Kabanata Dalawamput Siyam

1.8K 88 33
                                    

Sa isang isang tila musoleo ay huminto ang maglolo. Sa loob ay makikita ang apat na nitso. Apo siya ang lola mo.

                           R.I.P
        VERONICA BREDES BURCE
           BORN : AUGUST 8, 1927
       DIED : NOVEMBER 25, 2000

" Veronica!!"

Natigilan si owen sa nakita dahil alam niya kung sino ito. Kaya tinanong niya kung sino si veronica sa buhay ng lolo niya. Sa kabila ng alam niya kung sino talaga ito.

" Oo apo Veronica ang pangalan ng lola mo. Kababata din namin siya ni Carmen at Wilfredo. Maganda rin si Veronica katulad ni carmen. Nang panahong hapon ay kasama naming naglakbay para lumikas ang pamilya ni Veronica sa bundok. Kasama ang ilan nilang kamaganak at ang panganay niyang kapatid na si Alejandra. Dalawa lamang sila. Matagal kaming nagkasama sa bundok at sa mga panahong iyon ay alam na rin niya ang sinapit ni carmen na matalik niyang kaibigan. Kaya noong panahon ding iyon ay kinalbo silang magkapatid ng ina nila."

" Bakit po?!"

" Ginawa silang mukhang lalaki para daw kung may hapon mang makakita sa kanila ay di iisiping babae sila at maaring makaiwas sa kapahamakan."

" Pano nyo po siya naging asawa?"

" Nang mamatay si Kuya Fernan ay nandito na rin kami ulit sa baryo kasama ang ilang mga dati ring kababaryo. Ang iba ay nanatili pa rin sa bundok. Si Veronica ang lagi ko nang nakakasama ng panahong iyon. At mas lalo na kaming nagkakapalagayan ng loob. Nalaman ko rin na may pagtingin siya sa akin mula pa noon. Bago mag Disyembre 1944 ay kalat na sa buong bayan na parating na ang mga amerikano. At di nga nagtagal ay dumating  sila kaya ang mga hapon ay napilitang umatras sa mga kampo nila lalo na sa mga bayan. Tuluyang nakalaya ang mga Pilipino ng 1945. At nang taong ding iyon ay nagpakasal na kami ni Veronica maski ng 1944 ay nagsasama na kami. Ipinanganak ang lolo mo panganay namin ng Pasko ng 1945 kaya ang pangalan niya ay Crisanto Burce. Nasundan pa ang mga anak namin at lima sila lahat. Minahal ko si Veronica dahil hindi siya mahirap mahalin. Alam niyang si Carmen ang una kong pagibig na lubos naman niyang nauunawaan."

"  Ang galing naman lo ng kuwento ng pagibig ninyo. Ano pa po ang nangyari ng panahong iyon?"

" Isa pa pala si macario ay kinupkop na namin at tumira sa bahay namin. Ayaw daw niyang mapagisa sa malaking bahay nila. Pero isang araw kung saan malayang malaya na talaga ang Pilipinas sa mga Hapon ay dumating ang papa niya. Hindi ito makapaniwala sa sinapit ng magina niya at labis labis ang hinagpis nito. Nalaman din namin na nakapiit pala ito ng halos tatlong taon sa internment camp sa unibersidad ng sto tomas sa maynila kasama ng iba pang mga dayuhan na nahuli sa maynila. Isang desisyon ang ginawa niya ng panahong iyon para makalimot sa lahat ng pangyayari dahil naawa sa anak niyang si macario na binabangungot pa rin sa gabi ng mga alaala niya sa digmaan."

" Ano po iyon lo?"

" Bumalik na ito ng Amerika kasama si Macario para doon na manirahan habang buhay.....napakalungkot noong araw na iyon para kay macario sa kadahilanang napalapit na siya sa amin at trese na sya noon.
Ang lahat ng ari arian ng pamilyang Treston ay ibinigay nila sa akin kasama ang tahanan nila bilang pasasalamat sa pagkupkop namin kay macario. Ikinasal kami ni Veronica ng 1945 ang araw na aalis na papuntang Amerika ang mag amang Treston. Labis labis ang kalungkutan ni Macario ng magpaalam sa aming lahat. At simula nga noon ay doon na kami tumira sa bahay nina carmen."

" Eh sino na po tumira sa dati niyong bahay doon sa may ermita?"

" Paano mo nalaman apo na dun ang dati naming bahay?"

" Ha! Ah....eh nasabi po ni Lola magda kanina."

" Ah ganun ba....yung bahay namin doon ay pinatirhan na lang namin sa ibang kamag anak ni papay."

" Wala na po ba kayong balita kay macario?"

" Simula ng araw na huli kaming nagkita ay wala na kaming balita sa kanya....katulad ng matalik kong kaibigan na si Owen ay wala na rin. Hindi ko alam kung buhay pa silang dalawa."

" Kung buhay man po si macario lolo malamang matanda na iyon...pero si Owen po kung buhay man iyon malamang pogi pa rin yun katulad ko,  katukayo eh hehehe"( sabay pogi sign)

" Parehong pareho talaga kayo ng kaibigan kung iyon. Maloko at mapagbiro. Nasaan na kaya siya?...."

Nalungkot si owen sa narinig dahil hanggang ngayon naaalala pa rin pala siya ng kanyang kaibigan. Tumayo si owen para yayain na ang lolo na bumalik sa bahay dahil dapithapon na. Kasabay ng paglalakad nila ay napahinga siya ng malalim sapagkat tuluyan ng nasagot ang mga katanungan sa kanyang isipan ang mga nangyari sa kanyang kaibigan at pamilya nito pati na rin mga kaibigan. Tumingin siya sa langit umusal ng panalangin.

Sa pagbalik nila sa sasakyan ay humingi ng permiso si Owen na maglakad na lang siya at isakay sa wheelchair ang lolo. Natuwa naman ang lolo niya sa ideya ng apo.

Sa paglabas ng sementeryo ay napangiti siya sa kadahilanang ang tulay na dati ay kahoy ngayon ay konkreto na. Yung akasya na nandoon noon ay nanatili pa at lalong lumaki. Napangiti siya sa mga alaala nila ng kaibigan niya doon. Ibang iba na ang itsura nito at may dike na. Hindi na tulad ng dati na luntian ang paligid at maraming mga ibong dumadapo sa mga puno.

Nagpatuloy siya sa pagtulak sa wheelchair ng lolo niya at natapat sila sa ermita noon na ngayon ay lumaki at may nabago na sa itsura nito.

Nagpatuloy sila hanggang sa pinahinto siya ng lolo niya na alam na din niya kung bakit.

" Apo, diyan ang dati naming bahay. Maliit lang siya ngunit maganda at presko. Maraming halaman diyan dati si mamay."

" Tinignan ni Owen ang naturang bahay. Wala na ang dati at napalitan na ito ng isang magarang bahay. Pumikit siya at inalala ang nakaraan. Ang bahay, si damulag, ang paragos, ang balon, ang papag na tambayan nila at higit sa lahat ang mga taong nanirahan sa tahanang iyon na lubos na napalapit sa kanya na ngayon ay mga kamag anak pala niya. Napangiti na may kalungkutan sa mata owen. Iginala niya ang mata sa paligid. Lahat nagbago na, sementado na ang datiy lupang kalsada, mga sasakyang mabibilis na dati ay kalesa, kalabaw ang dumadaan, ang bukid na ngayoy natayuan na ng mga magagandang bahay. At higit sa lahat may kuryente na. Nagbago man ang lahat pero hindi ang kagandahan ng lugar na nakatanaw sa napakagandang bulkang mayon. Nagsimula ulit itulak ni Owen ang wheelchair at...

" Alam mo apo, dito kami madalas sa lugar na ito nagsisimula ni Owen magkarera papuntang bukid hehehe."

" Tapos lagi po siyang talo lo ano?"

" Hehehe tama apo. Hindi kasi iyon sanay sa takbuhan."

" Gusto mo lo takbo tayo pabalik ng bahay?"

" Niloloko mo yata ang lolo mo apo....gusto mo bang makalas ang mga buto ko hane?"

" Hahaha ako lang po lolo ang tatakbo, ikaw diyan lang at itutulak kita, pero dahan dahan dahan lang naman ang pagtakbo ko."

" Gusto ko yan apo hehehe. Parang laro lang dati namin, yung sasakay sa matigas na parte ng katawan ng dahon ng niyog at hihilahin sa lupa. Ang saya nun apo. Sige na..."

Agad sinimulan ni owen ang pagtakbong dahan dahan na iniangat pa niya ang dalawang paa ng wheelchair na labis na ikinatuwa ng lolo niya.

Dumidilim na ng makarating sila ng bahay at agad niyang nakita ang mama at papa niya na nakangiti sa kanila.....
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon