Chapter 23 - The Lost Clan

Bắt đầu từ đầu
                                    

"Kung may pagsabog. Ibig sabihin, may sunog na sumunod."

Tumango sya sa akin. "May dalawang dumating, hindi ko makita ang mukha nila sa dilim. Masyado akong malayo sa lugar para madamay sa pagsabog. Pero inapula nila agad yung apoy gamit ang fire extinguisher. Maraming nagtaka kung anong nangyari noong gabing iyon pero wala namang naglakas loob na magtanong. Takot sila. Pinagsawalang bahala na lang nila ang narinig and start moving on with their lives. This gang don't care about their people. Alam kasi nila na kung may mawala man, madali lang makahanap ng bagong kapalit."

Mas maagang nakapunta si Julian dito kaya mas marami syang alam kaysa sa akin. Ayoko mang aminin sa sarili kahit ilang beses ko pang itanggi, pero tama sina Paul at Niel, malaki ang maitutulong nya rito. Gayunman, hindi ko pa rin maiwasang mag-ingat sa mga pinagsasabi nya. Hindi ko na maalis 'yun. Kung nagawa nyang magtraydor na isang beses, kaya nya ulit gawin iyon sa pangalawang pagkakataon. It is true that once a trust is broken, it will never be the same again.

**

Itinawag ko ang sitwasyon kanila Paul at Niel. Masyadong mahigpit ang NL7 sa bawat galaw nila. Masyado silang sigurista. Mali ako sa pag-aakalang magiging madali ang lahat sa oras na nakapasok ako rito. Hindi ko alam na mas lalo pa palang magiging komplikado.

Oo nga at minsan ko nang nakita ang tinatawag nilang Lethal 6 at 7 sa mga meeting sa Main, pero katulad ko ay itinatago rin nila ang sarili sa isang maskara. Hindi ko pa sigurado kung sila nga iyon o hindi. Maaaring nagpapanggap lang. Maaaring isang dummy na ginamit upang may tatayo kunwari na pinuno nila sa harap ng kanilang mga tao. Gayunman, kahit nasa publiko na silang lugar ay hindi pa rin basta-basta makakalapit ang sino man. Mayroon pa ring distansya sa ibang myembro.

Mas lalo akong nahihiwagaan sa kanila.

Tinawagan ako ni Nathan na dumiretso sa Black Savage Headquarters. Sinipat ko ang oras sa suot na relo. Alas sais ng umaga. Inilabas ko ang cellphone at muling tinawagan si Niel, ngunit sa pagkakataong ito ay sa ibang dahilan.

"Gising na ba sya?"

"Si Serene?" May narinig akong pagbukas ng pinto sa kabilang linya. "Tulog pa rin sya Jace."

"Huwag mo syang paalisin Niel. Kahit anong mangyari."

"Makakaasa ka." Huminto sya saglit. "Hindi ka ba pupunta rito agad?"

"Kailangan ako sa Black Savage."

"Bakit ba kailangang madaling araw kung kailan sya maaaring magising? Pwede mo namang ipagpagabi ang misyon mo kung saan tulog ang mga tao."

"Ito lang ang pinakamagandang oras na pumuslit sa loob ng kampo ng Notorious."

"Hanggang kailan mo ba sya ikukulong dito sa loob? Baka hinahanap na rin sya sa Notorious. Dyan sa Headquarters na sinasabi mo."

"Hindi na sya babalik doon. Hindi ko na sya ibabalik doon."

"Hindi mo maitatago si Serene sa mundo habang buhay Jace. Sabihin na natin ang totoo. Huwag mo na syang pahirapan. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo." Sumandal ako sa kalapit na pader at tumingala. Huminga ako ng malalim na akala mo pagod na pagod na ako sa mga nangyayari.

"Paano... kung tuluyan na nga nya akong nakalimutan Niel? Makakaya ko ba?" tanong ko na tila ba bulong sa hangin pero alam kong narinig nya iyon ng maliwanag. Natahimik sya at hindi nagsalita. Alam ko na higit sa sino pa man, sya ang nakakaintindi kung bakit ko pinapatagal ang lahat.

"Paano natin malalaman kung hindi mo susubukan?"

May sinabi pa sya sa akin at hindi ko na maalala kung ano ang mga sinagot ko. Matapos ang isang paalam, ibinaba ko ang cellphone at tinitigan lamang ang nakapatay nitong ilaw. Ang tapang-tapang ko pero bakit dito, naduduwag ako?

Listen To My LullabyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ