Kabanata Tatlumput Lima

2K 93 10
                                    

Hi mga mahal kong readers, heto na po ang isa sa pinakahuling kabanata ng buhay paglalakbay ni Oman at Owen. Nakakalungkot po magtatapos na naman ang pangatlo kong kuwento. Hindi ko po lubos maisip na nagawa kong matapos ito na pinagisipan ko lang ang plot sa loob ng ilang oras matapos kong mapanood ang isang old english movie at nang magpunta ako ng park para magmuni muni ay may nakita akong matanda. Doon po nabuo ang plot ng kuwento at agad kong ginawan ng cover.

Salamat, salamat sa inyong lahat.

_lady_lyn_
GeoMarLou
jessaya_chan91
PrettyBrokenEyes

Thank you. :)
------------------------------------------------------

 :)------------------------------------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


May 20, 2016 Cubao Bus Terminal, 7:00 PM

Owens POV

Heto ako ngayon sa bus terminal. Destinasyon? Well Bicol hehehe. Excited na ako magbalik probinsiya. Naayos ko na ang relasyon ko sa pamilya ko at sa katunayan kasama namin si ate at si kuya. Maghahatid din daw sila sa akin.

" Are you sure anak na kaya mo na? Bakit naman kasi bus pa puwede ka naman mag eroplano para madali."

" Pa, ok lang po. Gusto ko ito at gusto kong maranasang bumiyahe mag isa. Kung inaakala nyo po na maiinip ako sa haba ng biyahe? Hindi po. Dahil kahit mabagal man po ang oras ay mahalaga ang bawat segundo o minuto nito sa ating buhay."

" Lalim nun bro ah!"

" Wala kuya eh. Mas matalino na ako sa inyo ni ate eh. Hahaha."

" Baliw! Umayos ka dun Owen ha! Wag kang luko luko dun kay lola."

" Wag ka ate! Nakausap ko si lola, maloko din sa edad niya. Magkakasundo kami nun. Hahaha."

" Marahil dun ka kay tita nagmana anak hahaha!"

" Paano pa, ma,...babay na po muna. Alam kong malulungkot kayo pati ako. Pero gusto ko po ito at may pangako ako kay lola."

" Alam mo anak, napaka proud ko sayo....ngayon ay alam mo na ang salitang paninindigan. Masaya kami na sa murang edad mo ay nag matured na ang pag iisip mo."

Niyakap ko isa isa ang pamilya ko at bago ako sumakay ng bus...

" Huwag po kayong mag alala ma, pa....sa pagbabalik ko matured na matured na po talaga ako....at may dala na akong asawa hahaha!"

Binatukan ako ni kuya at sinabunutan ako ni ate na ikinatawa ni mama at ate.

" Umayos ka bro! Uunahan mo pa akong mag asawa!"

" Wala kuya eh mahina ka puro ka kasi libro. Mag night life ka naman hahaha."

" Tado! Sakay na aalis na ang bus!"

THE GLASSHOUR 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon