Kabanata Dalawamput Lima

1.7K 85 12
                                    

Hi po sa lahat ng readers, maraming salamat po at umabot na ng 1k+ reads ang The Glasshour. Abangan nyo po ang nalalabi pang kabanata at ang mga rebelasyon sa naging buhay ni Oman 75 yrs ago. At ang rebelasyon sa paglakbay ni Owen sa panahon ni Oman. Sino nga ba si manlalakbay sa buhay nilang dalawa. Abangan po natin.
------------------------------------------------------

Kinabukasan ay nagising si Owen sa kabilang kuwarto na malakas ang patugtog.

" Overdrive?! Ang trip ni lolo?!"

Agad bumangon si Owen at inayos ang sarili. Lumabas siya ng kuwarto at sinilip ang kuwarto ng kanyang lolo. Nakita niya itong nakaupo sa tumba-tumbanna nakaharap sa bintana habang tinatapik tapik ang patungan ng braso sa inuupuan nito. Napangiti si Owen sa naririnig. Naisip niya na marahil ay cool ang kanyang lolo.

Isinara niya ulit ang silid nito at bumaba sa unang palapag ng bahay.

Nakita niya na nag aalmusal ang lola.

" Ah lola, nasaan sina mama?"

" Naku maagang umalis punta daw muna sila sa Legazpi City. May dadalawing yatang kaibigan si Fidel. Mag almusal ka na dito. Masarap ito lika na."

Umupo na si owen at sumabay sa kanyang lola.

" Alam mo apo, masaya akong nandito ka. Matagal na kasing walang bata dito sa bahay. Ang ibang mga pinsan mo naman hindi man lang makapunta dito."

" Lola hindi na po ako bata. Fourteen na po ako hehe. Bakit naman po di sila pumupunta rito?"

" Istrikto kasi ang lolo mo. Ayaw niyang masyadong maingay. Pero pag nagpatugtog grabe. Medyo bingi na kasi apo."

" Ilang taon na po kayo lola?"

" 64 na ako apo. Retired na sa pagtuturo."

" Ay teacher po pala kayo."

" Oo, elementary ang tinuturuan ko dati."

" Lola wag po sana kayong magagalit....bakit po di na kayo nakapag asawa."

" Hahaha! Apo, usisain ba naman ang lovelife ko.....mahabang kuwento apo. Ganito na lang...naaksidente at namatay ang mapapangasawa ko isang buwan bago kami ikasal. Yun sa pagmamahal sa kanya....hindi na ako naghanap uli ng nobyo... Kaya heto ang lola mo, old maid ang drama hahaha! Pero apo wag kang matakot sakin, hindi ako masungit. Kung gusto mo isama mo pa ako sa mga party na pupuntahan mo, cool na cool yan sakin apo hahaha."

Natawa si Owen sa tinuran ng lola nya.

" Apir tayo diyan la heheh!"

" Ang lolo mo, kung gusto mo hatiran mo ng almusal mamaya. Kasi pagkatapos pa ng soundtrip nya iyan mag aalmusal."

" Sige po lola....la ano po nga pala pangalan ng lolo? Alam ko lang po kasi si lolo na tatay ni papa."

" My God di mo alam!?"

" Lola itatanong ko ba kung alam ko?!"

Agad kinutusan ng lola niya si Owen na natatawa.

" Luko luko ka apo hahaha naisahan mo ako. Roman ang pangalan niya."

" ROMAN?!!!!"

" Oo apo, Roman Burce."

Nagulat sa narinig si Owen sa kanyang lola.

" Ilan po silang magkakapatid lola?"

" Apat sila...Yung panganay diko na nakita iyon...si Fernan, tapos nag iisang babae si tiya remedios at si tiyo alfonso. Pero lahat sila wala na. Ang lolo mo na lang ang buhay."

THE GLASSHOUR 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon