Kabanata Labing Anim

1.9K 88 4
                                    

Malayo na ang natakbo ni Owen nang makakita siya ng isang kubol sa gitna nang bukid ay agad niya itong tinakbo at pumasok sa loob. Katanghaliang tapat at ang araw ay hindi na gaanong kainitan dahil malapit na ang panahon ng tagulan.

 Katanghaliang tapat at ang araw ay hindi na gaanong kainitan dahil malapit na ang panahon ng tagulan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hinubad niya ang damit at ipinunas sa pawis at dugo sa mukha.

Owens POV

Sakit nun ah! Di man lang ako nakabawi. Pero alam ko kasalanan ko din. Naging mainit agad ang ulo ko. Sana pala kinausap ko na lang siya ng maayos para nagkaintindihan kami. Hindi akalain na pagbuhatan nya ako ng kamay. Marahil sa bugso ng damdamin ay nagawa niya iyon. Bakit kaya diko magawang magpakahinahon sa isang bagay?, nakakainis! Maging dito ay nadadala ko ang ugaling iyon.

Paano pa ako makakabalik sa dati kung ganito ang nangyayari at ginagawa ko at tila nagbabago ang nasa paligid ko pati tao. Hindi ito maari kailangang maiayos ko ito sa lalong madaling panahon. Kung ang pagsakripisyo ng aking nararamdaman ay gagawin ko para hindi lang magulo ang ngayon at hinaharap.

Kailangang magkaayos kami ni Oman.

Nanatili pa dun sa kubol si Owen at tila hindi nya nararamdaman ang gutom kahit lagpas tanghali na. Iniisip nya ang lahat na nangyayari ngayon sa kanya at sa darating mga araw na tila papalapit na sa araw na sinabi ng manlalakbay ng panahon.

Walang ano ano ay may nagsalita sa likod niya....

" Dito ka lang pala..."

Hindi umimik o lumingon man lang si Owen. Alam niya kung sino ang nagsalita.

Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa balikat. Sabay upo at tila walang gustong maunang magsalita...hanggang sa.....

" Pasensya kana sa nagawa ko kanina. Nadala lang ako sa bugso ng damdamin ko. Hindi ako galit sayo....naninibugho ako yun ang totoo. Tama ka mahal ko si Carmen noon pa mang makaramdam ako ng iba sa kanya. Ngunit pinipigilan ko."

" Sorry din Oman. Naasar kasi ako sayo. Diko alam kung galit ka kasi di ka nagsasabi. Yun pa naman ang ayaw ko."

" Nahihiya kasi akong aminin ang tunay na nararamdam ko kay carmen sayo kasi batid kong may pagtingin ka rin sa kanya. At sa palagay ko ikaw ang nasa puso niya."

" Sumusuko ka na ba sa nararamdaman mo?"

Hindi umimik si Oman.

" Huwag kang susuko! Ituloy mo lang yan bro. Huwag kang mag alala sa akin. Alam ko kung saan ako lulugar sa sitwasyong ito. Ikaw ang nararapat sa sa kanya at hindi ako na isang dayo sa lugar na ito. At balang araw aalis din ako. Hindi ito ang panahon para sa akin at sa aking nararamdaman. Ang lahat sa akin ay may tamang oras at panahon."

" Anong ibig mong sabihin?"

" Hindi mo ako maiintindihan sa ngayon. Sana dumating ang araw na iyon ay maiintindihan mo rin. Kaya kung ako sayo...gawin mo lang ang nararapat para sa pagibig ni carmen."

" Paano ka?"

" Huwag mo akong alalahanin bro. Kaya ko ang sarili ko."

Kasabay nun ay may namuong luha sa mata ni owen. Dahil batid niya sa sarili niya na tila iniibig na nga niya si Carmen.

" Pero bakit ka tila naluluha?"

" Ano ka ba bro, mainit ang panahon kaya naluluha ako."

" Bua-Bua!(baliw) di mo ba napansin biglang dumilim ayan o may mga maitim na ulap at tila uulan na. Ito ang unang ulan pagkatapos ng mahabang tagaraw."

" Oo nga matutuwa ang mga magsasaka nito hehe."

" Pano bro? Bati na tayo ha? Wala nang lihiman?"

" Sinabi mo eh!"

Agad na nagshake hands ang dalawa at nagyakapan na tapik ang balikat.

" Mamaya na tayo umuwi, umaambon na. Makinig na lang tayo ng music."

" Sige."


" Ganda ng awiting iyan Owen napapanahon ngayon. At saka magaan sa tenga pakinggan."

" Ah oo, paborito ko kasi ito patugtugin kapag umuulan."

Nanatili pa doon ang dalawa hanggang sa lumakas ng tuluyan ang ulan.

" Bro mabuti pa maligo na lang tayo sa ulan bago umuwi? Dali lika na!"

Agad tumakbo si Owen sa gitna ng bukid na tumatalon talon pa na tila bata. Agad naman sumunod sa kanya si Oman na patalon talon din. Ilang saglit pa ay naglaro na sila sa putikan sa bukid hanggang sa nagbatuhan na sila. Punong puno ng putik ang katawan nila ngunit tila balewala sa kasiyahang nararamdaman sa paglalaro sa ulan. Hindi nila namamalayan na huminto na pala ang ulan. Sa pagkakataong iyon ay kailangan na nilang umuwi. Agad na kinuha ni Owen ang cellphone nya sa kubol at ibinalot sa hinubad na damit. At muling naghabulan ang dalawa papunta sa kalsada pauwi sa bahay nila sa pagtakbo ay naabutan pa nila si Fernan na hila ang kalabaw at pauwi na rin. Agad na umandar ang kalokohan ng dalawa at pinahiran ng putik sa mukha si Fernan na na ikinabigla nito. Napangiti na lang si Fernan sa ginawa ng dalawa dahil batid niya nagkaayos na ito matapos ibalita sa kanya ni Wilfredo ang pangyayari. Pagdating naman ng bahay ay napapangiti na lang ang mamay nila sa nakikitang pagaasaran ng tatlong lalaki. Nakakunot noo naman ang dalawang bata na tila nagtataka sa nangyayaring kasiyahan ng tatlong kuya.

.
.
.
.
.
Itutuloy........
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon