lx

167 22 0
                                    

Nang mamulat ni James ang mga mata niya, nakita niya ang mukha ni Janae na nakingiti sa kaniya.

"Mahal kita, anak." sabi ng babae at natumba kay James.

Napabangon agad si James.

"Ma?" tawag niya rito.

"Ma!"

Pero hindi na ulit sumagot ang nanay niya.

Gulung-gulo si James. Ang alam niya patay na siya. Iyon ang narinig niya bago magdilim ang paligid pero hindi rin nagtagal at bigla siyang nagising. At ito ang nangyari.

"Inalay niya ang buhay niya sa'yo, hindi ka ba naaawa sa nanay mo? Dahil sa kahinaan mo, kinailangan pa niyang ibigay ang buhay niya sa'yo."

Biglang dumating sina Ree at Rin at kinalaban si Azariel.

Ginamot ni Ree si Kyle habang kinakalaban ni Rin si Azariel mag-isa.

Nang magising si Kyle, hinang-hina siyang lumaban kay Azariel.

Nanghihina siya dahil sa ginawa sa kaniya ni Azariel. Alam ng D'yavol na hindi siya mananalo kay Kyle kaya binigyan niya ito ng spell na hihigop ang lakas nito at mapupunta sa kaniya.

Sa kabilang banda, andun si James. Nagluluksa sa pagkamatay ng nanay niya.

Hindi maipaliwanag ang galit na nananaig sa buo niyang kalamnan.

"Magbabayad ka, Azrael. Magbabayad ka."

Umulan ng mga umaapoy na bulalakaw sa langit at kay Azariel lang ang bagsak ng lahat ng 'yon.

Nagdatingan ang mga Lovac sa utos ni James.

Nagpaulan sila ng pana at lahat lang 'yon ay kay Azariel ang punta.

Sa nangyayaring pagtira kay Azariel, nawala siya sa pokus sa pagkontrol kay Kyle kaya nabawi nito ang lakas niya.

Bumuka lupa at may sobrang liwanag na ilaw ang lumabas galing dito. May hinihila ito pababa mula kay Azariel.

Ang espirito ni Azrael na naninirahan sa katawan niya.

Halos mabingi ang lahat nang sumigaw si Azarael. Maririnig ang sigaw ni Azrael at Azariel pareho habang kinukuha ng liwanag si Azrael at hinihila pababa sa nabiyak na lupa.

Nagkaroon ng malakas na pagsabog sa kinaroroonan nila Myleius at natigil ang mga naglalaban.

Ibinaba nila ang kanilang mga sandata nila at umulan nang malakas.

Gawa 'yon ni James.

Pinaulan niya nang malakas para malinis ang buong labanan.

Para tangayin ng agos ng tubig ang kasamaan.

At kinuha niya si Janae Ealasaid na wala nang buhay mula sa lapag at naglakad palayo sa lugar kung saan naganap ang labanan.

¤¤¤

Don't You DareOnde as histórias ganham vida. Descobre agora