viii

420 47 0
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Gumawa po ako ng vid for this storyy :))

Just go to the link below and then tadaa!! you can watch the vid :) 

https://www.facebook.com/profile.php?id=100011407628439

¤¤¤

-James' POV-

"Hinahanap mo si Ree?" tanong ni Steve.

"Bakit ko naman hahanapin yung abnormal na 'yun?" inis na sagot ko.

Bakit ba hindi nila ako matantanan sa Ree Li na 'yan? Ni hindi nga nagpaparamdam eh bakit ko pa iisipin, 'di ba?

"Aminin mo na kasi na nagkakagusto ka na sa kaniya." pang-aasar ni Steve kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Steve, gusto? Wala pa ngang buwan simula nang makilala ko yung babaeng 'yun tapos magugustuhan?"

"Time doesn't matter, pre."

"Ewan ko sayo! Isa ka pang abnormal." sagot ko nalang at naglakad na kami palabas ng lockers room.

"James He." Napalingon ako sa tumawag.

"Kyle Ho." sambit ko nang makita siya.

"MVP ka raw ng Wolves?"

"Yup. MVP ka ng Foxes, 'di ba?" sagot ko.

"You heard it right but MVP ng Wolves dati."

Tsk, ang yabang. Siya pala yung namimiss daw ng mga kateammates ko. Pambihira, wala pa 'to sa kalingkingan ng skills ko eh.

"I see." sabi ko nalang.

"Well, I just came here to say that I hope we'll have a good game."

"I hope so too." sabi ko at tinalikuran na siya.

"Ang tense nun, pre ah." sabi ni Steve.

"Wala naman sa akin 'yan. Weak 'yan, pre. Pustahan pa tayo." sagot ko.

¤¤¤

Jump Ball

Walangya talaga, center din pala 'tong mokong na 'to.

*prrrrttt!!!*

Anak ng—! Nakuha niya yung bola.

I can say na mabilis siya pero hindi naman nakukuha lahat sa bilis.

Pinasa niya sa ka-team niya ang bola.

This is my chance.

Nasteal ko yung bola sa pinagpasahan niya at nang maishoshoot ko na, nakuha ng shooting guard nila, shet. Binigay sa kaniya yung bola at tumakbo na siya papunta sa ring nila.

Binilisan ko ng takbo para mahabol siya.

Pero nagtres siya.


Natapos ang first quarter na 18-23.

Oo kami yung 18. Mas magaling siya sa akin mag tres at compared sa teammates ko, mas magaling ang Foxes. Mas magaling siya mang-agaw ng bola at mas mabilis. Magaling din mang-agaw ng bola yung teammates niya kaya mas madalas silang makascore.

Second Quarter, game mode on na kami pareho ni Steve pati na rin ang iba. Nagpa-sub si Kyle Ho.

Hindi naman namin hahayaang matalo kami, siyempre. Kahiya-hiyang pagkatalo 'to kung magkataon dahil kahit kailan ay hindi natalo ang Wolves.

Natapos ang second quarter ng 47-53. Oo, sila pa rin ang lamang at naiinis na talaga ako.

May nagsabing magpahinga na muna ako at sa last quarter na ulit pumasok pero hindi. Pumasok na ulit 'tong Kyle Ho na 'to at hindi puwedeng magpa-sub ako.

Sa bandang gitna ng laro, titira na naman ng tres si Kyle.

Hindi ko na 'to puwedeng hayaan! Masyado na kaming tambak para matambakan pa ulit ng isang tres.

Sa bilis ng takbo ko, hindi ko na napigilan ang pagtama ko kay Kyle kaya dumausdos siya sa lapag.

Pumito ang referee. Lahat ng tao nagulat, even me.

Agad siyang nilapitan ng teammates niya at tinulungan makatayo.

"Ang dumi mo maglaro." sabi pa ng isa niyang teammate sa akin.

Gusto ko ring tumulong sa kaniya pero hindi ako makagalaw.

Halata ang gasgas sa mukha niya, sobrang pula na para siyang sinampal ng sampung babaeng galit na galit.

Naupo siya pero hindi niya magalaw ang kanang braso niya.

Rinig na rinig ko bawat daing niya habang pinipilit nilang igalaw ang kanang braso niya. Parang sobrang sakit at sobrang naghihirap siya.

Lalapitan ko sana siya pero hinarangan ako ng isa sa mga teammates niya.

Para akong napahiya. Nag-iba lahat ng tingin ng tao sa akin. Pakiramdam ko lahat sila galit sa akin.

Gano'n ba kasama ang nagawa ko?

Aksidente lahat 'yun! Wala akong binalak na masama!

Pero yung mga tingin nila para akong pumatay ng tao.

Gano'n ba talaga nila kamahal 'yang Kyle Ho na 'yan?

Tumuloy ang laro pero nagpasub na ako.

¤¤¤

Uuwi ako na may dalang trophy. For the first time, hindi ako masaya.

Hindi ko alam paano nangyari pero panalo raw. Sobrang bilis ng lahat.

Papasok na sana ako sa kotse nang makita ko sina Ree, yung ka-teammate ni Kyle at si Kyle na may cast sa braso.

Nagkatinginan kami kaya lumapit ako.

"Hindi ko talaga sinasadya yung kanina—"

"Okay lang." putol niya sa eksplanasyon ko.

"It's part of the game." dagdag pa niya.

"Pasensiya na rin sa nasabi ko kanina." sabi ng lalaki na sinabihan akong madumi maglaro kanina no'ng ma-injured si Kyle.

"I'm Rae Li." sabi niya pero hindi inalok ang kamay niya.

" sabi niya pero hindi inalok ang kamay niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"At oo, kapatid ako ni Ree Li." sabi niya kaya napalingon ako kay Ree.

"Baby brother ko 'to." nakangiti namang sabi ni Ree.

Wow. So, one big happy family sila? Ang galing naman, parang ang epal ko dito.

"Ah sige, nice meeting you. Uwi na ako." sabi ko at naglakad na ulit papuntang sasakyan ko.

Yung Rae Li na 'yun parang walang nakakatuwa sa buhay niya. Kung makatingin akala mo papatayin ka na eh, parang aabangan ka lang sa kanto mamayang gabi.

¤¤¤

Don't You DareWhere stories live. Discover now