Chapter Twenty

Magsimula sa umpisa
                                    

"Osge, tutulungan kita kay Lili pero umayos ka ha!" bigla naman siyang ngumiti ng napakalawak.

"Oh sige ba!"

"O sige, umayos ka at ikaw na magpatuloy neto. XD" at ganun lang, siya na nagpatuloy ng experiment at ako taga-jot lang ng notes. Ang talino ko talaga, diba? Muahahaha. :P

***

Pagkatapos ng Lab e nagpunta ako sa photocopying center at pina-photocopy yung notes ni Caryl tapos nagdiretso na sa Engl class ko.

"Sige, Kah. Salamats!"

"No worries. Geh, punta na ko next class namin ah. Byee~" umakyat na siya ng stairs at ako naman, pumasok na sa room.

"VEEEE!!" sabay takbo at hug nung tatlo saken. Yez, kung dati si Gi and Lili lang naghu-hug, ngayon pati si Danna na. :D

"Anyare sa'yo? Ba't wala ka sa Fil kahapon?" -Danna

"Menstrual cramps slash masama pakiramdam ko."

"Nako. May quiz and assignment pa naman tayo bukas." -Giezel

"Ayy Vee, gusto mo ng notes ko?" -Lili sabay malapad na smile

"Ay yung kay Danna na lang hihiramin ko. XP" tapos nagpout siya. Wehehe.

Pagkatapos ng Engl, dumiretso kami sa caf, sila kumakain, ako nemen gumagawa ng requirements habang kumakain, o diba, tunay na estudyante. :P

"Vee~ cadbury you like?~" hay naku Lili. Kung alam mo lang, di mo na kelangan pang mag-effort.

"Lili, wag ng mag-effort. Kung ayaw ni Stan sa'yo, okay lang yan," sabi naman ni Giezel sabay tap sa shoulder ni Lili.

"Hindi! Alam ko, si Stanley na talaga ang para sa akin!"

"Hindi, wag na mag-assume baka mamaya masaktan ka.."

Patuloy lang nilang inaasar si Lili dun, habang siya naman, in-explain kung bakit silang dalawa daw ni Stanley ang para sa isa't isa.

Nakita ko si Stanley na papasok na ng caf, "Wag ka mag-alala, Lili. Magkaka-love life ka na."

Tinignan ko si Stanley. "Stan!" lumingon naman siya sa akin at naglakad papalapit sa akin.

"Oh, Let-let. Bakit?" nakita ko sa peripheral vision ko ang shock na mukha nung tatlo.

"Yung written report sa chemlab. Kailangan ko yung ibang infos."

"Ah yun ba. *kalkal ng bag* eto oh. Draft lang yang sinulat ko kasi yung iba ikaw naman nagsulat diba?"

"Yepyep. Okie, thanks. Nga pala, Stan. Mga kaibigan ko, si Danna *points Danna handshake with Stan*, Giezel *points Gi handshake with Stan* and Lili *points Lili handshake with Stan*"

"Uh, hi!" sabi ni Lili saka ngiting malapad. Lumalandi si Lili. XD

"Hi. Nice to meet you," nakangiti si Stan niyan tapos nakatingin kay Lili. Akeww naman, kinekeleg ne ditoww. XD

"Oi tama na yan, matutunaw na kayong dalawa," napalingon sila sa akin at namula silang dalawa. Wahahaha.

(siningit ko na lang talaga yung lablayp ni Lili dahel wala na akong malagay. XD sabaw na kung sabaw! Masarap naman lalo na kung taglamig. Opo, alam ko, wala talaga akong sense >_<)

Pagkatapos ng lahat ng class ko, dumiretso na ako sa field kung saan naghihintay si Red.

Andoon siya, nakaharap sa netbook niya. Tutok na tutok doon sa binabasa niya. Dahil alam ko naman na ayaw niyang iniistorbo siya, malayo pa lang ako, sinigawan ko na siya.

"Red!" napalingon siya sakin at ngumiti. Tinignan niya ulet yung netbook at may kung ano siyang clinick doon.

Sigh. Alam ko namang may tinatago tong si Red. Pero pwede niya namang sabihin sakin diba? :( emotera talaga ako. Pero dahil alam kong di niya sasabihin saken, di na ako nagtatanong.

Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya. Nilapag ko ang gamit ko at nagsimula na kami. Tinutulungan niya ako sa mga reqs at assignments ko dahil mabait DAW siya.

Habang busy kami dun, bigla na lang akong nagsalita, "Gummy, si Venisse Fajardo ba, yung model ng Views eh best friend ni Ericka?"

Napatingin naman siya sa akin. Oh, may nasabi ba akong mali? O.o

"Uh, yeah. Paano mo nalaman yun?"

"Na mag-bespren sila? Sinabi ni Eri..."

"No. Na model siya."

"Sa magazine. DUH."

"That's weird..."

"At bakit naman weird?"

Ngumiti siya ng nakakaloko, "Ang alam ko kasi di nila binebentahan yung mga di model e. Dapat yung mga kagaya ko lang," sabay pa mr. pogi niya..

Hinampas ko nga ng libro, "Saan mo nemen nakuha yang kagaspangan ng mukha mo.."

"I'm just stating the obvious.."

"Obvious na ano?"

"Na gwapo talaga ako."

"Ewan ko sa'yo. Gawin mo na yang assignment ko," tumawa lang siya at saka nagpatuloy na sa pag-e-encode niya.

"Teka, sinong nagbigay ng mag sa'yo?"

"Huh? Uhmm. Bakit?" hindi ko magawang sabihin na si Xander ang nagbigay. Remember nung nasa bar kami? Kulang na lang mag-apoy si Xander eh.

Narinig ko siyang may binubulong pero di ko alam ano yun. Private speech daw eh..

Pinabayaan ko na lang siya at binasa yung chapter ng story na kailangan kong i-annotate..

"Nga pala, Bbear..."

"Hmmm?"

"Sunduin kita sa Sabado, punta tayong bahay."

"Hmm.."

"Wag mo kalimutan ah. 10 am."

"Hmmm..."

Teka... may sinabi ba si Red? O.o

--- 

 Salamat sa pagbasa ng tsafter na itech. XD vote and/or comment if you like. :D

<3 Tear.

The Temporary GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon