lviii

84 20 0
                                    

-James' POV-

Nanginginig ang mga kamay ko.

Ang lamig.

Ang gulo.

Anong gagawin ko?

Bawal akong mamatay. Wala akong karapatan mamatay.

Pero anong gagawin ko?

Sa panonood sa kanila maglaban, pakiramdam ko sobrang hina ko kumpara sa kanila.

Madami ang mga D'yavol na umaatake sa amin pero madami rin ang sundalo ng mga Angylion. Pinangungunahan nila Rae at Steve ang mga sundalo.

Ang ingay ng tunog na nagagawa kapag nagtatama ang mga espada at spears. Ang gulo.

Pero 'di rin nagtatagal ang labanan sa espada dahil ginagamit na rin nila ang mga kapangyarihan nila.

Anong ginagawa ko? Pinapakalma ang Sovors. 'Yun lang ang puwede kong gawin.

May kasama rin akong iba pang mga Halpheus na nangangalaga sa mga Sovors.

"D'yavol!!!" sigaw ng mga Halpheus at inatake ang nasa ereng may pakpak.

"Myleuis!!!"

Huli na ang lahat dahil nahila na ako pataas ng D'yavol.

"A-Arie?" Lapag niya sa akin.

"James, lahat ng sinabi ko sa'yo totoo. Mahal kita."

"Mahal din kita, Arie." At ilalapat ko na sana ang mga labi ko sa kaniya pero...

"James!!!" Pana niya sa likod ng babaeng kayakap ko. Teka, Arie??

Napatingin ako sa babaeng hahalikan ko sana kanina. Nag iba ang mukha niya at napahiga sa lapag, nabitawan ang patalim na nasa kamay niya.

Papatayin niya ako?

"Baliw ka ba?! Bakit bigla-bigla ka nalang sumama kung kani-kanino?! Paano kapag—" Hindi ko na siya pinatapos magsalita.

"I love you, Arie."

"B-Bakit mo ako hinalikan, ha?? May sinabi ba akong puwede—"

"HOY JAMES!!! H'WAG KANG MAKIPAGLANDIAN SA ISANG D'YAVOL!!! NASA LABANAN KA! HINDI SA HOTEL!!!"

Napalingon naman ako sa sumigaw.

Lahat ng tao sa baba nakatingin sa amin. Mapa-Liazoras man o Sovor.

Bumaba naman kami at sumama sa akin si Arie pakalmahin ang mga Sovor.

"Sigurado ka bang mabait 'yan?" tanong ng isang Halpheus.

Sinamaan lang siya ng tingin ni Arie at bumalik sa ginagawa niya.

"James, yung nanay mo."

¤¤¤

Don't You DareHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin