l

58 21 0
                                    

-James' POV-

"Sundan mo yung hangin."

"Ano!?" naguguluhang reklamo ko.

Itong alipunga na 'to, kung anu-anong kabaliwan pinapagawa sa akin nung isang araw pa.

Kinuha niya yung braso ko at winave-wave.

See?

Malakas na tama ng siraulong 'to.

"Tol, anong hinithit mo kagabi? Lakas ng tama ngayon, ah?" sabi ko sa kaniya.

Binitiwan naman niya yung braso ko at nag anu-ano siya.

Ewan ko, nagsasayaw ata siya?

Pero parang kung fu na nagwa-water bending na ewan eh.

May lumabas na... orange yata? Red orange na para siyang usok pero hindi para siyang liquid.

Ano raw?

Okay, hindi ko talaga madescribe. Ano ba 'yan?

"Spirit."

"Ano?" tanong ko.

"Mga spirit 'to. Spirit na namamahay sa katawan mo."

What the—tiningnan ko yung tyan ko.

May spirit dito??

Ay, tanga! Alangan, may spirit ako! Kung wala edi sana nakalutaytay nalang ako riyan sa lapag, 'di ba -.-

"Spirit ng Haleaux."

"May spirit ang Haleaux?" Tumango siya habang ginagawa pa rin yung ritwal niya.

"Para kang nag me-meditate pero super conscious ka sa lagay na 'to dahil mararamdam mo lahat ng bagay na gumagalaw sa area mo at sa mga malapit lugar." explain niya.

"Mararamdaman mo lahat ng kilos at malalaman mo kung anong ginagawa nila at iniisip nila." dagdag niya.

"Sige nga, anong iniisip ko?" tanong ko.

"Isa akong alipunga na nagsasayaw na parang praning."

Napapalakpak naman ako.

"Ang galing! Hulaan mo naman anong ginagawa ko."

"Binebelatan mo 'ko na parang bata," sagot niya.

Okay, nakapikit kasi siya and I have to admit, ang galing :>

Dinilat na niya ang mga mata niya at naglakad papunta sa akin.

"Woah, woah." sabi ko dahil lumapit siya sa akin eh andun pa yung kulay orange na red na parang usok.

"Hindi ka masasaktan niyan hangga't hindi ko gustuhin." sabi niya at nakahinga naman na ako nang maluwag.

"Hawakan mo." sabi niya.

Hinawakan ko naman.

Para siyang jelly na hangin.

Hindi siya totally hangin dahil mahahawakan mo siya pero wala siya shape. Para siyang usok na nahahawakan.

Bigla naman nang nawala.

"Bakit nawala?" tanong ko.

"Kasi ikaw na ang gagawa ng sa'yo,"

***
Hoho matututo na si James ng powers niya! :>

Anything in your mind about this story? Just comment! :>

Read Vote and Comment!!

'PlayfulEros~

Don't You DareWhere stories live. Discover now