CHAPTER 29: THANKS TO JELLIE

Magsimula sa umpisa
                                    

“i knew it.” Mahinang sabi ni Gelay.

Bumaba ako ng kotse at bumaba din naman siya.

2nd time kong pumunta dito ng malalim na ang gabi. Ang creepy talaga.

Nang makalapit kami ni Gelay agad na kumawala ang mga luha ko at napaluhod.

 

“bry......” bulong ko.

Walang tigil ang pagpatak ng mga luha ko. Patuloy lang sila sa pagbulusok mula sa mata ko hanggang sa mga pisnge ko.

“kien.”   mahinang tawag ni Gelay habang tinatap niya ang likod ko.

 

“ang sakit sakit! Akala ko okay na ako e. Akala ko pwede na ako ulit bumalik sa dati. Akala ko okay na ang tatlong taon. Pero hindi padin pala. Kase ang sakit. Masakit pa din dito.” Sabi ko saka ko tinuro ng puso ko.

 

“andito lang ako kien. Andito lang ako sa tabi mo.” - Gelay

Yumakap siya sakin at tahimik siyang nakiiyak.

“alam mo ba na sa tuwing umiiyak at nasasaktan ka, nasasaktan din ako. Kung kaya ko lang sana alisin sayo ang lahat ng sakit na nararamdaman mo kung pwede lang sakin nalang yan, ginawa ko na noon pa. Dahil habang nakikitang kitang miserable ang buhay sobrang nasasaktan ako.”

 

“kaya sana naman best magpakatatag ka. Andito lang naman ako, ang pamilya mo. Bakit di mo pagbigyan ang sarili mong maging Masaya ulit? Bakit di mo tuparin ang mga pangako mong matagal mo ng di pa natutupad? Nangako ka kay Bryan pero hanggang ngayon di mo pa din iyon tinutupad. Gusto ni Bryan na Makita ang mga ngiti mo.”

Hindi ko siya masagot. Ang alam ko lang kase nasasaktan ako. Pero tama si gelay. Siguro kailangan ko ng pagbigyan ang hiling ni Bryan bago siya namatay.

ICE PRINCESS MEETS HER ICE PRINCE (COMPLETED) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon