xvi

252 39 11
                                    

-James' POV-

"Bakit nandito 'yan??" tanong ko kay Steve nang makita ko yung alipunga.

Nandito kami ngayon sa bahay nung abnormal at nung menopausal niyang kapatid.

"Hindi ko nga rin alam eh, alam ko magpe-perform 'yan sa isang bagong bukas na resort eh." sagot naman ni Steve at nagpatuloy ng maglagay ng gamit sa sasakyan.

"By the way guys, change of plans." sabi nung menopausal.

Napatingin naman kaming lahat sa kaniya. Pati na yung abnormal at alipungang naglalandian.

"Instead na sa resthouse namin pupunta, pupunta tayo sa isang resort na pagpe-performan ni Kyle. Sagot lahat ng may-ari yung pagstay at kakainin natin dahil nga walang bayad na magpe-perform si Kyle para sa opening." sabi nung meno.

"G!" sigaw naman ni Steve.

"Let's go, let's go." sabi nung abno at nagsakayan na kami sa sasakyan. Nag da-drive si Kyle Alipunga tapos nasa passenger's seat si Rae Menopausal. Yung kapatid niyang abnormal nasa pinakalikod dahil matutulog daw siya at ayaw niya ng istorbo.

¤¤¤

"Wow." sabi nung abnormal pagkapasok namin sa resort.

Super welcoming ng ambiance tapos amoy na amoy yung dagat. Mukhang mag e-enjoy ako nito ah.

"Sir Kyle, mamayang 7 po kayo magpe-perform sa may beach area. Nandoon na po yung mga bisita." sabi nung babae.

"Ah sige, sige. I guess guys 2 hours nalang meron tayo para magpahinga at maglibot or something." sabi naman nung alip sa amin.

"Guide ko na po kayo sa mga rooms niyo." sabi nung babae at sumunod naman kami sa kaniya.

"May 3 single rooms at isang bedroom for two pong nakareserve para sa inyo." sabi nung babae habang naglalakad.

"Ha? Alam ko 5 single rooms ang nakareserve para sa amin." sabi nung alip.

"Sir, 3 lang po nakalagay dito eh." sabi nung babae.

"Paano 'yan?" tanong nung alip sa amin.

"Basta ako, solo." sabi nung meno.

"Ako rin." sabi naman ni Steve.

"Alangang ako may kasama eh puro kayo lalaki?" sabi nung abno.

"Kaming dalawa magkasama?" tanong ko at tinuro pa yung alip. Sabay-sabay namang tumango yung tatlo.

Planado ba nila 'to? -_-

¤¤¤

Don't You DareWhere stories live. Discover now