"O sige, sige. Wag masyadong matagal matulog ah?"

"Okie po."

Umakyat na ako at pumunta na sa kwarto ko. Nilapag ko na yung gamit ko sa study stable ko. Turned on the AC at lampshade ko lang ang binuksan ko. Oww, I love it...

Nagpalit na ako ng damit at nilapag ang phone ko sa may nightstand ko. And I drift off.....

***

Naalimpungatan ako ng may marinig akong maingay sa baba. Psh. For sure kaklase nanaman to ni Purple.

Tinignan ko yung digital clock na nagsasabing 16:26 na. Naghilamos lang ako at kinuha yung phone ko saka bumaba.

"Hello, Ate Vee!" nakita ko sina Anthony, Reese, Cherrie at Lloyd na nasa baba.

"Aga mo ata ngayon. Wala ka pasok Ate?"

"Meron. Masama pakiramdam ko kanina e kaya umuwi na ako.."

"You didn't attend your classes?"

"Uhh. Yeah. Pero may excuse slip naman ako kaya hindi considered na absent yun."

Kumain lang kami ng merienda namin doon habang nag-uusap usap. Kilala ko sila kasi nung nasa 5th grade ako, sila na ang laging magkakasama e.

Umalis na rin sila afterwards. Tapos, may nakita akong envelop doon sa table.

"Ate Lenny, kanino tong envelop?"

"Sa'yo. May nagpadala niyan kanina."

"Kanino galing?" Kinuha ko na yung envelop.

"Alexander Smits? Smitch ba?"

"Smitt po. *whispers* ano naman kaya to?" binuksan ko yung envelop at kinuha ang laman nun...

Views Magazine. July Issue.

At bakit niya naman ako bibigyan ng Views Mag? Lels. Ano naman pinag-iisip netong si Xander? O.o

Nakita ko ang front cover. Wow naman, ang ganda naman ng babaeng to. Uhmm.. Nakaka-tomboy..

Halos lahat ng clothes and wears siya yung nagmmodel. Tapos yung smile pa niya, napaka-radiant. Yung sa sobrang ganda niya, hindi ka maiinsecure, hahangaan mo pa siya. Mukha siyang angel... at hindi mo iisipin na makakagawa siya ng masamang bagay.

Okay, na-gets niyo ba ang pinagsasabi ko? Pasensya naman pati ako di ko na rin gets ang pinagsasabi ko. XD

Nagflip lang ako ng pages hanggang sa napunta na ako sa doon middle part. Isang Featured Section.

The Temporary GirlfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora