingin namin sa lalaki ay hindi namin namalayan nangyari sa paligid at natigilan nalang kami ng may narinig kaming pagkalabog sa lupa. Paglingon namin ay nakahandusay na si Rage sa lupa at tinayo siya ng mga pulis, sinuntok siya ni Dagger.

"HAYOOP KA ! BAKIT MO NAGAWA TO HAH ?" galit na galit na sabi ni Dagger at binitbit sa kwelyo si Rage.

"WALA AKONG GINAGAWANG MASAMA ! MALI ANG NAKITA NI JAYVEE ! MALI YON, HINDI AKO ANG SUMAKSAK KAY FOX !" sigaw ni Rage kay Dagger.

"WAG KANG MAGPALIWANAG !" sasapakin na sana ulit ni Dagger si Rage pero inawat siya ng ibang pulis.

"Tama na ! Kailangan na namin siyang dalhin sa presinto at mahingan ng pahayag." sabi ng isang pulis.

"MAGBABAYAD AT MAGSISISI KA SA GINAWA MO." galit na galit pading sabi ni Dagger at nakatingin ng diretso kay Rage.

"MAGSISISI KA DIN SA GINAWA MONG PAGSUNTOK SAKIN AT ISA PA, WALA AKONG DAHILAN PARA GAWIN YUN, KAYA HINTAYIN MONG MAGISING SI FOX PARA MALAMAN MO ANG TOTOO." gigil na sabi ni Rage. Natahimik naman si Dagger sa sinabi ni Rage.

Pagkasabi niya noon ay binitbit na siya ng mga pulis at isinakay sa sasakyan at tuluyang umalis.

"R-RAGE !" tawag pa ni Nalu na may hindi maipaliwanag na ekspresyon ng mukha.

Shit ! Ano bang nangyayari ? Bakit si Rage ang nadadawit dito ? Bakit ? Anong meron ?

"IKAW !!!" sigaw ni Nalu at sinugod ang lalaking nagsisigaw kanina.

Mabilis ang pangyayari at bigla nalang niyang sinuntok ang lalaking yun at bumulagta ito sa lupa. Hindi pa nakuntento si Nalu at inupuan niya to sa dibdib at sinakal.

"ANG KAPAL NG MUKHA MO ! BAKIT MO GINAWA YUN KAY RAGE, ALAM NAMING WALA SIYANG KASALANAN BAKIT SIYA ANG GINIIT MO ! HAYOOP KA !!!" galit na galit si Nalu at patuloy ang pagsakal niya sa lalaki.

Pinipigilan siya nila Darce pero hindi nila maawat sa sobrang lakas ni Nalu.

"NA..KITA KO SI..YA ! HA..WAK NI..YA ANG KUT..SILYO...UGHHH" hindi na makapagsalita ng maayos ang lalaki dahil sa pagkakasakal ni Nalu.

"NAKITA MO BA ANG MISMONG PAGSAKSAK NIYA HAH ? NAKITA MO BA ?!!" umaapoy na ang mata ni Nalu sa galit at I swear, nakakatakot siya.

"UUGGHHHHH..." hirap na hirap na sa paghinga ang lalaki pero walang makaawat kay Nalu ako man ay wala ding magawa kahit na si Viahm ay hindi siya maawat.

"ACE ! TAMA NA YAN !" si Knife na yan na hinihila si Nalu pero wala pading magawa. Siguro nga si Ace siya sa mga pagkakataon na to.

"ELIEE !" sigaw sa di kalayuan na nakapagpatigil kay Nalu.

Si Mr. Zegers yun. Papalapit siya sa pwesto namin kaya naghawian ang tao at ang grupo lang namin ang natira sa gitna. Napatingin si Nalu sa dito at tila nahimasmasan naman sa nakita niya. Unti unti niyang niluwagan ang pagkakasakal sa lalaki at tumayo. Isinara niya ang magkabilang palad niya na kahit anong oras ay handa na naman siyang manuntok.

Morthon University (Book II) : The Undying EndingWhere stories live. Discover now