Kabanata Labing Walo

1.8K 84 12
                                    

Agad naman lumabas ang ina ni Oman. At nakikita niyang nagkakagulo na naguusap ang ilang matanda at si Domeng sa labas ng kanilang bakuran.

Lumapit ito sa mga naguusap at nagtanong....

" Domeng nasaan ang asawa ko?"

Nasa likod naman si Oman at Fernan at papalabas ng pinto si Owen na kagigising lang.

" Manay,....sumama na lang po muna kayo sa akin sa bayan nandoon po siya."

" Bakit andoon sya at di pa dumiretso dito?"

" Mamaya na lang po manay."

Agad namang sumakay sa kalesa ito kasama si Fernan at Oman. Nakita naman ito ni Owen at tumakbong sumakay din sa isang kalesa pa na paalis na kamaganak din nina Oman. Naiwan naman ang iba at ilang matanda na di na napigilang umiyak.

Sa bayan ay huminto ang kalesa sa harap ng isang punerarya...

Nabigla sina Oman at Fernan sa nakitang hinintuan. Pero nanatili naman panatag ang ina nila hanggang sa makababa ito ng kalesa. Inakbayan naman ni Fernan ang ina na tila na may gustong ipahiwatig. Nakasunod naman sina Oman at Owen at iba pa nilang kaanak na dumating.

" Kami po ang mga kaanak ni Simeon Burce. Ito po si Eliza Burce ang kanyang maybahay."

" Tuloy po kayo nasa loob po ang katawan niya. Isusunod na po siya sa eembalsamuhin."

Doon na tuluyang napasuntok sa dingding si Fernan habang umiiyak si Oman na tahimik at agad nilapitan ni Owen at tinapik tapik sa likod. Ang mamay nila ay mababakas naman ang pagkabigla pero nanatiling tahimik at walang luha sa mga mata.

Lumapit si Domeng sa ina nina oman at inalalayan ito papasok sa tila morge ng punerarya kasunod sina Oman at Fernan.

At doon nakita nila ang isang nakatakip na bangkay. Dahan dahan itong nilapitan ni Aling Eliza at unti unting hinawi sa parteng mukha ng bangkay ang nakatakip. At tumambad sa kanya ang payapang mukha ng bangkay ng asawa. Hindi nagsalita si aling eliza nanatili siyang mahinahon habang unti unting tumulo ang luha niya at dahan dahang hinalikan sa noo ang asawa at may ibinulong.

" Maligayang paglalakbay mahal ko."

Si Oman at Fernan naman ay naguunahang yumakap sa ama na sumisigaw.

" Papayyyy! Papayyyy!"

Halos madurog ang puso ni Owen sa nakikitang pagdadalamhati ng pamilya lalo na sa matalik na kaibigang si Oman. Sa isang iglap ay nawalan ng isang ulirang ama ang isang pamilya na itinuring na rin niyang kanya. Lumapit si Owen sa mamay nila...

" Mamay nakikiramay po ako."

Niyakap lang ni Aling Eliza si Owen at nagpasalamat. Saka dahan dahang lumapit ito kay Oman. Na nakasubsob pa rin ang mukha sa dibdib ng ama.

" Bro tama na yan. Wala na tayong magagawa. Nangyari na ang nangyari kailangang magpakatatag ka. Hindi magugustuhan ni papay ang ganyang kalagayan mo."

Hindi lang umimik si Oman at nanatili sa pagtangis.

Lumapit naman si Domeng kay aling eliza at nagsimulang magkuwento ng nangyari.

" Manay kahapon po na hapon ay napagkasunduan namin ni manoy na bumiyahe ng gabi pauwi dito ng gabi sa kadahilanang kapiyestahan na ngayon araw. Ngunit isang pangyayari po ang naganap nang habang naglalakad si Manoy sa may pataniman ng mga abaka ay may sumulpot na makamandag na ahas at natuklaw siya sa binti.
Agad pong nilapatan ng lunas ng isang albularyo si manoy ngunit tila palala ang kanyang kalagayan. Hanggang napagpasyahan po naming dalhin siya sa isang klinika sa bayan ng Daraga.....Ngunit hindi na po siya umabot ng buhay doon. Sa daan pa lang ay binawian na siya ng buhay sa bilis kumalat ng kamandag ng ahas. Wala po siyang bukambibig habang nagaagaw buhay kundi kayong pamilya niya na sabihin ko daw na magpakatatag kayo."

Tumango lang si Aling Eliza at tinapik sa balikat si Domeng.
Nilapitan nito ang dalawang anak at niyakap.

" Ayoko ng ganitong kalagayan nyo. Maging ang papay nyo hindi magugustuhan ito. Magpakatatag kayo mga anak magpakatatag kayo."

Nang matapos ang pag embalsamo sa bangkay ay dinamitan na ito ng pangburol na binili ng mga kaanak nila sa bayan ding iyon. At inilagak ang bangkay sa isang simpleng ataul na kahoy. Isinakay ang ataul sa isang sasakyan ng punerarya na magdadala sa bangkay sa baryo kasunod ang mga kaanak. Walang tigil sa pagiyak ang ilan nilang kaanak na matatanda. Si Oman at Fernan naman ay tahimik na lumuluha. Hanggang sa nakarating sila sa bungad ng kanilang baryo kung saan may karamihang tao na naglalakad sa kalsada at ang iba naman ay sa bakuran ng kanilang tahanan.
Maghahapon na niyon. At lahat ng nakakitang tao ay tila nakikiramay dahil kilala nila kung sino na ang ang lulan ng nasa loob ng ataul. Una nilang nadaanan ang bahay nina carmen na makikitang maraming bisita sa bakuran. Makikita doon si Carmen at panyang na biglang tumulo ang luha ng makita ang nasa tapat na ng kanilang bakuran. Mababakas naman sa mukha ng ama ni Carmen ang pakikiramay samantalang ang ina ay wala kang makikita kundi nakataas ang kilay at noo na nagpapaypay.

Pagdating sa tapat ng bahay nina Aling Eliza ay makikitang madaming tao na naghihintay at nandoon din ang dalawang bata na si Alfonso at Remedios.

Tumakbo ang dalawa sa ina at nagtatanong.

" Mamay, mamay si papay po totoo po ba????"

Hindi kumibo si Aling Eliza hinalikan lang sa noo ang dalawang bata.

Hanggang sa inilabas na ang ataul sa sasakyan papasok sa bakuran para ilagay sa isang kubol sa labas ng bahay sa kadahilanang hindi kasya sa loob ng bahay. Nagpapalahaw naman sa kaiiyak ang dalawang bata na yumakap sa kabaong ng kanilang ama.

" Papayyy ko! Papayyy waaahhhh!"

Halos madurog ang puso ng mga taong nandoon bakas sa kanila ang pakikiramay at pagdadalamhati.

Napakasaklap na ang isang masaya sanang pagsasalo salo ay napalitan ng pagdadalamhati.
Maraming tao ang dumating at nakiramay hanggang gabi. Ang iba nilang kaanak ay hindi na umuwi at nanatili na lang sa burol.

Dumating din si Carmen at Panyang kasama ang amerikanong ama ni carmen. Ngunit hindi kasama ang ina nito.

Ibinurol ang ama nina oman ng tatlong gabi. Sa libing ay makikitang maraming tao ang nakiramay dahil batid nilang isang matulungin at mabait na tao si Mang Simeon. Walang patid sa pagiyak ang mga anak nito. At doon na ibinuhos ni aling eliza ang kanyang tinitimping pagdadalamhati. Halos mawalan ito ng boses sa sobrang pagiyak hanggang sa mawalan na ito ng malay.

Ilang saglit pa pagkatapos mailagay sa hukay ang ataul ay unti unti nang umalis ang pamilya ng namatay ayon na rin sa pamahiin ng matatanda. Nagpaiwan doon si Owen hanggang sa huling lupang itinabon dito at inilagay ang isang krus na kahoy. Dapithapon na at payapa na ang kapaligiran, wala ka nang maririnig na pagtangis. Lumuhod si Owen sa harap ng puntod at kinausap ito.

" Papay, alam kong nandiyan lang kayo...naririnig nyo ako. Sa maikling panahon na nakasama ko kayo ay nakita ko po kung gaano kayo kabuting ama at asawa. Maging ako po ay itinuring nyong di iba. Hindi ko po kayo makakalimutan. Huwag po kayong magalala. Tutulungan ko po silang makabangon sa kanilang pagdadalamhati. At ipinapangako ko po na isasapuso ko po ang mga naituro nyo ding aral sa akin bilang isang mabuting tao."

" Paalam papay, maraming maraming salamat po sa lahat."
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.......
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon