xl

86 28 1
                                    

-James' POV-

"Wala ka pang nagiging boyfriend eh love expert ka nga?" tanong ko dahil wala pa raw nagiging boyfriend 'tong si Arie.

"Wala pa nga. I told you, I just say what I have in my mind, not from experience." sagot niya.

"Hindi talaga ako naniniwala." sabi ko naman. Wala pa raw siyang nagiging boyfriend eh kung kontrahin yung ideology ko abot Pluto.

"Bahala ka kung ayaw mo maniwala—teka, teka. Ikaw naman ang matanong ko, bakit wala ka pang girlfriend?" tanong niya na nakapamewang pa.

"Gano'n talaga mga gwapo." sagot ko at pinatong ang paa ko sa bakanteng upuan.

"Oy, oy, oy, ibaba mo 'yan." saway niya sa akin.

"Isa ka na sa mga rule applier ngayon?" Tawa ko.

"President lang naman po ako ng PSSC, Mr. He." sarcastic na sabi niya.

"Wala bang exemption ang mga gwapo?"

"Aam mo, hindi gagana 'yang papout-pout mo na 'yan at pa-puppy eyes puppy eyes mo na 'yan sa akin kaya baba ang paa." sabi niya at binaba ang paa ko.

"Pfft."

"Pfft-pfft ka pa riyan, utot ka ba? Hilahin ko 'yang nguso mo eh." sabi niya.

Ang taray talaga ng babaeng 'to. -.-

"Alis nalang tayo ng campus para puwede mo nang itaas 'yang paa mo."

"H-Ha? Saan naman tayo pupunta?" tanong ko.

"Basta!" sabi niya at hinila ako.

¤¤¤

"Karaoke bar?? Hindi ako kumakanta." sabi ko.

"Ano ba, walang taong hindi kumakanta! Halika na nga!" sabi niya at hinila ako.

"Arie!" Hila ko sa kaniya.

"Hindi talaga ako kumakanta."

Napalitan naman ng concern ang mukha niya.

"Anong nangyari?" bigla niyang tanong.

"Well, matagal na 'yun—"

"Tell me." putol niya sa pagdadahilan ko.

Bumunting hininga ako.

"Okay."

Hinila niya ako sa malapit na cafe.

"Uh, I'm actually a singer-songwriter before." simula ko.

"I was in love with this girl na kahit kailan hindi naman ako pinansin at lagi akong tinatakbuhan. I liked her for a very long time na 'yung dating shy type James ay nainip na kaya medyo naging cocky ako sa panliligaw. Sabi ko pa-hard to get lang siya and that's fine with me, I'll follow her anywhere. And knowing me, hindi ko nga siya tinigilan. One day, pinaset-up ko siya. Humingi ako ng tulong sa mga kaibigan niya para dalhin siya sa rooftop at nandoon ako, haharanahin siya. Dahil mas kinikilig pa yung mga kaibigan niya para sa kanya, pumayag sila at doon nga hinarana ko siya. Pero hindi pa ako nakakatapos kumanta, mabilis siyang tumakbo palayo at tumalon. May phobia siya sa lalaki. Sa sobrang takot siguro, kaya siya tumalon. Sa dami ng nasa baba nanonood, wala man lang nakasalo sa kaniya. Hindi ko pa natatapos yung kanta, wala na siya. Kaya simula noon, ayoko nang kumanta. Pakiramdam ko may mawawala na naman sa akin kapag kumanta ako."

"Paranoia."

"Huh?" tanong ko.

Uminom siya ng tubig atsaka ako hinatak palabas ng cafe. Iniwan yung coffee smoothie namin.

"Saan na naman ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Kakanta."

"Teka, teka—hindi mo ba narinig yung istorya ko? Na hindi na ako kakanta pa ulit?"

"Narinig. Kaya lang ang drama mo masyado, nakakasuya. Pwe!"

Anak ng—!

¤¤¤

Don't You DareWhere stories live. Discover now