Kabanata Dalawamput Tatlo

2K 99 38
                                    

Disyembre 8, 1941

" Mamay, mamay! Nabalitaan nyo na ba?"

" Ano yun Fernan?"

" Balitang balita na po sa bayan ang ginawang pambobomba ng mga hapon sa hawaii. At lubhang grabe po ang nangyari. Libo libo daw po ang namatay kahapon."

" Diyosko mukhang magkakatotoo na ang pangamba ng mga tao na magkaka giyera."

" May mga balita na nga daw po na unti unti na silang umuusad papuntang pilipinas lalo na yung mga barkong pandigma nila. Ang iba ay nakarating na sa may dulong bahagi ng Pilipinas. At ang ilang eroplanong pandigma ay nagsimula ng mambomba sa ilang lugar dito sa Pilipinas."

" Mamay, lubha pong nakakabahala ang mga sinasabi ni manoy fernan."

" Mabuti pa makinig tayo sa radyo mga anak, para lubos nating maunawaan ang nangyayaring ito sa ating bansa."

Binuksan ni Oman ang radyo at sama sama silang nakinig ng mga balita ukol sa pananakop ng hapon sa Pilipinas na kasalukuyan ng nangyayari.

Takot at pangamba ang naramdaman ng lahat. Si Owen ay tahimik lang na nakikinig sa pinaguusapan ng pamilya. Marami siyang gustong sabihin na maaring makatulong sa pamilya ni Oman. Ngunit napipigilan siya ng alalahaning ang lahat ng nangyayari ay nakatakda. Ito na marahil ang sinasabi ng manlalakbay na babago sa buhay ng mga pilipino. Ito na ang takdang panahon para sa kanya kung makakabalik ba siya sa kasalukuyan o mananatili sa kahapon na tuluyang ikakabago ng buhay sa hinaharap ng mga taong kasama nya at ang malaki ding pagbabago ng mga taong kasama niya sa kasalukuyan.

Lubha siyang nabahala at naguluhan. Mahalaga na sa kanya ang mga taong kasama niya ngayon. Pero mahalaga din sa kanya ang kasalukuyan. Kapag nagdesisyon siyang manatili kapag walang magbigay sa kanya ng orasa ay mamamalagi na siya sa panahong iyon. At ang malala pa ay maari siyang maglaho kung hindi maganap ang nakatakdang maganap sa buhay ng bawat isang tao na kasama niya.

Owens POV

Sino kayang magbibigay sa akin ng orasa? Makabalik pa ba ako o mananatili rito? Si Carmen, sina mamay,oman, kuya fernan, at ang dalawang bata paano sila kapag nagka giyera na. Ngunit kailangan kong lumisan sa lugar na ito. Hindi dapat ako maging balakid sa magaganap sa kanilang buhay. Hahanapin ko na lang sa ibang lugar ang kapalaran ko at hintaying may magbigay sa akin ng Orasa.

" Owen anong balak mo? Hindi sa ipinagtatabuyan na kita. Pero magkakagiyera na, hindi ka ba nababahala sa mga magulang mo at ibang mahal mo sa buhay sa maynila?"

" Nababahala din ako bro, natatakot sa maaring idulot nito sa atin."

" Ako man ay labis na nag aalala. Paano kami kapag nagkagiyera."

" Tandaan mo ito bro, anumang mangyari sa mga darating na araw ay kailangang magpakatatag ka. Ikaw at ang kuya mo ang magiging tagapagtanggol nina mamay."

" Salamat owen, pero paano ka?"

" Sa susunod na mga araw kapag palala ang mga nangyayari ay lilisanin ko na ang lugar na ito. Babalik na ako sa maynila kina mama at papa."

" Sana hindi makarating dito sa Bikol ang mga hapon. Nakakatakot daw ang mga iyon."

" Alam ko oman. Kaya dapat paghandaan mo ang kung anumang mangyari."

" Dapat pala ngayon pa lang naghahanda na kami at ikaw sa pagbabalik sa maynila."

" Sige sabihin natin kay mamay. Mahalaga na dapat ay handa tayo."

Sa nagdaang araw ay naging abala sina oman sa napipintong paglikas sa kabundukan kapag lumala ang sitwasyon. Nagimbak sila ng mga pagkain na isinakay sa paragos at sa kalesa. Naghanda rin sila ng ilan pang kakailanganin sa pananatili sa bundok. Ang lahat ng tao sa baryong iyon ay halos pare pareho ang ginagawang paghahanda sa paglikas. Dumating din si carmen na lubhang nababahala dahil hindi kasama ang ama dahil napunta ito ng maynila kaya maging sila ay naghanda rin sa paglikas kasama ang ilang kamaganak patungo ng maynila kung saan nandoon na rin ang ama.

THE GLASSHOUR 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon