xiii

284 40 0
                                    

-James' POV-

"Chocolates." sabi nung abnormal kaya napalingon ako sa kaniya at nakitang inaabutan niya ako ng chocolate. Kinuha ko naman.

"Sasabay ka pag-uwi?" tanong ko.

"Oo nam—" Sabay kaming napalingon sa bulsa niya nang tumunog ang cellphone niya.

*kriiing~~ kriiing~~*

Sinagot niya yung tawag.

"Hello, Rae? bakit?" 

"Ah... sige, sige. Hanapin ko, text mo sa akin title ah."

"Sige, pahinga ka lang diyan. Basta nasa library lang, ah?" 

"Sige, bye."

"Sino 'yun?" tanong ko.

"Si Rae, may pinapahanap na libro sa St. Gabriel." sagot niya

"Bakit 'di siya humanap? Doon naman siya nag-aaral ah."

"Absent kasi siya, may sakit." sagot niya kaya napatangu-tango nalang ako.

"Samahan na kita tutal sabay naman tayong uuwi." sabi ko.

"O, sige." sabi niya at umalis na kami ng campus papunta sa St. Gab.

¤¤¤

Malaki din katulad ng St. Mike, halos magkapareho lang.

"Saan mo ba hahanapin?" tanong ko.

"Malamang sa library." sarcastic na sagot niya.

Malay mo naman kasi sa locker 'di ba? Tsk -_-

"Ree," Sabay kaming napalingon sa tumawag sa pangalan niya. Boses palang alam ko na kung kaninong boses 'yon kaya nang makita ko ang itsura niya ay agad na napasimangot ang mukha ko. Epal talaga 'tong lalaki na 'to kahit kailan eh.

"Uy, Kyle." sabi nung abnormal.

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

"Dito ako nag-aaral. Ikaw dapat ang tinatanong ko kung bakit ka nandito." sagot niya.

Anak ng pating naman talaga! Bakit ko ba nakalimutan na dito nga pala nag-aaral 'tong alipunga na 'to, hays.

"Sinasamahan ko siya maghanap ng libro ni Rae." sabi ko at ngumuso sa direksyon ni Ree.

"Rae... close na kayo?" nakangising sabi niya.

"Balita ko kasi hindi siya nagpapatawag ng Rae sa mga taong hindi niya ka-close."

"Kyle, asan yung library?" tanong ni Ree na halata namang iniiwasan lang yung tense na namamagitan sa amin.

"Samahan ko na kayo." sabi nung alipunga. 

"Alam mo ba kung saang section yung libro?" tanong nung alipunga kay Ree

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Alam mo ba kung saang section yung libro?" tanong nung alipunga kay Ree.

"Siyempre naman." sagot ni Ree.

"Nasa poetry, Leaves of Grass." 

¤¤¤

Pagkalipas ng ilang oras (hindi ko na alam kung ilan) napagod na ako sa paghahanap.

"Sigurado ka bang Leaves of Grass yung pinapahanap sayo?" tanong ko.

"Oo naman,." sagot ni Ree na mukhang siguradung-sigurado talaga siya.

"Paki-double check naman Ree." sabi nung alipunga.

"Teka lang, kukunin ko phone ko at papakita ko sa inyo..." sabi ni Ree at naghalungkat sa bulsa niya.

"Ay! Nasa bag ko pala yung phone ko, nasa may baggage counter chuchu sa may labas." sabi niya.

Siyempre, kailangan namin siyang samahan dahil baka mamaya may makasalubong pa 'tong multo paglabas niya.

"Guys, 'di ko mabuksan." sabi nung abnormal na medyo nagpapanic na.

Weak talagang abnormal 'to oh.

Lumapit ako sa pinto at binuksan--

 Ayaw bumukas.

Nilakasan ko yung paghila pero ayaw nga bumukas.

"Paano 'to buksan??" tanong ko sa alipunga. Lumapit naman siya sa pinto at sinubukan ding buksan.

Anak ng—! Pati siya hindi mabuksan!

"Cellphones niyo?" natataranta nang sabi ni Ree. Hinanap ko naman yung phone ko sa bulsa ko, gano'n din yung alip.

"Hindi ko nadala." sabi nung alip. Nang makapa ko na yung phone ko, agad ko 'tong binuksan

"Andito yung sa akin." sabi ko at nagsilapitan naman sila sa akin.

" sabi ko at nagsilapitan naman sila sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Wow

¤¤¤

Don't You DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon