xii

321 44 1
                                    

Dedicated to Bernadette Tandiama!!!
*~^~*

-James' POV-

Wala pa rin yung abnormal. Hindi ko pa nakikita. Well... although magkaiba kami ng building, siyempre dapat nakikita ko pa rin siya 'no? Manliligaw ko kaya siya.

"Uy, may nanghaharana daw dun sa field!"

"Sino sino?"

"Hindi ko alam! Halika na panoorin natin, dali!"

"Uy, pre panoorin din natin!" sabi ni Steve.

"Hindi ako interesado."

"A-ah—oo nga pala. Sorry, pre." sabi niya at tinap ang balikat ko.

Naririndi ako kapag may naririnig akong nanghaharana o nag-aalay ng kanta sa isang tao.

Singer ako. Songwriter. Dati. Umalis na ako sa bangungot na 'yun at ayoko nang bumalik.

Naaalala ko sinet up namin siya sa rooftop. Doon kasi siya laging tumatambay. Gusto ko na siya simula pa grade school. Noong araw na 'yun ang daming taong nanonood dahil inaabangan nila 'tong proposal ko. Kahit sa baba ng building ang daming tao.

I'm never going down, I'm never giving up.
I'm never gonna leave, so put your hands up.
If you like me, then say you like me~~  

At bigla siyang tumalon.

Pinilit ko ang sarili ko sa kaniya. Pinilit ko siyang ligawan kahit ayaw niya.

Hindi ko sinadyang mangyari 'yun. Hindi ko alam na may androphobia pala siya, phobia na takot sa lalaki.

Pagkatapos ng lahat ng 'yun, hindi ako nakulong dahil nanalo ang pamilya namin sa korte pero nasa akin pa rin yung guilt. Yung pagsisi sa sarili ko sa pagkawala niya nang tuluyan sakin.

Okay na sa akin na dedmahin niya, tarayan niya, pag walk-out-an niya, pero hindi yung ganto. Na wala na talaga siya.

Lumipas na ang mga taon pero nasa akin pa rin yung guilt na kasalanan ko lahat. Pakiramdam ko galit lahat ng tao sa akin sa eskwelahan na 'yun. Tuwing mapapadaan ako sa building na 'yun, bumabalik lahat ng pangyayari doon sa trahedyang 'yon. Parang bangungot na hinding-hindi ko makalimutan.

Kaya nagpasya akong lumipat sa St. Michael at magsimula ulit bilang isang basketball player at hindi na bilang isang singer-songwriter. Hindi na ako 'yung James na magaling sumulat ng kanta at mahiyahin, ako na yung James na bilib sa sarili niya. Tuluyan ko nang kinalimutan at tinapon ang James noon.


"This time I surrender my everything forever
Life doesn't matter, just our souls together~"  

Naphinto ako sa paglalakad at napako ang tingin kung saan nagkukumpulan ang mga tao. Si Ree... kasama si Kyle.

"Pride no longer has room in me on bended knees in public, I cry
Your name for everyone to know that I love you, I love you
Please hear me now

And I'll drive for 2 hours to bring Butterfingers
I don't mind the distance
This kismet's a dance

This time I surrender my everything forever
Life doesn't matter, just our souls together

This time I surrender my everything forever
Life doesn't matter, just our souls together~"  


"Ree, will you give me another chance?"

¤¤¤

Don't You DareWhere stories live. Discover now