ix

362 47 2
                                    

-Steve's POV-

Andito ako ngayon sa bahay nila James, kakain.

Sorna ang sarap magluto ng nanay niya eh TT_TT

"Manang, si James po?" tanong ko kay Manang pagkabukas niya ng gate sa akin.

"Ah, nasa kwarto po niya Sir." sagot naman niya.

"Eh, si Tita po?" tanong ko

"Ay Sir, si Ma'am ang wala. May meeting po eh." sagot niya.

Langya naman oh.

"Pero may niluto po siyang pagkain?" tanong ko.

"Naubos po ni Sir James yung luto ni Ma'am eh, kung gusto niyo po lutuan ko kayo." pagpresinta ni Manang

"Ay huwag na po, salamat." nakangiting sabi ko at dumiretso na sa loob sa kwarto ni James.

Nakadapa siya sa kama, nakaharap sa laptop niya at nasa wall ni Rae.

Rae Li

"Sino na naman 'yang iniistalk mo?"

Bigla naman siyang napatalon sa gulat.

"Puwede bang kumatok ka man lang bago manghimasok ng kwarto, Steve?"

"Rae Li?" tanong ko.

"Oh, bakit kilala mo?" tanong din niya.

"Oo naman! Kasama ko 'yan sa swimming last last year, 'no." sagot ko.

"Kilala mo??" natarantang tanong niya.

"Paano mo nakilala? Like, close ba kayo?"

"Teka, teka lang. Oo, magkakilala kami at oo din close kami." sagot ko.

"Steve, I need you to investigate, okay?" sabi niya

"Investigate?" kunot-noong tanong ko.

Nababaliw na naman yata to eh.

"Pumunta ka kay Rae Li na 'to, please." sabi niya na nakapagpakunot lalo sa noo ko.

"Bakit ko naman gagawin 'yun?" tanong ko at pinagkrus ang mga braso ko.

"Uh, may mga gusto lang ako malaman." sagot niya at umiwas ng tingin.

Ah alam ko na.

"Tungkol kay Ree?" tanong ko.

"O-Oo, pero hoy teka baka kung anong nasa utak mo!"

Nakakatawa talaga 'tong lalaking 'to eh.

"Wala akong sinasabi." natatawang saad ko.

"Eh 'yang tingin mo eh!" sabi niya.

"Oo na, sige na. Ano na ngayon ang iimbestigahan ni Detective Steve?" tanong ko.

"Tanong mo kung anong meron kay Kyle Ho at dun sa abnormal." sabi niya

"Sabi na nga ba eh!" sigaw ko.

"Hoy hindi nga sabi gano'n eh!!" sigaw niya sabay bato sa akin ng unan.

"Congrats, pre!!! Nagbukas na ulit ang puso mo!" sabi ko pa.

"Ano ba, Steve. Hindi nga." giit naman niya.

"Eh, bakit ka interesado?"

"Eh siyempre k-kalaban ko yung Kyle na 'yun tapos baka mamaya kasabwat pala niya yung abnormal, d-di ba? Mas mabuti nang safe." palusot niya.

"Hindi ako naniniwala sayo." sabi ko at pinanliitan siya ng mga mata, intimidating him.

"Edi wag ka maniwala." sabi niya.

"Edi hindi ko tatanungin."

"Steve naman eh!"

"Aminin mo muna na gusto mo na si Ree." pang-aasar ko.

"Hindi nga kasi!"

"Edi bahala ka riyan." sabi ko at lalabas na sana sa kwarto niya pero pinigilan niya ako.

"Oo na!" sigaw niya.

"Ano 'yun?" pang-aasar ko para ulitin niya.

"Gusto ko na nga yung abnormal na babaeng 'yun!" pag-amin niya.

"Sino yung abnormal?" tanong ko na nang-aasar pa lalo.

"Si Ree Li nga." napilitang sabi niya at binato ako ng unan.

"O sige, tatanungin ko na." sabi ko.

"O, alis na."

"Agad-agad?"

"Siyempre naman, kailangan ko ASAP."

"Hindi pwede 'yun." sabi ko na nakapagpakunot sa noo niya.

"At bakit naman?"

"Dapat may kapalit. Dito ako magdi-dinner mamaya, luto ni Tita." sabi ko ng kondisyon.

"Ang kapal talaga ng mukha mo eh!" sabi niya at binato ulit ako ng unan.

"Bahala ka riyan, the investigation will be delayed." sabi ko, nang-aasar.

"Oo na nga! Dito ka na kakain ng dinner pag-uwi ni Mommy!" sabi niya.

"Yan! O sige, alis na 'ko." sabi ko at lumabas na.

Nakakatuwa lang na nabuksan na ulit ni James ang puso niya para sa iba pagkatapos ng lahat ng nangyari.

¤¤¤

Don't You DareWhere stories live. Discover now