"Hoy pamamahay ko ito! Walang hiya ka talaga!" Tumayo si Chuchay.

"Tss. Sinabi mo pa? Alam ko na." Nag-indian sit si Sam tapos kumuga siya ng unan at nilagay sa legs niya tapos sa ibabaw ng unan ay ang plato niya at sumubo kaagad ng isaw at kanin gamit ang kamay. Oo, nagkakamay siya ngayon. Ganyan yan pag nagugutom na talaga. Tinitigan muna siya ni Chuchay at napailing nalang.

"Baboy talaga." Sabi niya at umalis sa kinatatayuan.

"Butanding naman." Sabi ni Sam at sumubo ulit. Nagtawanan kami ni KC. Naalala ko ulit yung nangyari kanina sa room. Pero yung biglang natameme si Daffy kay Chuchay? Ay, nag-o-over think lang ako.

"Guys, saan tayo pagkatapos?" Tanong ni KC.

"Di ko alam. Saan tayo mamaya, Sam?" Liningon ko si Sam na busy sa pagkain. Nagkibit balikat lang siya at uminom ng coke. Baka si Chuchay alam niya.

"Kutsara dzai?" Umiling lang si Sam kay Chuchay na may dala ng kanin.

"No thanks. Wala yan sa baryo namin. Di ba Sittie?" Aba't dinamay ako.

"Baliw!" Sabi ko sakanya. Si KC naman sa gilid ko ay tumatawa kaya ayan nabilaukan. Napainom kaagad siya ng coke.

"Ok kalang, Sey?" Sabay tawa ni Chuchay. Nag-approve sign lang siya.

"Teka, saan tayo pagkatapos?" Tanong ko kay Chuchay.

"Hmmm... kila Ben kaya tayo?" Suggestion niya. Total sobrang lapit lang naman ng bahay nila Ben dito.

"Huh? Bakit naman dun?" Reklamo ni Sam.

"Bakit ayaw mo?" Singit ni KC na nahimasmasan na yata.

"Nagtatanong lang. Tss." Sus! Ayaw lang niya dahil sa apat na lalake. Medyo ilang kasi si Sam sakanila (except kay Kirby) pati rin naman ako (dahil kay Harvey). Sila KC at Chuchay lang naman ang medyo close sa apat.

"So kila Ben tayo?" Tanong ko ulit.

"Yes. Tsaka kukunin ko rin yung USB ko sakanya." Tumango tango nalang kami tsaka kumain ulit. Teka, ano naman ang gagawin namin kula Ben? Medyo ilang din ako dun dahil sa mga baliw na text message at chat niya na gusto niya daw ako. Alam ko naman na attracted lang siya saakin. Hirap talaga maging maganda. Char!

Pagkatapos namin ay nilinisan muna namin yung sala kung saan kami kumain at naghugas muna ng plato si Chuchay bago kami pumunta kila Ben. Total di naman malayo ang sakanila. Sampung hakbang mo lang ay makakarating ka na sa bahay nila galing sa bahay nila Chuchay.

"So kaya kayo nandito para humingi ng tulong? Kailan ba gaganapin? Sa Valentine's Day?" Ako yung unang pinapasok nila sa gate Ben napagtrippan ako. Rinig na rinig ko ang boses ni Ben galing dito. Tulong? Saan? Valentine's Day? Kanino?

"Yes." Sagot ng isang lalake. Di ko kasi masyadong kilala ang boses.

"So sabay si Minkyu at Kirby?" Tanong ulit ni Ben. Naramdaman ko nalang na nasa tabi ko na pala ang tatlong babae.

"Anong meron?" Tanong ni Chuchay sa gilid ko. Hindi ko siya sinagot dahil nakikinig ako sa usapan ng boys.

"Oo. So deal?" Kaninong boses ba ito? Hindi natuloy ang pag-uusap ng boys dahil pumasok kaagad si Chuchay. Sinundan naman namin.

"Hi boys! Anong meron?" Sabi ni Chuchay at umupo kaagad sa sofa. Kaming tatlo naman ay nakatayo lamang malapit sa pinto.

Nagkatinginan sila Sam at Kirby at parang sa mga tingin palang nila ay nagkakaintindihan na sila. Ganoon na ba talaga kayo kaclose? Si Minkyu naman ay parang namutla na kung ano. Sila Harvey at Daffy ay nagkatinginan din.

Best Friend GoalsWhere stories live. Discover now