"Mga pangit! Laro na nga lang muna tayo habang naghihintay sa iba." Sabi ni Elaiza at naglakad na sila ni Ivan papasok sa timezone. Sinundan naman namin. Asar na asar talaga siya sa 'maganda' thingy na pinagsasabi ko.

"Tayo pa ba ang nandito? Ba't wala yung iba?" Tanong ni Sam habang naghahanap kami ng magandang paglaruan. Bumibili pa kasi sila Elaiza ng card para makapaglaro kami. Dapat libre niya ang laro at pagkain ngayon! Birthday niya eh.

"Si Martina may volleyball practice. Kasi kasali sila sa regionals. Tapos sila Adelfa at Tonet nasa Comic Alley alam mo naman mahilig yun sa Anime. Si Angelica naman hindi pinayagan ng papa niya." Sa classroom kasi kahit may girl dags na ay hindi parin namin binabalewala yung mga babae naming mga kaklase hindi namin sila bestfriend kundi close friend lamang. Magkaiba naman siguro yun di ba?

"Tara laro na tayo!" Excited na sabi ni Elaiza at nag swipe na ng card sa basketball.

Pagkatapos ng basketball ay dun naman kami sa hulog piso basta yun na yun tapos sa car racing, just dance kahit hindi naman marunong sumayaw, sa spin the wheel tapos sa pambata na basketball. Napagtrippan eh. Nakabalik na si Adelfa at Tonet, napagod nalang kami dahil mag-iisang oras na sa kakalaro pero anino nila Sittie at KC wala pa.

"Guys, asan na ba sila?" Inip na inip na tanong ni Elaiza. Sinabi kasi na kumain nalang ng una dahil darating din naman yung dalwa tsaka sa eat all you can naman kakain eh. Pero gusto niya na sabay-sabay.

"Teka, tatawagan ko muna si Sittie. Gutom narin ako eh." Kinuha ni Sam ang cellphone niya at lumabas muna ng timezone para makapagusap sila ng mabuti ni Sittie.

"Alam mo Elaiza kung hindi pa tayo maglu-lunch bumili ka nalang muna ng makakain namin." Kumunot ang noo niya.

"Aba't wala ba kayong pera?"

"Akala ko libre mo lahat ngayon. Daya mo naman!" Kinati ni Elaiza ang ulo niya.

"Inuubos niyo pera ko!" Lantaya niya saakin habang kinukuha yung pera niya pero pinigilan siya ni Ivan at sumingit sa usapan.

"Ako nalang ang magbabayad, bae. Samahan mo nalang ako." Kuminang ang mga mata ko.

"Hulog ka ng langit, Ivan! Sige na gutom na kami dito." Ngumisi lang si Ivan. Hinawakan niya ang kamay ni Elaiza para makabili na ng pagkain pero bago makalabas ay may sinabi pa ang feeling maganda saakin.

"Sa birthday mo Chuchay! Mas marami pa ang ililibre mo saakin! Tingnan lang natin!" Tumawa ako tsaka siya tinulak paalis.

"Psh. Hindi ka invited sa birthday ko! Gutom na ako alis na kayo!" Hinila na siya ni Ivan palabas pero rinig ko parin ang pagmamaktol niya.

"Walang hiya talaga!" Tawa ako ng tawa dito. Para akong baliw. Pinuntahan ko nalang muna sila Adelfa, Tonet at JV na naglalaro ng bowling. Tili sila ng tili pag mapatumba nila ang lahat gamit ang bola. Binabatukan ko nga eh kasi nakakaagaw na kami ng pansin.

"Sumasakay na sila ng escalator patungo dito." Naalala ko bigla sila Elaiza at Ivan na bumibili ng pagkain ngayon. Masasayang yun dahil nandito na sila KC at Sittie.

"Haha! Nice game!"

"Grabe yung 3 points mo kanina, JB!"

"Dami ring chix! Haha!"

Napalingon kami ni Sam sa mga lalakeng bagong dating. Sobrang ingay nila tapos may isang iniikot-inkot ang bola sa daliri, ang isa naman ay panyo tapos puro sila naka jersey lahat at may nakalagay na Angels sa mga damit nila.

"Teka, sila yung mga varsity players sa Senior High School ng Angelicum." Salita ni Sam sa gilid ko. Hindi ko siya pinakinggan dahil nakatutok ako sa isang lalakeng naka t-shirt tapos nakasapaw sa taas ang jersy niya habang pinupunasan ang kanyang mukha ng towel. Tinitigan ko talaga siya ng mabuti hanggang sa narealize kong siya nga iyon!

Best Friend GoalsWhere stories live. Discover now