xxiii

183 35 3
                                    

-James' POV-

"Ano na gagawin sa baby na 'yan?" tanong ko.

"Aalagaan, alangan." sagot nung abno.

"Ano??" protesta naman nung kapatid niyang menopausal.

"Anong gusto niyong gawin natin? Itapon?" tanong naman ni abno.

Sabagay, lalo na dito sa Pilipinas maraming batang namamalimos. Mukha pa namang foreigner 'tong bata.

Mestiso kagaya ko, may itsura din.

Baka ako yung tatay?

"Kamukha ni James! Baka si James talaga tatay niyan!" biglang sigaw ni Rae.

"Ha?! Bakit ako eh nasa 'yong kwarto!" sagot ko.

Nakakabasa ba ng nasa utak 'tong menopausal na 'to?? Delikado tayo.

"Baka nagkamali ng kwarto!" sabi ni meno.

Anak ng—

"Oo nga, James! Kamukha mo..." gatong pa ni Steve habang pabalik-balik ang tingin sa akin at sa baby. 

"Steve naman!" sabi ko.

Mga walangyang 'to, pati ako ginawang tatay!

Hindi pa ako ready!

Napatingin naman ako sa baby.

Napatingin naman ako sa baby

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Dada!" sigaw niya.

"Waaaah!" Nagtago ako sa likod ng upuan.

"James! Ikaw yung tatay!" sigaw ni Ree at hinila ako.

"Ano? Hindi!" Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin.

"Virgin pa ako!" sigaw ko.

Napatahimik naman sila.

ANAK NG PATING!

Bigla silang nagtawanan.

Ano bang pinagsasabi ko??

"Dada..." 

"Kyle?" sabi ni Ree. Kinuha ni Kyle yung baby.

"Dada!" tawa nung baby.

"Mimi!" tawag ng baby kay Ree.

ABA'T—!

"Akala ko ba ako Dada?" saad ko.

At hindi na niya ako pinansin =_= 

Bastos na bata 'to.

¤¤¤

Don't You DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon