xxviii

139 36 1
                                    

"Sovor ang tawag sa mga non-powers people." sabi ni Steve.

"So, Sovor si Mom?" tanong ni James.

"Hindi makakabuo ng anak ang isang Sovor at isang Liazoras." sagot ni Ree.

"Pero bakit walang alam sa ganito si Mom?" tanong ni James.

"Kasi kabilang ang nanay mo sa mga Halpheus o tagapangalaga ng katahimikan. Ang mga Halpheus ang nagbura sa alaala ng mga Sovor tungkol sa kapangyarihan nating mga Liazoras para hindi na sila matakot." paliwanag ni Kyle.

"Kaya siguro hindi na sinabi ng mommy mo sayo na isa kang Liazoras dahil pinagbabawal ng mga Halpheus ang paggamit ng kapangyarihan ng mga Liazoras para sa katahimikan. Naisip siguro niya na ano pang point kung sasabihin niya sayo eh hindi mo naman puwede gamitin." sabi pa ni Rae.

"Pero sinabi niya kay James dati." sagot ni Steve.

"Naalala kong may kinukwento ka sa akin James dati na mga weird na nagagawa mo, narinig tayo ng mommy mo nun kaya alam ko binura niya ang alaala mo." kuwento ni Steve.

"James, huwag mong sasabihin sa mommy mo na alam mo nang isang kang Liazoras at may alam ka na tungkol dito. May hawak na mga Lovac ang mga Halpheus na nanghuhuli ng mga Liazoras na hindi sumusunod sa batas at pinapaparusahan." sabi ni Rae.

"Ibig sabihin ba, Liazoras din si Dad?" tanong ni James.

"Oo, isa siya sa mga sinalakay ng mga Dyavol dahil may mataas siyang posisyon sa Angylion at pinautos niyang ipapatay sa mga Lovac ang mga Dyavol na gumamit ng kapangyarihan nila." sagot ni Kyle.

"Pero James lang alam kong pangalan ni Dad..."

"Jarred Marcaeus." sabi ni Rae.

"Bakit mas madami pa kayong alam sa akin? Bakit tinago ni Mom lahat sa akin?" kunot-noong saad ni James.

"Kasi gusto ka niyang protektahan." sagot ni Ree.

"Si Mom? Jane lang ba talaga siya?" tanong ni James.

"Janae Ealasaid." sagot ni Ree.

"Janae Ealasaid..." ulit ni James.

"Pinagkakatiwalaan mo ba kami, James?" tanong ulit ni Steve, naniniguro.

"Oo." sagot ni James.

"Please, h'wag mo munang sabihin sa mommy mo ang tungkol dito. Sasabihin namin kung kailan mo na puwedeng sabihin. Kapag napag-aralan mo na ang kapangyarihan mo." sabi ni Ree.

"Sige pero paano ko matututunan ang kapangyarihan ko?"

"Tuturuan ka namin." ngingiti-ngiting sagot ni Steve.

¤¤¤

Don't You DareWhere stories live. Discover now