Kabanata Isa

10.2K 232 58
                                    

Abril 1, 1941

Sa isang baryo, sa isang bayan sa lalawigan ng Albay. Ang mga mamayan ay maagang nagigising sa pagsisimula ng araw. Pagsasaka pagkokopra at pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao kung saan doon nila kinukuha ang mga pang araw araw na pangangailangan. Iilan lamang ang may kaya sa buhay kung saan sila din ang nagmamay ari ng ilang lupain na pinapaupahan sa ilang magsasaka. Ang ilan naman ay dumadayo pa sa ibang lugar para makapaghanapbuhay. Mabagal man ang takbo ng oras ay mahalaga ito sa mga mamamayan para sa gawaing nakalaan sa kanila.

Ang pamilyang Burce ay isa sa pamilyang naninirahan sa baryong iyo. Ang mag asawang Burce ay may apat na anak. Si Fernan, Roman, Remedios at ang bunsong si Alfonso.

Maagang ginising ng kanilang ina ang dalawa nitong anak na lalaki. Ang panganay na si Fernan ay kasalukuyang inihahanda ang mga dadalhin niya sa sinasakang bukid. Ang pangalawang si Roman ang maiiwan sa bahay para sa ibang gawain sa dahilang mga bata pa ang dalawa nitong kapatid.

" Roman, magmata na ta aga na!" ( Roman, gising na at umaga na!)

" Mamay, taud-taud na, nagkakaturog pa, saka madiklum pa sa luwas." ( Mamay, mamaya na, inaantok pa ako, saka madilim pa sa labas.) Mahinang reklamo ni Roman marahil inaantok pa ito.

" Dai kana magparareklamo dyan, ta si papay mo, maagang maali, maduman sya sa ibang banwa ta ayu duman trabaho. Ang mga tugang mo marata na barang. Magbungkaras ka na dyan ta mamahaw na!" ( Huwag ka nang maraming reklamo dyan, kasi pupunta ang papay mo sa kabilang bayan para magtrabaho. Ang mga kapatid mo gising na. Kaya bumangon ka na dyan para mag almusal.)

" Iyo tabi mamay." (Opo mamay).

Agad bumangon si Roman at inayos ang pinaghigaan at binuksan ang bintanang pawid at tinukod ng isang kahoy. Agad pumasok ang sariwang hangin galing sa malawak na bukirin na natataniman ng mga palay at mais kung saan makikita ang matayog na bulkang mayon. Nagsisimula nang tumilaok ang mga manok at sumisilip na ang araw sa may taas ng mga bundok.

Paglabas nya ng kanyang silid ay agad syang dumiretso sa hapag kainang kawayan at upuan kung saan nandoon na ang kanyang ama at mga kapatid, ang kanyang ina naman ay nasa kusina.

" Marhay na aga tabi papay."(magandang umaga papay)
Agad nagmano si Roman sa ama.

" Roman maaga akong aalis, susunduin ako ng tiyuhin mo, may trabahong naghihintay sa amin sa bayan ng Daraga. Kaya umaasa ako na aalagaan mo ang mamay mo at mga kapatid mo. Mga tatlong buwan kami doon. Kailangan ko itong gawin para sa pag aaral ng nyo kuya mo sa bayan. Gusto kong makapagaral ka ulit,hayskul at katorse ka na. Mahalaga ang edukasyon anak."

" Opo papay naiintindihan ko po." Sagot ni Roman sa ama.

" Buwan buwan ay uuwi pa rin ako para sa mga pang gastos nyo. Sa ngayon mais ang itatanim natin sa bukid dahil taginit na. Umaasa akong magtutulungan kayo ng kuya mo at mga kapatid mo. Madaming bigas pa naman tayong nakaimbak sa bodega. At may mga pagkukunan tayong mga manok at baboy. Yung mga kalabaw wag nyong pabayaan Fernando. Gabayan mo itong si Roman para matuto ng maayos."

" Opo papay, ano po bang magiging trabaho nyo sa Daraga?" Tanong ng panganay na anak na si Fernando.

" Sa Baranggay Salvacion yun anak, pagawaan ng mga rattan at abaka na hinahabi."

" Hindi ba ako puwedeng sumama dun papay para magtrabaho din?"

" Hindi puwede anak, walang maiiwan sa bukid. Hayaan mo na kami ng tiyuhin mo. Kailangan ka dito ng nanay at mga kapatid mo."

Hindi na umimik si Fernando at ipinagpatuloy ang pagkain ng agahan. Isang simpleng agahang tuyo, sinangag, mainit na tsokolateng tabrilya at ibos.

Sarap na sarap sa almusal ang magkakapatid. Habang ang ina ay inihahanda ang baon ng asawang maglalakbay. Adobong native na manok at pritong dalag na ibinalot sa dahon ng saging.

Pagkatapos ng agahan kung saan sumisilip na ang bukang liwayway ay agad na bumaba si Roman para tulungan ang ama para ayusin ang sasakyang kalesa hila ng kabayo. Agad nilang inilagay ang mga dadalhin sa loob ng kalesa.

Makikita naman ang ibang magsasaka sa kanilang baryo na naglalakad sa kalsadang lupa at mabato hila ang mga kalabaw patungo sa kani kanilang sinasakang lupa.

" Papay malayo po ba ang salvacion?"

" Malayo anak. Sa ginagamit nating paraan ng transportasyon ay baka hapon na kami makarating."

" Bakit hindi na lang kayo sa bayan sumakay, may oto naman doon na maaring maghatid sa inyo sa bayan ng Daraga."

" Roman dalawang oto lang yun. Isa bibyahe ngayong umaga at siguradong puno na, at isa ay mamayang tanghali pa. Mas makakabuti na ito may sarili kaming sasakyan ng tiyuhin mo."

" Kunsabagay tay. Alam nyo tay, naririnig ko sa transistor natin ang mga balita at drama. Maganda pala sa maynila at madaming mga sasakyan doon."

" Madami talaga anak kasi maynila yun sentro ng Pilipinas. Kapag nakatapos kayo ng hayskul sa bayan maaari kayong makapag kolehiyo doon, may kapatid ako na nakatira sa Pasig. Kaya ikaw siguraduhin mo na magiging maayos pag aaral mo sa unang taon mo sa hayskul sa pasukan. Madaming kabataan dito sa baryo natin ang hindi nakakapagaral sa bayan."

" Opo papay."

" O sya tawagin mo nang mamay at mga kapatid mo at kamiy yayao nat mahirap maglakbay na kasagsagan ng init."

Agad tumalima si Roman para tawagin ang mga kapatid at ina. Nagpaalaman sila at nagsimula nang maglakbay ang ama at ang tiyuhin nila.

Pamasok na sa loob ng bahay ang mag anak at dumiretso sa kani- kanilang gawain. Inihanda ni Fernando ang dadalhin sa bukid, si Roman naman ay tumulong sa ina sa gawaing bahay at nagligpit ng mga gamit. Ang dalawang bata naman ay nag walis sa bakuran at nag igib ng tubig sa balon sa di kalayuan ng bahay.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.......
------------------------------------------------------

Stop ko muna yung salitang bicol hehe. Baka maubusan mahirap magtranslate. Sana po ay magustuhan nyo din ito. Magsisimula na po ang oras ng pagtatagpo ng dalawang karakter sa magkaibang panahon.

THE GLASSHOUR 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon