Kabanata Sampu

2.2K 105 5
                                    

Biglang nagising si Owen ng marinig nyang may naguusap sa may labas ng silid. Kung hindi sya nagkakamali ay ang dalawang batang si Remedios at Alfonso.

Bumangon na agad ito ng makita nyang wala na rin sa higaan si Fernan at Oman. Tinignan nya ang relo sa bisig at alas otso na pala ng umaga. Inayos nya ang pinaghigaan at dumungaw muna sa bintana. Napangiti sya sa kapayapaan ng paligid.

Lumabas sya ng kuwarto at nakita nyang nakaharap sa isang kalendaryo ang dalawang bata.

" Haloy pa pala magabot si papay...(matagal pa dadating si papay)."

" Alfonso, kahapon pa lang sya umalis kaya matagal pa talaga. Sabi ni papay uuwi sya makaraan ang isang buwan."

Nanlaki ang mata ni Owen ng makita ang Kalendaryo.

" WHATTTTT?!! APRIL 1941??!!!"

" Bakit manoy may mali sa kalendaryo?" Tanong ni Remedios.

Bigla namang pumasok si Oman na galing sa pag igib ng tubig."

" Bakit ka sumigaw owen may problema ba?"

Titig na titig si Owen sa kalendaryo.

" Anong petsa ba ngayon bro?"

" Abril dos na."

" 1941?!!"

" Oo bakit, ano ba sa akala mo 1942 na, natulog ka lang mukhang naalog na ang iyong utak haha."

" Ah eh hindi naman."

" Maanong magayos ka muna ng sarili at magalmusal na tayo. Nasa kusina si mamay."

Owens POV

Ano itong napuntahan ko?. Oo nasa ibang panahon ako at lugar. Pero hindi ko akalain na 1941 ang taon na ito. Nakakabaliw naman ito. Wala akong alam sa mga pangyayari sa taong ito maliban sa...

" WORLD WAR 2 !!"

" Ano yun Owen?"

" Ah wala po mamay...magandang umaga po."

Hindi mapakali si Owen sa alalahaning nagsimula ang panahon ng hapon sa Pilipinas 1941. Naituro naman yun sa klase noong elementarya sya ngunit hindi nya matandaan kung kelan nagsimula.

Nabagabag siya sa mga naalala sa klase na naituro ang mga naganap sa panahon ng hapon. Ngunit sa nakikita nyang sitwasyon sa kasalukuyan ay tila wala namang pagbabago.

Muli ay nanariwa sa kanyang diwa ang naganap bago sya napunta sa panahong napuntahan nya. Ang mga sinabi ng matanda, ang mga dapat at hindi dapat. At ang magiging kasagutan kung paano sya makakabalik sa dati nyang panahon. Nanlumo si Owen sa isiping iyon. Nababagabag sya lalot nasa panahon sya kung saan bangungot na itinuring ang mga pangyayari.

" Owen halikana na rine para makapagalmusal na kayo. Si Fernan nasa bukid na. Abay naku! Dala dala mga bigay mong komiks at ipagyayabang yata sa mga amigo(kaibigan) nya sa bukid."

" Hayaan nyo na po mamay. Minsan lang naman yun. Punta po muna ako sa banyo."

" kubeta?"

" Opo."

" Nasa labas pasama ka kay oman para alam mo."

" Nakita ko na po kagabi. Puntahan ko na lang po."

Pinuntahan nga ni Owen ang cr at nakita nyang kakaiba ito sa kinagisnan nya. Ibang iba talaga ang itsura. Pero maayos naman at malinis. May drum na lata na may tubig. Pagkatapos mag cr ay tumuloy na sya sa kusina para mag agahan.

" Owen mamaya punta tayo sa may likod. Aayusin ko kasi yung mga kulungan ng mga manok na nasisira na yung mga dingding. Mangunguha din tayo ng mga kawayang gagamitin dun sa may dulong likod may sapa dun may mga kawayan."

" No problem bro, sige sama ako."

Pagkatapos mag agahan ang dalawang bata naman naglinis ng bahay at ang ina ay pumunta ng palengke na sumakay sa kalesa na huminto sa tapat ng bahay na pag aari ng isang kapatid nito.

Habang nasa may sapa at nagpuputol ng kawayan si Oman ay napansin nito ang pananahimik ni Owen.

" May bumabagabag ba sayo owen? Napakatahimik mo simula kaninang agahan. Kahapon naman masyado kang maligalig."

" Wala ito bro. Naninibago lang siguro ako sa kapaligiran."

" Mukhang hindi ka nga sanay sa ganito. Bakit ka nga pala dito mo naisipang pumunta sa lugar namin?"

" Mahabang kuwento bro. Wag na nating pagusapan. Ang mabuti pa putulin na natin lahat yan para madami tayo magamit.

" Hindi maari Owen. Yung tama lang na gagamitin natin. Sayang naman kapag nabulok yung iba na di na gagamitin. Kung kulang naman makakabalik pa naman tayo."

" Ok sabi mo eh......bro...hindi ka ba nababagot sa buhay mo dito."

" Ha?! Ano bang klaseng tanong yan. Walang kaming nararamdamang pagkabagot dito sa buhay namin na ganito. Ganito na talaga nakagisnan namin simula pa noon. Oo may mga pangarap kami sa buhay na makaahon sa hirap. Kaya nga nagpupursigi ang aming papay na mapabuti ang buhay namin. Kami naman ay ginagawa ang dapat naming ginagawa bilang mga anak nila."

Tumigil sa kanyang gawain si Oman at tumabi sa pagkaupo kay owen sa isang malapad na bato na nasa gilid ng sapa.

" Mukhang nababagot ka na agad? Puwede ka namang bumalik sa pinanggalingan mo kung gugustuhin mo."

" Ha?! Naku ha hindi ako nababagot. Masaya nga dito, kahapon lang ako dito pero nakita ko na kung gaano kasimple at kapayapa ang pamumuhay nyo dito. Walang pressure at malayo sa polusyon."

" Ikinukumpara mo ba ang buhay mo dito sa buhay mo sa maynila?"

Hindi sumagot si Owen.

" Alam mo, wala sa lugar ang pagkakaroon ng payapang buhay. Nasa tao yun owen. Ang tao ang din kasi ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng gulo sa ating paligid. At tayo din ang dahilan kung bakit minsan magulo ang ating buhay."

" Ewan ko ba, bahala na. Mahalaga maayos naman buhay ko dito. Wag kang mag alala bro ok lang ako. Wag kang mag alala. Tapusin na natin yan para madala na natin sa bahay."

Nang matapos putulin ang limang pirasong mahahabang punong kawayan ay agad itong pinasan ng dalawa para sa bahay na nila puputulin.

Agad kumuha ng maiinom na pepsi sa tapayan si Owen at binigyan din si Oman.

" Galing ng kuya mo bro. Malamig nga ang pepsi hahaha."

" Alam mo bang bihira kami makainom ng ganito. Mahal kasi at hindi rin maganda sa katawan na masanay kang uminom nito."

" Bote lang naman ito bro, di naman drum haha."

" Pilosopo ka!"

Matapos makapahinga ay binalikan na nila ang gagawing kulungang ng manok. Dumating ang mamay nila at nagluto ng tanghalian. Ang dalawang bata naman ang nagdala ng tanghalian kay Fernando sa bukid dahil abala pa ang dalawa sa pagkumpuni ng kulungan ng manok.

Hapon na nang matapos nila ito at naligo matapos makapagpahinga para sa hapunan.
.
.
.
.
.
Itutuloy......
-----------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon